TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => PC Tech => Topic started by: marzi on September 03, 2007, 02:40:17 PM

Title: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 03, 2007, 02:40:17 PM
sino senyo mga na-hassle sa pagbili ng pc or pc parts? yung sobrang tagal kayo pinaghintay tapos pagbigay sa inyo nung binibili ninyo ay maling part pa?

ang badtrip kahapon...i was at pc options gilmore branch to buy my pc...so i got a 26k budget(sabi ko sa isang thread up to 30k budget ko, may mga dumating na kelangan ko bayaran kaya nauwi ako 26k)...so yun, my plan is to buy parts tapos assemble sa bahay...super loaded ng shop naknamputsa! and to think na 4pm kami dumating at sunday pa,di ba dapat alang tao?...bakit nga ba hindi ko naisip na day-off ng mga tao nun?

so punta ako sa counter at tinignan ang price list nila...i made comparisons sa price ng ibang shops, nakita ko mas mura sa kanila yung ibang part pero yung iba ay hindi...so i chose the parts na bibilhin ko lang dun...tapos order..

after 1.5 hours of waiting , the guy who was supposed to bring my parts came and told me na 3 out of 6 parts na binili ko wala na silang stock at pumili na lang daw ako ng ibang product with same specs...ganito po ang nangyari:

processor
mobo
memory
hdd
vid card
flat screen monitor

sabi ko ok na, nagbigay ako ng alternatives na sigurado naman akong meron na sila dahil sabi nya nga eh....after 30 mins bumalik sya para sabihing meron pala sila nung vid card na kelangan ko at pati na din daw yung hdd at yung monitor at maling processor pa ang naibigay...feeling ko nauubos na oras ko sa paghihintay kaya sinabay ko na din yung iba(case, avr, etc)

naghintay pa ulit ako ng 30 mins at nauubos na yata ang baga ko kakayosi sa labas...so pagkatapos ng isa pang 30 mins ay dumating na sya dala ang mga kelangan ko...litong-lito na ako at nagmamadali na kaya sabi ko paki compute na kung magkano at babayaran ko na...

so 15 mins later ayun na bayaran na...bayad ako...pinakita isa isa sa akin yung mga binili ko at nilagyan ng stickers...so ayun nagbayad na ako at lumabas...tinulungan pa ako nung guard sabay sabi nya na "sir, madami pala kayong binili..dapat dito na lang kayo sa kabilang tindahan namin bumili nyan, walang tao dito eh" sabay turo dun sa kabilang pinto na wala ngang tao dahil aakalain mo ay ibang tindahan nga...alangyang buhay yun oh!

pag uwi lalo pa akong na-urat dahil nung nakita ko yung monitor ko, hindi sya flat crt! check ko yung receipt at nakalagay dun na ang part na nilagay nila at crt monitor lang...tsk tsk...200 pesos lang ang difference ng 17" flat crt nila sa 17" crt eh...ang linaw linaw pa ng sulat ko at ang lalaki ng mga sulat ko para hindi nila mabasa yung word na "FLAT" dun sa "17" flact crt monitor"...

san ba ako nagkamali?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: Al_Librero on September 03, 2007, 02:49:15 PM
san ba ako nagkamali?
Yung pagbili mo sa Gilmore ang pagkakamali mo. Hehehehe.

Ako din, sa PC Options ang worst ever buying and RMA experience ko some years ago. Pinaghintay ako ng mga dalawang oras dati. Isinama ko pa naman tatay ko para tumingin tingin din kasi naghahanap siya ng laptop noon. Tapos mas masakit pa ulo ko nung nagsauli ako ng defective video card. Kaya napilitan na ako makipag areglo directly sa distro.

Pagkatapos nun, nangako ako sa sarili ko na di na ako bibili sa PC Options ulit. At hangga't maaari, wag na rin sa buong Gilmore area.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 03, 2007, 04:14:59 PM
kulit nga eh...sabi nga nung barkada ko dapat daw sa virramall na lang kami bumili at least dun hindi ganun kadami ang tao at ang bentahan andun na mismo sa stock room...feeling ko kasi nasa 3rd floor pa ng building nila yung stock room tsaka sa dami ng umoorder kaya matagal talaga e....

iba tlaga ang parusa pag sa pinakamura ka bumibili ng parts....
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on September 03, 2007, 06:41:36 PM
sa gilmore well thats where i purchased my current multimedia rig. bought everything in one store. sayang marzi dapat nagsabi ka. may isang lugar dun na so far ok yung mga nakuha ko at ok pa yung after sales service.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 03, 2007, 09:00:59 PM
^pm mo sakin kung san repapips...madami pa ako idadagdag sa bibilhin ko e...mura ba?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on September 06, 2007, 09:58:11 AM
yup men mura. well as compared to other pc stores sa area. wala pa akong nakitang mas mura sa kanila. ano pa idadagdag mo?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: pizarro84 on September 06, 2007, 10:15:38 AM
Kung RMA ang habol mo ok sa PC express so far..
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: dref40cc on September 09, 2007, 05:48:36 PM
kakainis din bumili ng pc kung di mo talaga kilala yung ng assemble kasi minsan ay di na brand new yung parts na ilagay nila kaya mas maganda kung nandoon ka habang i assemble.    lalo na yung processor nakatago kaya di mo alam kung bago talaga. 
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: jun_gats on September 10, 2007, 11:18:40 AM
sad to hear na ganun nangyari sainyo. ako ever since sa pc options ako bumibili at wala pa naman akong bad experience sa kanila, problema ko lang ay yung sa testing part kapag nabili mo na at patest. yun lng medyo matagal. mga 10yrs na akong happy customer nila  :-D pero tama kayo di lahat sa kanila mura. minsan may mura at syempre may mahal din.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: ff3j on September 10, 2007, 12:12:57 PM
sakin naloko ako sa speed ng processor. second hand ko lang kasi binili.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 10, 2007, 01:50:10 PM
yup men mura. well as compared to other pc stores sa area. wala pa akong nakitang mas mura sa kanila. ano pa idadagdag mo?

im planning to buy some cooling devices(2 fans, 1 processor cooler)

sa pc gilmore ba yang shop na sinasabi mo?

pm mo naman sakin kung san yan...ty!

all - wala naman ako naging problema sa mga parts na binili ko, pinakita nila sakin isa isa yung parts para malaman kong brand new talaga...at hindi ko sa kanila pina-assemble dahil natatakot akong mejo loose ang pagko-connect nila sa mga wires at connectors...matagal na din ako hindi nakakakalikot ng pc kaya refresher yung experience ko pati na din sa buying...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on September 10, 2007, 02:20:45 PM
sa pc gilmore ba yang shop na sinasabi mo?

whatever you do, stay away from PC Gilmore.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 10, 2007, 02:46:08 PM
^hahahahaaa  :lol:

bakit bossing? anong meron sa kanila?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on September 10, 2007, 08:33:00 PM
^hahahahaaa  :lol:

bakit bossing? anong meron sa kanila?

Let's just say I prefer dealing with TPC premium members. I've dealt with PC Gilmore once, ayoko nang maulit. pareho pa kami ni Al na suki sa rsun.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 10, 2007, 08:46:31 PM
^mejo napansin ko nga na mura yung ibang parts sa rsun...wala nga lang sila nung hinahanap ko ngayon...

yung rsun ba sa Shaw(lagpas ng Starmall) bilihan din ba yun o service center lang?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on September 10, 2007, 09:41:36 PM
marzi men basta hindi sa pc gilmore. hehe

pm ko sayo.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on September 11, 2007, 12:40:03 AM
yung rsun ba sa Shaw(lagpas ng Starmall) bilihan din ba yun o service center lang?

retail branch din yung sa shaw.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: xjepoyx on September 11, 2007, 01:43:53 AM
sayang kosa... sana buzz mo ako sa YM or tinext mo ako.
madali kausap naman talaga mga taga options... regular customer nila ako.
ang badtrip lang talaga pag wala yung parts na kailangan ko :(

Kumpare ko ngayon may bagong tayong computer store sa may delmonte malapit sa studio namin. Kung regular price ng Gigabyte P35-DQ6 eh 13K pesos sa Gilmore or kahit sa TPC. sa kumapre ko eh 12K lang :)

txt mo na lang ako kung may kulang ka pa kosa... baka matulungan kita
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 11, 2007, 02:16:23 PM
^chassis fans na lang at processor cooler na lang ang kelangan ko...tsaka kung kasya pa sa budget IDE cable(yung may coat na rubber, tama ba?)

mahal pala ng Gigabyte mobo kosa? ASRock lang nabili ko eh...pero ok na kasi may onboard 5.1 channel speaker input...pag mag upgrade na lang siguro ulit ako tsaka ako bibili nyan...baka 2-3 years pa yun  :-D

@KitC - bossing salamat sa info...mas malapit na kasi yan kesa punta pa ko gilmore...

@Mic - pag wala yung mga hinahanap ko sa Rsun, dun ako pupunta sa sinabi mo...maispatan din yung chiks na sinasabi mo heheheheee  :evil:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: MEGADENZ on September 11, 2007, 02:56:58 PM
Well ever since time and memorial ganyan naman talaga sa pc options kapag maraming tao …

I have bad experience sa pc gilmore, mabilis ang service pero, hmmm, I don't know if I should share this to all, … worst case talaga …
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on September 11, 2007, 03:00:55 PM
@Mic - pag wala yung mga hinahanap ko sa Rsun, dun ako pupunta sa sinabi mo...maispatan din yung chiks na sinasabi mo heheheheee  :evil:

whoa! share naman dyan!
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 11, 2007, 04:20:27 PM
Well ever since time and memorial ganyan naman talaga sa pc options kapag maraming tao …

I have bad experience sa pc gilmore, mabilis ang service pero, hmmm, I don't know if I should share this to all, … worst case talaga …

well, the topic says "your pc/pc parts buying experience"...

so pede mag share kahit good man o bad  :wink:

whoa! share naman dyan!

hehehee...dun lang daw yun sa tabi tabi ng gilmore eh...baka nga mapabili ako ng fan dun pag nakita ko...grabe build up ni Mic eh  :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: Al_Librero on September 11, 2007, 08:00:40 PM
pag wala sa price list ng RSun, you can try asking them if they can acquire that particular hardware for you.

pare-pareho rin naman kasing mga distributors ang pinagkukunan ng lahat ng retail shops. nagkakatalo lang sa in-house stock.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: MEGADENZ on September 12, 2007, 02:34:53 PM
OK, let's just say na ganito, this happend mga 3 yrs ago, I both a pc that has amd xp2k, epoch mobo, geforce palit vidcard, 512 ghz ddr ram, casing, aoc 17" monitor, dvd-writer … tpos after a while cguro mga less than a month later, eto na, lagi na cya nag-re-restart mag-isa so feeling ko nasunog na yun cpu, but when I brought it back pra sila ang mag-check, sabi nila OK na daw, without even fixing the problem, pag-uwi ko ganun pa din (take note: I live in Laguna pa), then I brought it back … and so fort, pa-ulit-ulit ito nangyari hangang naubos na yun warranty, hindi ko alam kun bakit ayaw na lang nila palitan kun whatever part is causing this, palagay hindi rin nila alam … na-bwisit na ako, [grape] mga tech nila, I even tried to talk to their manager, useless, hindi ko man lang gaano nagamit yun pc … yun lang :-(
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on September 12, 2007, 04:07:18 PM
Always restarting? My educated guess (without examining the pc) would be the power supply, followed by dodgy ram.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: cool2ny on September 12, 2007, 09:01:43 PM
Kung RMA ang habol mo ok sa PC express so far..

experience ko sa kanila, papalitan naman agad, basta may stock ng same model, or mag add ka ng cash kung wala yung same model tapos ibang model na kukunin mo. basta may resibo ka  :-)

may naisoli pa nga ako na hard drive... na actually ako naka sira... nabagsak ko sa table na pinag bubuoan ko ng pc, pag bagsak sa floor nag slide pa ng ilang feet... nag ka bad sector... kinabukasan sinoli ko, dala resibo at may kasama pang simangot... pinalitan walang tanong tanong  :-D

pero yung isang branch nila sa alabang ayaw ko bumili dun, medyo mahina mga tao nila dun compare sa ibang branch na napuntahan ko
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 13, 2007, 04:00:56 PM
pag wala sa price list ng RSun, you can try asking them if they can acquire that particular hardware for you.

pare-pareho rin naman kasing mga distributors ang pinagkukunan ng lahat ng retail shops. nagkakatalo lang sa in-house stock.

ahhh so pwede nila makuha yung part na kelangan ko kahit wala sa list nila? ayus yun...pero kasi excited ako pag meron akong gustong bilhin eh...meaning pag alam ko na ang gusto ko, kelangan makuha ko agad sya ng walang hintay hintay  :lol:

@Megadenz - kung generic na memory card ang binili mo, malaki ang chance na defective agad yan pagka install pa lang...pwedeng yun ang mag cause ng pagloloko ng pc mo...nangyari na yan sa shop namin dati...3 out of 10 pc's ang hindi gumana dahil nagtipid ang tita ko sa ram(mababa na nga ang capacity, generic pa ang brand)...

napilitan din kami bumili ng branded na may lifetime warranty na ram after nun...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: nuestra on September 14, 2007, 12:08:44 AM
Pasali ha..

Experience ko naman sa Silicon Valley sa Megamall.. Bumili ko ng 19" Viewsonic LCD. Wala pang 1 year nagkaroon ng horizontal line sa upper right corner amputs.
Eh di punta ko para ipa-service. After 3 weeks nakuha ko na, excited pa ko umuwi kasi na-miss ko talaga yung widescreen. Eh di ok na nood ulit ng downloaded animes, games..  Anak ng.. bago ko matulog tinignan ko yung upper right corner, andun na naman.. Nakakabadtrip talaga, naghintay ako ng 3 weeks para sa wala. ayan balik ako bukas doon para ipa-service.. Nakakaasar sa ibang mga shop, bibili ka ng tinda nila na mahal ang price tapos walang kwentang service pa makukuha mo..
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: tronixx42 on September 14, 2007, 03:47:06 AM

pwede siguro ireklamo sa dti?

for sale: YOU DIRTY RAT
http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,60695.0.html (http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,60695.0.html)
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on September 14, 2007, 01:08:38 PM
marzi: nakanahap ka na? kung dun ka bibili sa sinabi ko, sabihan mo ako baka masamahan rin kita.

whoa! share naman dyan!

kitc, share? yung pc source or yung chicks?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: MEGADENZ on September 14, 2007, 01:22:09 PM
Yup KitC actually maraming possibility, pero parang hindi nila talaga iniintindi, may time din kasi na ok for an hour, pero babalik ulit yun pag-re-restart niya ...

marzi siguro lately na yan, sabi ko nga this happened mga 3 years ago ...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 14, 2007, 02:06:03 PM
marzi: nakanahap ka na? kung dun ka bibili sa sinabi ko, sabihan mo ako baka masamahan rin kita.

kunwari ka pa...sisilay ka lang ulit eh...pero sige...hehehee :-D

@Megadenz - oo nga...pero sayang kasi yung pc...dahil lang sa isang defective part, hindi mo magamit yung buong pc... :-(
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 14, 2007, 03:24:38 PM
Pasali ha..

Experience ko naman sa Silicon Valley sa Megamall.. Bumili ko ng 19" Viewsonic LCD. Wala pang 1 year nagkaroon ng horizontal line sa upper right corner amputs.
Eh di punta ko para ipa-service. After 3 weeks nakuha ko na, excited pa ko umuwi kasi na-miss ko talaga yung widescreen. Eh di ok na nood ulit ng downloaded animes, games..  Anak ng.. bago ko matulog tinignan ko yung upper right corner, andun na naman.. Nakakabadtrip talaga, naghintay ako ng 3 weeks para sa wala. ayan balik ako bukas doon para ipa-service.. Nakakaasar sa ibang mga shop, bibili ka ng tinda nila na mahal ang price tapos walang kwentang service pa makukuha mo..

sayang yan...idol ko pa naman yang lcd mo...mukang pag bumili ako ng lcd mas pipiliin ko na lang na surplus eh kasi yun di ako manghihinayang pag nasira...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: nuestra on September 14, 2007, 05:06:43 PM
sayang yan...idol ko pa naman yang lcd mo...mukang pag bumili ako ng lcd mas pipiliin ko na lang na surplus eh kasi yun di ako manghihinayang pag nasira...

nakow kung surplus binili mo tapos biglang nasira pagkatapos ng warranty period, malamang mga 3-6months warranty lang yan, mas malaking sakit ng ulo mararanasan mo.. next time nga pag nag-upgrade ako pipiliin ko na yung may at least two years warranty para sa peace of mind.. badtrip 14" CRT mode tuloy ako ngayon..  :cry:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 14, 2007, 08:09:34 PM
lol :lol:

nagulat nga ako nung nakita yung monitor mo eh hahahaa...parang nasabi ko, "wow! ano nangyari? major downgrade na?!"  :lol:

pero hindi pa rin ako makapaniwala na Php200 lang talaga ang idadagdag ko eh naka 17" flat crt na ko eh...pag uwi ko ng bahay tapos nakikita ko yung monitor ko parang naiinis ako sa pc options...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: Indie_Boy on September 14, 2007, 11:24:37 PM
Let's just say I prefer dealing with TPC premium members. I've dealt with PC Gilmore once, ayoko nang maulit. pareho pa kami ni Al na suki sa rsun.

sa TPC the best! kung mobile phones naman ang trip mo, sa TCP.com ka maghanap..
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 22, 2007, 02:28:56 PM
mukang tama si sir KitC na sa mas maayos kausap ang mga TPC premium members...nakipagmeet kasi kami kahapon ng barkada ko sa isang member dahil bibili sya ng procs cooler...ang tingin namin sa mga shops ay Php1,900 pero sa kanya ay Php1,700 lang...laki ng difference!

tapos may free lecture pa sa proper cooling/maintenance ng pc...astig!

nakalimutan ko nga lang ang handle/name nya sa TPC  :-(
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: chette on September 23, 2007, 04:33:38 PM
Ang di ko lang nagustuhan sa TPC members, halos lahat ng nabilhan ko walang official receipt.

Syempre gusto ko naman maayos din ang pagdedeclare nila ng tax.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 27, 2007, 02:10:11 PM
Ang di ko lang nagustuhan sa TPC members, halos lahat ng nabilhan ko walang official receipt.

Syempre gusto ko naman maayos din ang pagdedeclare nila ng tax.

hehehee...yun lang! :-D

wala nga din receipt yung binilhan namin pero may 6months warranty sya...

@Mic-pre napuntahan ko na yung sinasabi mong may chix heheheee...ok ka din pumili pre...malaman yun ah!  :evil: tsaka mura din yung benta nila..wala nga lang warranty yung binili ko  :cry:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on September 28, 2007, 01:27:17 AM

@Mic-pre napuntahan ko na yung sinasabi mong may chix heheheee...ok ka din pumili pre...malaman yun ah!  :evil: tsaka mura din yung benta nila..wala nga lang warranty yung binili ko  :cry:

alin dun? yung st paul or yung tindahan? ano binili mo?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on September 28, 2007, 01:22:35 PM

alin dun? yung st paul or yung tindahan? ano binili mo?

yung tindahan pre...pagpasok ko alam ko na agad kung sino yung sinasabi mong chix hehehee...nakangiti na nga agad mukang tumawag ka para ibilin ang pagdating ko dun eh...makulit pang kausap heheheee...

yung mga st paul na chix umilag muna ako kasi mejo pawis na nun dahil umakyat pako sa third floor ng pc gilmore eh may tinignan ako...

OT na tayo hahahaah! :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: nuestra on October 03, 2007, 02:05:14 AM
sayang yan...idol ko pa naman yang lcd mo...mukang pag bumili ako ng lcd mas pipiliin ko na lang na surplus eh kasi yun di ako manghihinayang pag nasira...

kakakuha ko lang nung LCD ko after 3 weeks of waiting.. guess what? after 1 day of using it, andun na naman yung horizontal lines sa upper right corner ng screen. hayy buhay. nakakapikon yang silicon valley na yan, parang kinuha lang nila yung lcd tapos hinintay matapos yung warranty period bago ibalik sakin. nung tinest ko sa kanila ok naman tapos ngayon, sira na naman.. nakakapagod na bumalik dun sa bwi*et na shop na yun.. pero no choice, babalik na naman ako..  :x
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: jv21 on October 04, 2007, 01:28:11 PM
PC EXPRESS. since wala pa me masyado alam sa computer parts and hardware nun, binentahan me ng:

512 GENERIC DDR2 PC533 MEMORY for P2,340.00.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on October 04, 2007, 01:42:00 PM
PC EXPRESS. since wala pa me masyado alam sa computer parts and hardware nun, binentahan me ng:

512 GENERIC DDR2 PC533 MEMORY for P2,340.00.

 :?

2.3k tapos generic pa?

If you checked RSun Computer's prices, 512 mb KINGSTON DDR2-533 costs P1,100. For less than P2K you can get a 1 Gb Geil with heatsink!
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: jv21 on October 04, 2007, 02:09:13 PM
:?

2.3k tapos generic pa?

If you checked RSun Computer's prices, 512 mb KINGSTON DDR2-533 costs P1,100. For less than P2K you can get a 1 Gb Geil with heatsink!

un nga sir eh. they took advantage learning na ala me masyado alam nun. tsk tsk tsk.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 04, 2007, 02:24:42 PM
kakakuha ko lang nung LCD ko after 3 weeks of waiting.. guess what? after 1 day of using it, andun na naman yung horizontal lines sa upper right corner ng screen. hayy buhay. nakakapikon yang silicon valley na yan, parang kinuha lang nila yung lcd tapos hinintay matapos yung warranty period bago ibalik sakin. nung tinest ko sa kanila ok naman tapos ngayon, sira na naman.. nakakapagod na bumalik dun sa bwi*et na shop na yun.. pero no choice, babalik na naman ako..  :x
:?

2.3k tapos generic pa?

If you checked RSun Computer's prices, 512 mb KINGSTON DDR2-533 costs P1,100. For less than P2K you can get a 1 Gb Geil with heatsink!

sir, less than 2k for a 1gb geil w/ heatsink? san meron? hindi ko na talaga maiipon sweldo ko para sa gitara kung nagmumurahan mga pc parts ngayon hehehee...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: KitC on October 04, 2007, 05:56:56 PM
sir, less than 2k for a 1gb geil w/ heatsink? san meron? hindi ko na talaga maiipon sweldo ko para sa gitara kung nagmumurahan mga pc parts ngayon hehehee...

Check Rsun's site at rsun.com.ph - you can even order online if you register.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 04, 2007, 06:09:11 PM
^to tell you the truth, 3 times/week akong nagda-download ng pricelist nila to check if the next part i'll be buying has some price drop...im using a pc667 kingston kaya sa kingston lang ako lagi nakatingin...its a decent brand, i think...yung sink nga lang ay separate kong binili dahil walang kasama...

nga pala bossing...ano yung single and dual sa geil products?paki explain...im a "plug and pray" person(galing sa ibang thread heheeh) at hindi ko alam ang difference nitong dalawa...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: nuestra on October 04, 2007, 08:12:16 PM
^to tell you the truth, 3 times/week akong nagda-download ng pricelist nila to check if the next part i'll be buying has some price drop...im using a pc667 kingston kaya sa kingston lang ako lagi nakatingin...its a decent brand, i think...yung sink nga lang ay separate kong binili dahil walang kasama...

nga pala bossing...ano yung single and dual sa geil products?paki explain...im a "plug and pray" person(galing sa ibang thread heheeh) at hindi ko alam ang difference nitong dalawa...

packaging lang yun.. pag dual geil, ibig sabihin 2 sticks of ram na sure na gagana as dual channel.. ung single naman 1 stick lang.. for example, ang 1 gb geil na dual ay composed of 2 sticks na 512mb.. ang single naman 1 stick na 1gb.. pag dual channel kit kasi, same batch, same timings etc. Kaya mas mahal, kasi sure na magru-run in dual channel mode.. pero as I said before, packaging lang yun kasi ako nung bumili ko ng ram, 1 kingston 1gb ddr2667 muna tapos napag isip-isip ko na baka kulangin kaya bumalik ako sa shop then kumuha ulit ng isa pang stick, ayun ok naman napagana ko naman in dual channel mode

HTH :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 04, 2007, 10:02:31 PM

nice...salamat pre...ako ay naliwanagan na! hehehee  :-D

so kingston ddr2667 na lang bibilin ko dahil yun na ang nakasaksak dun sa pc eh
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: dref40cc on October 07, 2007, 11:02:51 AM

Experience ko naman ng bumili ako ng hard disk na second hand  para sa pc ko na luma,pagdating sa bahay ayaw mg install kaya binalik ko pinalitan nila pero yung pinalit mas malala ang sira tapos sabi nila maghintay daw ng stock tatlong araw na wala pa din kaya kinuha ko na lang yung binili ko ginawa kong second drive. lesson:  huwag bumili ng hard disk na 2nd hand. 
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 08, 2007, 01:31:33 PM
aww thats bad experience man...wala pa naman ako bad experience sa mga second hand parts kasi brand new lagi binibili ko...kahit tempting ang price dapat makasiguro na din...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: dref40cc on October 08, 2007, 04:04:35 PM
^  kaya ngayon wala na ako tiwala sa mga thrifty computer shops. makatipid ka daw pero sa bandang huli ay mamahalan ka din kasi mga ilang taon lang yon gagana. swerte na lang kung makatiming ka ng panalo..  sa ngayon yun lang monitor ko ang luma dumayo kasi ako ng ibang lugar  at ayokong dalin ito pag uwi di ko naman ma afford bili lcd.   
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 08, 2007, 04:07:40 PM
^asan ka ba sir?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: jun_gats on October 08, 2007, 06:19:58 PM
ako first time ko makabili sa pc express shaw about 3 weeks ago. mas ok sya kesa sa gilmore na laging madaming tao. case nalang kasi nainstall ko na eh.  
(http://i10.photobucket.com/albums/a120/jun_gats/Computer/10082007.jpg)
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: dref40cc on October 08, 2007, 06:39:52 PM
^asan ka ba sir?
dito ko marzi sa india kaya compare ko din prices kung sino ang mas mura parang mas mura na yata sa atin ang prices.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 08, 2007, 07:20:32 PM
wow! layo ah?!

sana lang sir ok ang customer service nila jan...
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: dref40cc on October 08, 2007, 07:47:38 PM
^ kung pupunta ka sa mga mamahaling shop ok ang service nila pero yung mga mumurahing shop medyo mahirap din ang labanan kasi foreigner tayo minsan lolokohin nila in terms of prices tataasan o kaya naman di na brand new yung parts na ilalagay.  dito kasi pwede mo ibalik yung piyesa kahit nagamit mo na ng ilang buwan  kung gusto mo palitan ng mas bago pwde.  kaya mas maganda doon sa first class na shop kung baga mga cyberzone sa atin yung me pangalan.  kasi  they protect their names kaya ok ang service sa customer.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 08, 2007, 09:14:02 PM
ahh...dito naman baligtad...kung ano yung maganda pangalan(hindi lahat ha?)yun pa magulang sa presyuhan... :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: ozborne on October 26, 2007, 11:42:38 AM
One time i ask my friend who is a pc technician and owns an internet cafe  to assemble for me cpu minus the monitor and the dvd. i gave him 16k that is year 2005. He gave me celeron 2.40ghz, 250 RAM video card 64mb, 40hdd, ecs mobo that i think is the cheapest price  he admitted that he gave me used casing and psu so it's ok. 
Later when I open the casing only  the mobo  is new I also doubt if the processor is new. 
 
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: Poundcake on October 26, 2007, 02:36:56 PM
Sa Rising Sun din ako bumibili usually. And matino naman sa PC Express Alabang so bumibili din ako dun paminsan. CompLINK/HUB Computer has good stocks. Meron ding shop sa Alabang Town Center called Net Trekker who gives me good prices kasi halos 10 years na akong bumibili sa kanya hehe :)

Wala naman akong bad experiences sa pagbili ng computer parts save for one delayed video card replacement in the other PC Express branch in Alabang. My philosophy lang is stick to the shops that have real brand new products :)
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 26, 2007, 02:50:49 PM
ako tinatamaan na ng pagiging loyal sa Rising Sun Shaw....napanis yung chick na pinag mamalaki ni Mic dun sa clerk ng RSun eh...panalo! kilala na siguro nila sir KitC at Panterica yung babaeng yun...AMPUUUUTIIII!!!!! :-D
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on October 28, 2007, 11:19:51 AM
ako tinatamaan na ng pagiging loyal sa Rising Sun Shaw....napanis yung chick na pinag mamalaki ni Mic dun sa clerk ng RSun eh...panalo! kilala na siguro nila sir KitC at Panterica yung babaeng yun...AMPUUUUTIIII!!!!! :-D

hoy di ko pinagmamalaki yun! hahaha

teka san malapit yung rsun shaw?  :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 28, 2007, 01:39:13 PM
^hehehee...pero aminin mo nanggigil ka din dun!  :evil:

sa crossing lang pre..lagpas lang ng konti sa starmall, papunta sa direction ng acacia lane...

nakaka-akit sya kaya di ako mashadong tumitingin sa kanya dahil baka dumami ang mabili ko hahahaah!  :lol:
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: akosimic on October 28, 2007, 11:54:32 PM
left side or right side?  :lol:

teka kamusta naman presyo at stocks nila?
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: jun_gats on October 29, 2007, 06:57:09 AM
ok sa rsun. i bought a seagate 250bg hd and some accessories last saturday 2 yrs warranty pa ng hd.
Title: Re: your pc/pc parts buying experience
Post by: marzi on October 29, 2007, 04:30:39 PM
left side or right side?  :lol:

teka kamusta naman presyo at stocks nila?

sa side ng starmall...basta lagpas ka lang ng konti pag galing ka ng starmall makikita mo na yun...

ok naman sa price...maiisip mo din naman minsan na parang pamasahe mo na papuntang gilmore yung dagdag sa presyo nila e...tsaka gaya nga ng sabi ni sir Jun_gats, ok sila sa warranty...