TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => Gaming => Topic started by: art_attack16 on October 22, 2007, 06:23:19 PM

Title: TEKS!!
Post by: art_attack16 on October 22, 2007, 06:23:19 PM
alam naman nating maraming teks na nauso dati.. kayo ba pumatol kayo sa teks??

teks?? teks?? hehehehe.... ako oo.. aaminin ko marami pa akong teks ng dragonball kasi dinodrowing ko
Title: Re: TEKS!!
Post by: tronixx42 on October 22, 2007, 08:16:17 PM
maganda i post yung pics ng lumang tex dito LOL :-D
Title: Re: TEKS!!
Post by: art_attack16 on October 23, 2007, 10:36:00 AM
heheheh uu nga noh.. pwede nga yun.. post na kayo!!
Title: Re: TEKS!!
Post by: calvs on October 23, 2007, 10:52:56 AM
dami ko dati nito! lalo na yung mga dragonball, tsaka mga marvel  :-D hehehe, piktyuran ko nga pag-uwi. sana di pa tinatapon ng nanay ko  :lol:
Title: Re: TEKS!!
Post by: MikEh on October 23, 2007, 11:48:07 AM
meron ako dati dragon ball pati ghost fighter. pinagaawayan pa namin kung sino mas malakas, si goku o si eugene.
Title: Re: TEKS!!
Post by: guitaricci on October 23, 2007, 02:46:24 PM
meron ako nung teks na marvel, ghost fighter, DBZ, wwf pati yung mga lumang pelikula...hehe...pero sa marvel lang ako umasenso...pamato ko si Iron Man! haha.. :-D
Title: Re: TEKS!!
Post by: jun_BALARAW on October 23, 2007, 02:50:06 PM
naniniwala ba kayo na pag mas mataas ang power number sa text eh madalas kayong mananalo? hehehe
Title: Re: TEKS!!
Post by: art_attack16 on October 23, 2007, 02:52:56 PM
uu nga.. sino ba gamit nyong pamato kapag nakikipaglaro ng teks? hehehe...

the best yung dragonball pataasan ng level!
Title: Re: TEKS!!
Post by: rojzkie on November 19, 2007, 01:12:03 AM
i sa da la wa tat lo cha! :-D
ganung pa mag bilang sa teks dati lol
Title: Re: TEKS!!
Post by: drummer_boy17 on November 25, 2007, 09:06:44 PM
nakaka miss ng mglaro ng teks!!.. laro tayo!!! :-D
Title: Re: TEKS!!
Post by: hindi_ako_si_sid on November 25, 2007, 10:26:28 PM
haha.. teks na lumang pelikula! dun ako nakarami, kaso pinasunog ng ermat ko. sugal daw kasi  :cry:

may mga "pektus" pa at kung ano anong ayos ng panabla at pamato. pati ung pamato mismo espesyal! galit na galit ka pag nababasa, pinapatuyo pa sa electric fan. bwahahah. tapos kung pitik style o ung roll style ang pag tira.. kung iisipin mo,  nakakatuwa dahil naniwala tayo sa mga ganun, pero swertihan lng talaga ang teks.  :lol:

Title: Re: TEKS!!
Post by: paperlungs on December 07, 2007, 04:59:35 AM
alala ko andami pang pandaya ang ginagawa dati, meron yung babasain ng laway yung sa kalaban tsaka sa panggulo...haayy...marvel pa kinokolekta ko nun. or yung sa maliit naman, yung mga panday... :mrgreen:
Title: Re: TEKS!!
Post by: jefisipbata on December 07, 2007, 07:51:29 AM
haha.. teks na lumang pelikula! dun ako nakarami, kaso pinasunog ng ermat ko. sugal daw kasi  :cry:

may mga "pektus" pa at kung ano anong ayos ng panabla at pamato. pati ung pamato mismo espesyal! galit na galit ka pag nababasa, pinapatuyo pa sa electric fan. bwahahah. tapos kung pitik style o ung roll style ang pag tira.. kung iisipin mo,  nakakatuwa dahil naniwala tayo sa mga ganun, pero swertihan lng talaga ang teks.  :lol:



ako din madami dati nito. tinatago ko pa sa ilalim ng kama kase ayaw ni ermats...yung pamato ko may special na lagayan pa, bawal ihalo sa ibang text, tapos dangkalan lagi ang taya, wala nang bilangan. hehehe. miss ko na to. masyado na hi-tech mga laro ngayon nababawasan na tuloy ang human interaction..
Title: Re: TEKS!!
Post by: glenntotz_27 on December 08, 2007, 09:12:57 PM
hahaha. naalala ko tuloy sa school.. ung isang higher year sakin.. napaiyak namin dahil sa teks! hahaha..

may dala kasi kmeng tig isang box ng sapatos na puno ng teks.. tpos pustahan.. ubusan ng box.. hanggang sa tinaya na namin isang buong box.. tpos.. natalo sya.. umiyak tapos ayaw ibigay sakin ung box! hhahaha ako naman galit na galit kasi sympre panalo ako nun eh! (sabe nia nandaya daw ako!! eh ndi naman!)
Title: Re: TEKS!!
Post by: danggo25 on December 10, 2007, 09:56:03 AM
may mga pamato nga na madalas manalo pag nasa unahan, gitna at panghuli.
Title: Re: TEKS!!
Post by: art_attack16 on December 11, 2007, 08:31:08 PM
suntukan ng dahil sa teks!! hhehehe.. naranasan ko na yun.. nung bata ako..   :oops:

hehehe kakahiya pag naaalala ko
Title: Re: TEKS!!
Post by: jefisipbata on December 12, 2007, 07:24:49 AM
may mga pamato nga na madalas manalo pag nasa unahan, gitna at panghuli.

weird to, pero naniniwala ako dito dati e. parang may sweet spot ung mga pamato..
Title: Re: TEKS!!
Post by: hindi_ako_si_sid on December 12, 2007, 11:03:28 AM
yung pamato ko may special na lagayan pa, bawal ihalo sa ibang text,

l*ngya! naisip mo pa ito? haha.. sobrang special talaga ng pamato no? magkakamatayan pag nawala ito!  :lol:
Title: Re: TEKS!!
Post by: rojzkie on December 12, 2007, 11:54:15 PM
depende din dati kung pano mo pipitikin ung teks  :-D
Title: Re: TEKS!!
Post by: zero0 on December 19, 2007, 12:04:59 PM
teks..
dami ako nyan dati, ung mga lumang pelikula..
mga pelikula nila fernando poe,..
mga 2 kahon sapatos ung collection ko..
1 pelikula kumpleto ko ung series eh..
nakikipag ayaw pa nga ako sa mga kalaro ko dati pag nagkakadayan na..
hehe!!

kaso tinago ng ermat ko ung mga teks ko, tpos sinunog..
galit n galit ako sa ermat ko nun..
hehe!!
Title: Re: TEKS!!
Post by: bhenard on December 20, 2007, 09:07:50 AM
may mga umaangal pa nga kasi OBLIQUE daw ang pagkakapitik sa card nyek!!

dumadayo pa nga kami ng mga bigatin ko rin nagtetext nun!!