TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: boypalo on November 28, 2007, 04:15:07 AM

Title: kalyo/paltos
Post by: boypalo on November 28, 2007, 04:15:07 AM
dahil mga musikero tayo di natin maiiwasan to.
madalas sa kamay
meron din sa paa
anong ginagawa nyo pra mawala to?
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: cavsdieagram on November 28, 2007, 06:54:39 AM
dahil mga musikero tayo di natin maiiwasan to.
madalas sa kamay
meron din sa paa
anong ginagawa nyo pra mawala to?

Nakaw!!! napakanta tuloy ako "Let it be, let it be, let it be oh let it be... speaking words of kalyo Let it be..." wahah!!! Hinahayaan ko nlng sya sa paa ko...haha :lol: Nagsimula syang kalyohin nung highschool ako when i used to play that sk8board thing hehe :-D Laging pawis ang paa so ang tendency eh paltusin tapos hanggang sa maging kalyo na! Almost 3years nakong tumigil playing that sport pero and2 pa rin si bespren kalyo, ang tindi ng kapit... :lol: Tama kailangan natin ng tulong!!!Tulong!!! :-D
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: LORD_TAMSZ on November 28, 2007, 07:16:25 AM
madalas ang kalyo ng bassist sa kanang mga daliri, though meron din ako sa kaliwa. well wala talaga akong panlunas jan. para sa akin mas maganda pa na may kalyo ang daliri ko lalo na sa kanan.
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: daemonite on November 28, 2007, 01:30:11 PM
ako naman sa daliri ko sa kamay. Lalo na kapag gamit ko eh Ziljian Dip sticks. sobra kasi maga yung stick kaya nagkakakalyo ako. huhuhu....
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: rockophoria on November 28, 2007, 03:14:42 PM
sa daliri ko? pinababayaan ko lang..

sa talampakan  ko naman eh pinapangatngat ko sa mini pinscher ng tito ko.. hehehhe  :-D
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: boypalo on November 28, 2007, 03:43:46 PM
ako sa kanan na kamay 
sa index finger
minsan natuklap ung balat habang tumutugtog
sakit  :cry:
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: cavsdieagram on November 28, 2007, 10:48:40 PM
ako sa kanan na kamay 
sa index finger
minsan natuklap ung balat habang tumutugtog
sakit  :cry:

Awww!!! ang sakit nun bro... :cry:
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: BAMF on November 28, 2007, 11:16:12 PM
Nakup. Ganyan din ako pag malamig ang panahon.

Eto ang nakita kong epektib na solusyon. Nivea Intensive Care Lotion. Mga 2-3 days lang na pahiran mo nyan, una lalambot tapos mawawala ang tendency nya na mag-crack at matanggal.
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: boypalo on November 29, 2007, 01:29:08 AM
ma try nga. sa paa din meron ako e ung matigas sa sakong
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: jun_BALARAW on November 29, 2007, 04:33:45 AM
Kalyo? normal sa drummer yan hehehe.. ako 1 year na akong hindi nag dadrums pero hind pa din natatanggal ang kalyo ko sa kamay. pero numinipis naman na
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: marzi on November 29, 2007, 03:32:10 PM
sa daliri sa o sa kamay, ok lang...sign yan na adik ka talaga sa gitara, bass o drums  :-)

sa paa, mahirap...lalo na pag sakto lang ang laki ng sapatos mo sa paa mo...madalas syang tumatama sa sapatos at masakit yun..ganun nararamdaman ko dati sa hinliliit ng paa ko dati eh...

ang solusyon, lukewarm water na nasa planggana...2 capfuls ng foot soak(meron sa watsons)...haluin sandali at ibabad ng 15-30 mins ang paa...pagkatapos kunin ang footscrub(sa watsons din meron nito) at i-scrub ang mga area na may kalyo...kung makapal ang kalyo, hindi kaya ng isang session lang yan...3-5 sessions at makikita nyong maganda na ulit ang paa nyo....

sabi din dati sakin nung nag foot spa bago daw matulog maglagay ng petroleum jelly sa paa o sa area na may mga kalyo...nakakatulong daw yun...
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: boypalo on November 30, 2007, 02:23:02 AM
my nagsabi din lotion daw bago ka matulog tapos ibalot sa gwantes kung sa kamay at mejas kung sa paa.
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: jun_BALARAW on November 30, 2007, 03:30:45 PM
my nagsabi din lotion daw bago ka matulog tapos ibalot sa gwantes kung sa kamay at mejas kung sa paa.
kaso kung musikero ka mas gugustuhin mo na may kalyo ka.  diba? hehehe
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: lil.drummerboy on November 30, 2007, 03:40:55 PM
sakin pag matagal hindi nakapalo tapos papalo puro paltos at kalyo inaabot ng daliro ko. pero napapansin ko pag laging pumapalo parang hindi basta basta nagkaka kalyo eh. parang nasasanay. pero andun parin yung lumang kalyo. hindi lang masyado halata..
Title: Re: kalyo/paltos
Post by: gereyster on November 30, 2007, 08:25:59 PM
wala akong ginagawa para matanggal kalyo ko. parang astig pag may kalyo ka e. :-D pero siguro mainam na pantanggal dito ay lotion.