TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: lil.drummerboy on April 23, 2008, 04:33:17 AM
-
dito tayo!!! :-D
gian ayos lang ba to? pasencya na walang magawa eh :-D
-
syempre, kung may di nagyoyosi thread, dapat may ganito din! :wink:
present! :-D marlboro lights! been smoking for 6yrs now! :evil:
-
Ayun oh :lol: Marlboro RED Smoking for 8 yrs. :evil: na stop lang ng ilang months nung nag buhat ako dati.
-
Marlboro Menthol. More than a year na.
-
marlboro lights. yebah! :-D mahigit 3 years na. :-D
-
mauuna pla akong mamatay sa inyo! wahaahahah! :lol:
-
Brand: Marlboro red
Addicted for 6 years. :|
Tanong lang, Paano kayo nagsimulang matuto mag yosi?
Ako, peer pressure. First year highschool ako nun, mga senior ko ang barkada ko (third/fourth year hs) Sila ang impluwensya sakin. Kayo?
-
Winston Lights! :-D
-
pano ko nagsimula? hmmm..
ive started AFTER graduating college! (damn, cant believe im revealing my age! :lol:), i just thought na subukang magyosi since after college, ill be supporting my vices so might as well try it and my father used to smoke that time.. hayun, na-adik! sarap magyosi, after kumain or magsipilyo! :-D
nkaka 8-10sticks ako per day.. pag inuman, isang kaha! :-D
kayo? :?

ako, college pa lang ako marunong na ko mag yosi pero pahinto hinto kasi nahihilo ako. nung mag trabaho medyo nahinto kasi wala ako ka yosihan sa work, puro good boys & girls mga ka officemate ko. sa huling work ko nakasama ko yung barkada ko na malakas mag yosi, di naman chain smoker pero siguro mga 5 sticks a day. ayun dun nko nag simula talaga, hanggang sa hindi ko na matigilan kasi dati nag smo-smoke lang ako sa office pag may work, pag wala pasok hinto ako pansamantala. pero ngayon may stock nko ng marlboro lights room ko he he :-D
mas malakas ako mag yosi pag may inuman & during gigs :-D
-
Normally 5 to 8 sticks per day. Pag may inuman mas napapadami -- isang kaha siguro.
-
ayus to ah. i smoke too. winston lights. i'm not proud of it though and I've been trying to quit. Masama na pakiramdam ko eh. Even wrote a song about it (shameless plug: http://www.soundclick.com/util/getplayer.m3u?id=5899236&q=hi).
anyway. sana humaba pa ang buhay natin. at sa mga gusto makatigil, good luck.
-
marlboro lights..less than 10 sticks/day but depends on the situation.. :-D
been smoking for 5 years... i started smoking when i heard my roommate asking our dormmate how to smoke.. i already tried smoking before i heard that pero ung hit hit buga lang tsaka ung pabilog....when i learned the proper way of smoking, boom! sorry lungs.. :-P
i am already trying to quit..but it remains as a try... :-D
may marlboro lights blue na pala no?kahpon ko lang nkita sa mini-stop..sa iba wala..

hmmm.. ma try nga yang marlboro lights blue.. :|
-
ako 15-20 sticks a day :lol: pag umiinom di maiwasang mapapa dami talaga. lalo na kung nag pupuyat parang ang hirap pag walang yosi eh. :(
-
ako 15-20 sticks a day :lol: pag umiinom di maiwasang mapapa dami talaga. lalo na kung nag pupuyat parang ang hirap pag walang yosi eh. :(
kamusta naman ang baga mo diyan? hahaha.
1-3 lang per day. may days din na di talaga ako nag yoyosi.
-
12-15 sticks a day of marlboro lights...pampaalis tension sa buhay call center...
pag may inuman...who's counting? :lol:
been smoking since 4th year HS, mga 14-15 years old ako nun...pero naging regular lang akong magyosi at the age of 16, nung patapos na yung freshman year ko sa college...
longest i've quit in recent history was a week...early 2005 yan, nung nagka-chicken pox ako...pero pagbalik ko sa trabaho, balik yosi ulit! haven't stopped since then...
-
ako 15-20 sticks a day :lol: pag umiinom di maiwasang mapapa dami talaga. lalo na kung nag pupuyat parang ang hirap pag walang yosi eh. :(
masarap talaga mag yosi khit anung sabihin natin lahat..hehe.. lalo n pag gusto mo magrelax at wala ka magwa at makausap.. :-D
-
kamusta naman ang baga mo diyan? hahaha.
1-3 lang per day. may days din na di talaga ako nag yoyosi.
heheh ok pa naman siya nung nag pa medical check up ako late last yr. sabi ni sexy nurse heheh.
masarap talaga mag yosi khit anung sabihin natin lahat..hehe.. lalo n pag gusto mo magrelax at wala ka magwa at makausap.. :-D
yun nga eh nakaka pranning pag madaling araw at di maka tulog ng walang yosi. naghahanap talaga ako pag ganun.
-
marlboro lights/ reds callcenter eh.. samahan mo pa ng kapeng matapang!
-
lucky strike or Dunhill Frost.
if wala, kahit ano will do, seryoso :))
been smoking for 6 years now. 20+ sticks a day.
i wanna quit na mga pre pero sobrang hirap.
-
ako wintons lang. mura e. kahit lasang magic flakes. nasanay nako. ako 15-25 a day. parang eggnog, pag ala yosi ala mapag usapan. mapa magic, usap, laro, kulitan. yosi is man's bestfriend e. for now. haha
-
Nag yoyosi ako after kumain.. nakaka relax eh. 8-)
pag tense ka naman, hithit buga.. :?
pag na ebs din ako, yosi pa rin.. :roll:
10 sticks a day lang ako cguro.. pag inuman, di ko na mabilang.. :-D
-
marlboro lights(gold) alen dito kaya nyo guys? http://www.metacafe.com/watch/881903/4_tricks_4_smokers/
-
marlboro lights(gold) alen dito kaya nyo guys? http://www.metacafe.com/watch/881903/4_tricks_4_smokers/
ang di ko lang kaya yung tinatago sa loob. PANO YON?!
-
maski ako di ko kaya yon!!! :-D mapaso pa dila ko..hehehe
-
kaya ko yung hahawakan ng thumb and pointing finger yung yosi. dulo sa dulo. isang kamay :-D
-
kaya ko yung hahawakan ng thumb and pointing finger yung yosi. dulo sa dulo. isang kamay :-D
hehe kaya ko rin bro.. I've learned that trick nung college days ko!!! hehehe
kaaliw gawin yan pag nag iinuman.
-
OO BRO! TAPOS LAHAT NAPAPASO. tapos lasing pa lahat! HAHAHA!
-
hahaha tricks. nung hs kya ko ipasok sa bibig ko yung yosi ng bibig lng gmit ko hbng my sindi hehe. well ska walng kmtyang bilog
-
OO BRO! TAPOS LAHAT NAPAPASO. tapos lasing pa lahat! HAHAHA!
hahaha, tapos ikaw naman walang ka paso paso.. naka smile pa while holding the yosi!
-
'ate dalwang puting malboro nga po ! ..... pasindi na rin ! ' :lol:
ket magisa kang nagyoyosi para n din may kausap ka...gara nga e. :?
-
When I smoke, I always have candy in my mouth (XO coffee candy).
Parang kape lang yan eh, some like it black, I like my coffee with creamer.
-
masarap magyosi pagtapos mag toothbrush! :-D
-
masarap magyosi pagtapos mag toothbrush! :-D
sakit ko to.kasi pag inaantok na ako siyempre mag toothbrush ako. tapos pag hindi pala maka tulog. nag yoyosi lang ako ng nag yoyosi. masarap nga din mag yosi pagkatapos mag tooth brush. kasi malamig sa bibig. yun nga lang nakaka pang hinayang nag toothbrush na eh tapos mag yoyosi nanaman :lol:
-
natuto ako sa when i started working sa call center. puyat pagod and stress drove me nuts and yosi made me relax. ayun been trying to quit but its hard, 10-15 sticks a day but when i went abroad i went up to 1 pack a day kasi its cold but now im back to 10-15 sticks aday.
-
masarap magyosi pagtapos mag toothbrush! :-D
+1
Yosi after kumain - toothbrush - yosi ulit! Hindi ko maintindihan kung baket.. Malamig nga sha pero ayoko naman ng menthol..
-
+1
Yosi after kumain - toothbrush - yosi ulit! Hindi ko maintindihan kung baket.. Malamig nga sha pero ayoko naman ng menthol..
korek! mas ok magyosi pagtapos magtoothbrush pero di ko rin maintindihan kasi ndi nman ako nagyoyosi ng mentol or nagcacandy ng mentol pag nagyoyosi eh.. :|
-
siguro kasi kakaiba yung lamig sa bibig :lol:
-
korek! mas ok magyosi pagtapos magtoothbrush pero di ko rin maintindihan kasi ndi nman ako nagyoyosi ng mentol or nagcacandy ng mentol pag nagyoyosi eh.. :|
Pareho tayo!
-
MARLBORO REDS! since Grade 6! :evil:
-
MARLBORO REDS! since Grade 6! :evil:
patay tayo jan. akala ko maaga na ako sa 3rd yr hs. hehe
-
sali ako dito..apir mga yosi adiktuses! :-D
-
nako pag kasama ko to sila mark at drew lakandula ubos lagi yosi ko hehehe. buraot sa yosi :lol: hehehe joke lang.
-
mighty light hahahaha..... :-D
-
sakin wala mashado humihingi kasi winston lights lang ako laha sila gs2 marlboro. oks naman marlboro e kaso mas mahal so wintons na
-
sakin wala mashado humihingi kasi winston lights lang ako laha sila gs2 marlboro. oks naman marlboro e kaso mas mahal so wintons na
Pareho tayo bro! Mahal n nga ng Marlboro! Ok naman winston lights eh 10 pesos lang ang half pack!.. 4 years na kami magkasama!
-
ako ren. kahit lasang magic flakes ang wintons ayus na ren. di naman masagwa lasa ng wintons na parang bowling gold eh hehe
-
date nag start ako sa philip morris kasi mahaba sulit tsaka menthol pa - pero tinigil ko na kasi yosi daw ng mga pokpoc.
sumunod marlboro green..ok siya pero sabi nila nakakabaog daw..kaya ayung marlboro gold na lang ang brand ko.. pero kung may nag offer sa akin ng ibang brand ayos lang... bilib it or not nasubukan ko na ding nag yosi ng hope tsaka fortune - grabe nakakasuka tong brand na to...
-
hope nasanay nako kasi madalas ako nauubusan ng yosi kaya humihingi nalang ako sa tito ko. hehe
-
si inday namin nanalo sa Marlboro. yung mga pack natira ko lagi nya kinukuha tapos hinuhulog sa drop box pag nasulatan na nya. dapat akin yung price ako nag yoyosi eh :lol: yun lang naka pangalan kasi sa kanya.hehe

nyahahaha!!! ang swerte naman ni inday... anong price? isang rim ng marlboro? :-D
-
MARLBORO REDS! since Grade 6! :evil:
naknang teteng ! paktay tau jan pula pa !! :lol:
-
nyahahaha!!! ang swerte naman ni inday... anong price? isang rim ng marlboro? :-D
hahaha shades daw eh. nakita ko nga sa poster pangalan nya kasama sa nanalo. tska pinadalhan siya ng sulat ng marlboro patunay na nanalo siya. sayang hindi nya napanalunan yung dodge viper hahaha. :lol:
-
Pwede ba ko dito? Di na ko nagyoyosi, pero I've been a smoker for so long before quitting, I can relate with you guys. Lalo na pag kinaiinisan ng non-smokers. Hehehehe. Oo na sige, poser smoker ako. :evil:
Sino nagyoyosi sa jeep? Kahit quit na ko, hinding hindi ako magrereklamo kapag may nagyoyosi na pasahero. E gawain ko din dati yun eh! Wala namang masama, sa tingin ko. May mga sobrang reklamador lang talaga minsan. Ano sa tingin nyo?
-
welcome ka dito at buti inamin mo :lol:
dun sa kabilang thread may mga tumigil na mag yosi. pero dapat andito sila eh.haha!
ako hindi ako nag yoyosi sa jeep. depende lang kung nasa harap ako. o kung nasa likod pero walang pasahero o di kaya konti lang ang naka sakay tapos mga nagyoyosi din.
-
:-DMarlboro lights gold..
smoke around 10-15 sticks a day.Pero pagnakainom around 1-1 1/2 packs..Tsk!!Bisyo na to!!
-
winston pula 4ever. kapish!
-
ayun kasali ako dito! :lol:
hahahaha :evil:
-
marlboro red started smoking since 2000.. so 8 years na ako nagyoyosi :-D
-
started smoking since year 2000. prefer marlboro lights tapos shifted to winston lights around 2001. parang pareho lang yung dalawa para sa akin. 1 pack for 3 days.
when i entered college, 1 pack a day. tapos nareduce ko to my old rate.
pero bad trip lang ngayon, for the past weeks, 1 pack a day ulit ako dahil sa stress ng ibang rakets ko.
-
now everyone's really gone mad...
i hope you would think first of what's happening with our nature. and the biggest issue, "Global Warming"
:-(
-
ako, marlboro lights, 20 sticks per day, pag walng pera, nagtitiis ako sa winston lights :-D
dati nung bum ako 2 packs ako,
pag may alak, 2-3 packs :-D
-
still can't get down from 15 sticks a day...kahit na nagbabasket ulit ako... :-(
-
ako po marlboro lights, been smoking since 6th grade, :-D 3rd year college na ko ngayon, at least 15 sticks a day. pwede tayong gumawa ng support group nito, dami natin eh. hehe. :-D
-
Nagyoyosi pala ako nalimutan ko mag rehistro dito... :-D
Marlboro lights..patikim tikim nung 2nd year hi-skul...naging consistent nung 4th year...what a word,"consistent" :lol:..I am now 26 and I don't want to count it.. :lol:
-
Kung may gimik nalang ngayon hehe. Dati araw araw 5-6 sticks a day. Ayun muntik na ngang bumalik kasi may officemates na ko ngayon na nagyoyosi, biglang natigil ulit dahil sa gym.
-
ako since 4th year. marlboro lights. pero ngayon menthol na. swabe eh. pero yun nga daw. nakakabaog daw? aw. try nio philip blue. yung 100's. swabe na swabe! 8-)
-
winston red, 6 to 7 sticks per day pag may trabaho, 4 to 5 sticks pag sa bahay lang.... di ko mabilang pag nasa inuman at may jamming....
been a smoker since 1997, hinihintuan (or binabawasan) ko lang pag nagbabawas ako ng timbang
-
panay yosi lalo na kung night shift :lol:
-
MARLBORO LIGHTS GOLD
nearly 10 years nako nag-i-smoke i started when i was in 3rd year college:-)
1 pack per day
-
ako MARLBORO LIGHTS MENTOL 1 & 1/2 pack a day or PHILIPP MORRIS 1 pack a day..
pero dati pa yun..... ngayon tumigiL na ako sa pagyoyosi, kasi muntikan na akong mamatay....
in short, quitter ako, naparaan Lang po ako dito...... hehehe
curious kasi eh..... hehehe
-
mukhang maaga tayong mamatay ser! :lol:
-
malboro puti. half pack a day. :roll:
-
marlboro syempre!!!!!
the red one, siguro mga 10 sticks per day, pag nag iinum po medyo napapsarap :-D :-D
naku hindi alam po ng bf ko hehehe
-
^bad yan. lagot ka pag nalaman. joke lang :-D
-
pano ko nagsimula? hmmm..
ive started AFTER graduating college! (damn, cant believe im revealing my age! :lol:), i just thought na subukang magyosi since after college, ill be supporting my vices so might as well try it and my father used to smoke that time.. hayun, na-adik! sarap magyosi, after kumain or magsipilyo! :-D
nkaka 8-10sticks ako per day.. pag inuman, isang kaha! :-D
kayo? :?
SER AKO PO, MARLBORO GREEN FOR ABOUT A YEAR NOW... I STARTED WHEN I JOINED THE HOTEL INDUSTRY, LAHAT KASI NAGYOYOSI.... SOSYALAN DON EH, JOLOGS DAW KASI AKO KAYA DI AKO YOSI...HEHEHEHE TSAKA ME ALLERGY AKO NUN EH LAHAT SILA NAGSMOKE SA LOOB NG OFFICE SO I JOINED THEM KASI I CANT BEAT THEM EH. SA WORK I CAN FINISH A PACK, HAHAHAHA PARANG O.A. KO NA ATA MAGSMOKE LALO NA PAG STRESS AND TENSE TAPOS ME KASABAY NA BREW COFFEE :-D
-
masarap magyosi pagtapos mag toothbrush! :-D
SIE, PATI PAGKATAPOS MALIGO PO... DATI NAEBS AKO KAPAG NAGYOSI AKO, NAGYON DI NA... HAHAHAHA SANAY NA ATA KATAWAN KO BUT I CANT SMOKE WHILE STANDING HILO PA RIN AKO TAPOS SYEMPRE BABAE PO AKO, I DONT SMOKE NA NAGLALAKAD OR IN PUBLIC PLACES HEHEHEHE DEPENDE KUNG ME KASAMA RIN AKONG BABAE PERO KUNG WALA AT PURO BOSSES KONG LALAKI, KAHIT ALAM NILANG I SMOKE, HINDI NALANG KAYA KO PA NAMANG MAGTIIS...
I SMOKE NGA PALA KASI I FEEL NA SEXY KAPAG NAAMOY KO ANG HININGA AFTER SMOKING... HEHEHE :evil:
-
OT:excuse me sir. please lower your letters. :wink:
nag iba na ako ng brand. pula na ako. kasabay ng pulang candy! hehe!
-
Black Bat! Sosi ako eh.
pero minsan lang. mga twice a month. parang candy eh
-
lucky strike na green dati nung mura pa..nung nagmahal , lipat sa marlboro na green..
pinadalhan ako ng insan ko ng dunhill na green galing australia isang rim... inuubos ko lang yun then balik sa marlboro ulit ..
syempre di mawawala si maryjane galing baguio... selosa to eh..
-
Black Bat! Sosi ako eh.
pero minsan lang. mga twice a month. parang candy eh
mmm.. sarap.. lasang choco vanilla something! :-D
paiba-iba ako eh. depende sa mood. minsan pula, minsan marlboro lights, minsan yung green ngayon naka-dunhill frost ako e. may promo kasi, yung may libreng case! hehe
-
Black Bat! Sosi ako eh.
pero minsan lang. mga twice a month. parang candy eh
sa tingin ko, ang mga yosing katuLad nito ay para sa CR, aLa nyo na.. :wink:
-
sa tingin ko, ang mga yosing katuLad nito ay para sa CR, aLa nyo na.. :wink:
onga no? ngayon ko lang naisip yun
-
ako marlboro lights
kaso hindi ako makapag-smoke kc im pregnant eh :evil: :evil:
so cguro mga last year pa pwede..??? :evil: :evil:
-
kaso hindi ako makapag-smoke kc im pregnant eh :evil: :evil:
kongrats !!
-
marlboro lights ako usually yung 10's binibili ko good for 1 1/2 day na sa'kin pero badtrip kasi yung mga classmate kong hilig mang hingi ng yosi hehehe...
-
4 months pa lang akong nagyoyosi....sinubukan ko..ayun....naging parte na ng buhay ko.....masarap magyosi pagtapos kumain,magtutbrash,pagnaglalakad,pag may dalawang piso sa bulsa mo..pag mag isa ka.. lalo na pag inuman...kahet wala ng pulutan yosi lang ang katapat..wahehehe..maaga ako mamamatay nito
-
6 1/2 years na ako nagyoyosi.. una malboro red... tas ngayon lights o kaya menthol....
-
Marlboro red, Marboro lights, Winston lights, Fortune (pag walang pera) :-D
-
lahat ng marlboro.
pag walang pera ..
winston lights.. hehe
-
dunhill menthols and west ice!
mahal para madali mgquit, for a student buying a case of dunhill is about 60% na ng baon ko
haha
-
toto bang pag nagchchewing gum habang nag yoyosi eh. naabsorb nang gum ung nicotine from the sticks??? :?
-
marlboro red/lights :-D menthol pag may sipon :evil:
for about 4-5years na. :-)
-
malboro puti. half pack a day. :roll:
lagot ka pag ni-email ko to sa erpats mo!!!!
hahaha~!!~! :evil: :evil: :evil: :evil: :evil: :evil: :evil:
-
toto bang pag nagchchewing gum habang nag yoyosi eh. naabsorb nang gum ung nicotine from the sticks??? :?
sabi din nung tropa ko.. hahaha.. ewan.. hindi naman ata totoo to eh.. hahaha :-D
-
Buti my thread na ganto.. we love smoking yey! Marlboro red lights..
-
ka-inggit :| .. ako 2 weeks nang alang usok .. sama pa rin kasi ng ubo ko e.. damn !
-
even though im a school athlete.. hindi ko parin mapigilan mag yosi haha..
winston lights ever since. mura kasi eh haha 20 pesos isang kaha
-
start ako 4th year high school, courtesy ng classamate ko. nagstart ako sa marlboro red, up to now i still smoke. 4 years na akong smoker
lumipat din ako from reds to winston lights then to boroi lights.
nasubukan niyo na ba mag-fortune?harhar
-
ako nagstart akong magyosi grade 3, tinuruan ako ng mga tropa kong older sakin, taz naging bisyo ko na sya ng 1st year high school
natikman nyo na ba yung mga yosing to:
MAS
NYSE
MEMPHIS
theyre cheap, parang kahoy ang hinihipak mo hahaha...
-
Buti my thread na ganto.. we love smoking yey! Marlboro red lights..
ha? red na lights? san meron nyan?
-
I dont like cigs na may flavor parang ung dj mix, nakakaumay. Marlboro lang ang masarap sa akin.
Ayoko na rin ng menthol, dati Marlboro menthol ako kasi yung crush yun ang yosi.
Medyo off topic to guys sorry, pero trip niyo ba girls na smoker?

sakin ok lang, kasi pag nag gf ako ng hindi nagyoyosi, later on pinagbabawalan din nya ako e
-
dunhill menthols and west ice!
mahal para madali mgquit, for a student buying a case of dunhill is about 60% na ng baon ko
haha
nung nagyoyosi pa ako bumiLi ako ng dunhiLL, ngunit may kung anong kapaLpakan ang dunhiLL ata..
kasi may fiLter sa duLo ng isang stick na dapat ay dun mo sisindihan..
na-badtrip ako nun, kaya muLa nun hindi na ako nag dunhiLL
-
totoo ba na iwas baog ang yosi??
-
sakin ok lang, kasi pag nag gf ako ng hindi nagyoyosi, later on pinagbabawalan din nya ako e
mahirap kapag hindi yosi ang gf, they'll never understand!
tingin ko lang sa mga smoker na girls eh mas interesting kausap
...hindi boring tweetums type na ex lang niya ang pwedeng pagusapan
hehehe...tatlong beses na ako sumubok magstop pero wla parin
-
nabalitaan nyo ba yun nasabat ng custon na mga pekeng marlboro galing china .. damn !! paano kaya malalaman yun peke sa orig ? :|
-
nabalitaan nyo ba yun nasabat ng custon na mga pekeng marlboro galing china .. damn !! paano kaya malalaman yun peke sa orig ? :|
you mean pati marlboro may melamine?
-
awwwwwwwwwww!!!
paktay tayo dyan!!!
-
ayus na yung kesa mag memphis, hehehe...
-
may pera o wala, Fortune ang yobas ko. Yung nasa soft pack a, hindi yung nilabas nila na bago.
mukhang solido ang Miller pero Fortune pa rin.
-
guys, kindly check out my thread on Anything Goes Talaga:
http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,122443.msg1676775/boardseen.html
-
yung baging fortune ba yung nasa fliptop?
i tried it parang winston din
pero marlboro pa din ako
-
nag start ng marlboro red... mga 4 years...
then, nag switch sa menthol...
iba't ibang brand... hanggang nag settle sa Philip Morris... nabibitin kase ko sa marlboro green...
until now... so mga... 16 years na ko nag y-yosi... :-D
di maiwasan... lalo na pag tapos kumain... hindi ako nabubusog pag walang yosi..
:-D
-
pugay sa yosi!! hehe mahirap talaga pag nakasanayan na eh :-D
-
musta na mga smokers wala ba titigil dito mag yosi ngayong bagong taon?
-
ako, sinusubukan ko.. :lol:
8 days nang walang yozi. :mrgreen:
-
reds tapos lights 12 years hirap magquit :|
-
musta na mga smokers wala ba titigil dito mag yosi ngayong bagong taon?
ako tumigil akong magyosi kaso after 2 hours hindi ko na kaya, nagyosi ulit ako, hehehe...
-
malamig ngayon, masarap magpa-usok. wahoooo! :lol:
-
badtrip nga ngayon e, ambilis maubos ng yosi, mahangin kasi
-
Pasali naman po... :evil:
Brand: Marlboro Lights
Since: 3rd Yr Highshool pa..
Dala ng mga ka-tropa ka nakisali na din... Experience nung una, nung masarapan ndi na matigilan...
-
grabe bakasyon na, wala pasok , lalo napapalakas pag yosi ko, inaabot ata ako 2 packs per day ngayon, :-(
-
tinatry ko na mag bawas bawas
kaso
di talaga kaya pag kasama tropa at mga pinsan ko!!
masarap .. hahaha
-
penitensya muna. sunday nlng or monday ako mgyyosi. wish me luck! :lol:
-
Marlboro Pula.
-
marlboro GOld.
pero best yosi na natikman ko and hinahanap hanap ko pa rin
is yung MARLBORO MEDIUMs na red.
-
dati pula nayon lights na d n kaya!! :-D
-
san ba nakakabili ng mediums. hindi na ako makakita sa mga stores e..
pero gusto ko na mag quit. ang hirap lang talaga.. ang sarap kasi magyosi e.
-
marlboro red + kape in can = panalo. hehe
stress sa acads. naks. haha.
-
:-D
-
lumakas ulit akong magyosi.. kasi bakasyon.. haaay...
-
after meal, marlboro red tas diretso c.r. at mgbawas.. blugugugpprrut! heaven!
-
marlboro reds
since 2001
-
minsan lights minsan reds. depende sa mood. sa ngayon lights muna.
-
mga igan may nakatikim na ba ng Seven Stars (from japan) dito?
-
badtrip napapalakas pag yoyosi ko ngayon.. :-( nakaka isang kaha na ko mag hapon
-
ang sarap mag yosi ngayon lakas ng ulan, sabayan mo pa ng kape!
-
ang sarap mag yosi ngayon lakas ng ulan, sabayan mo pa ng kape!
:lol: korek!
-
Bowling Gold = Yosi ng tunay na lalake haha
-
^ lasang karton amp..lol
-
anong lasa ng karton?? haha :lol: badtrip ang mahal na ng yosi!!! :|
-
^Bowling gold murang mura lang haha 10php ata isang kaha. Lasang kalawang nga lang.
-
hahaha..[apple],mas okay na yung kaysa sa lasang ipis..lol
-
okay im quitting
-
masarap magyosi habang jumejerbs. :-D
-
WAHH!!!! natroma na ko!! ayoko na mag yosi!! nagbeach ako tas aun eh swimmer ako kaya lalong hayzzzzzzzz... :((
-
wala ba eb dito? :lol:
-
wala ba eb dito? :lol:
oo nga. eb naman ng mga smokers diyan! :lol:
-
share ko lang, maynakita akong dugo sa aking plema pag ubo ko habang nagssmoke. mamatay na ba ako?
-
share ko lang, maynakita akong dugo sa aking plema pag ubo ko habang nagssmoke. mamatay na ba ako?
Galing lang yan siguro sa lalamunan mo bro. Masakit ba lalamunan mo?
-
16 years na akong smoker ng Marlboro Red. Ano kaya benefits na makukuha after death? Sana mag-issue din ang Phillip Morris ng Certificate of Smoking...
-
and loyalty award
-
lol,ako pahinto hinto na ngayon,nahihilo ako kahit lights lang..syete..
ang lakas ng nicotine ng DJ MIX,gustong gusto naman ng gf ko.
-
marlboro lights,GOld! 6 years na naninigarilyo.. :-D gusto ko ng huminto pero ang hirap pigilan.. :lol: 8-10 stick sa isang araw.. pero pag inuman,nakakarami.. :| :wink:
-
mga smokers may naka kita na ba sa inyo ng electric cigarettes? e-cigarettes yata tawag dun. nakita ko isa beses sa may g4 eh..
pano kaya un? :lol:
sinearch ko eto nakita ko sa net.
http://www.crown7.com/ (http://www.crown7.com/)
-
hirap tlga pigilan.
lalo na pag baon ka sa thesis at grand cases.
tsk.
mapapayosi ka tlga.
at
xempre,
hahanaphanapin mo yosi pagkatapos mo kumaen. :lol:
lalo na sa umaga, pampatae ko un e. 8-)
-
mga smokers may naka kita na ba sa inyo ng electric cigarettes? e-cigarettes yata tawag dun. nakita ko isa beses sa may g4 eh..
pano kaya un? :lol:
sinearch ko eto nakita ko sa net.
http://www.crown7.com/ (http://www.crown7.com/)
meron sa eastwood!! murang-mura at abot-kaya!! 1.5k isang kaha.. bili na!! hahaha... :-D
sabi nung nagtitinda, parang nagyoyosi ka na din daw hindi ko din maintindihan eh.. :-)
-
Malboro reds for 1 yr, nag menthol ako, Philip Morris for 3 yrs, tapos lipat sa Hope for more than 25 yrs dahil nag mahal kasi Philip. 1yr and 2 months na ako naka hinto mag yosi! YEEEHHEEEYYY!!!! Lumobo ako ng 20 lbs over weight sa unang 6 months, nayon 10lbs nalang over weight pababa na! Yeehheeyyy!!!! :-D
-
Ba't me iba Marlboro Gold tawag??
Curious lang, :-D
4 years and counting,Marlboro kahit anu,basta umuusok :-D
ang hirap tumigil badtrip!
pag hindi ka nagyoyosi sasabihin mo titigil ka na
pag nakasindi ka na iisipin mo "nextime nalang"
it's a vicious cycle :evil:
-
Marlboro Black "Heavy Menthol"... :lol:
Ako mag one year palang..Ngayon lang kasi naadik pero nasubukan na dati. Di pa po ako legal dito sa bahay kaya habang nagttype ako ng response dito tumitingin ako sa gilid kung may nagbabasa mahirap na..Kailangan ko kasi to sa work ko na laging GY. Kailangan laging partner to sa coffee para malakas tama dilat na dilat..

haha grebyard shift? dun sa eastwood sa tabi ng 7-eleven parang confetti ung mga nasa sahig..
di sumasakit ulo mo sa black yosi mo? ang tindi nyan malala pa sa west ice.. bumili ako nyan dati na engganyo ako sa lighter tas nagsindi ako ng isang piraso., pinamigay ko ung isang kaha bigla
-
2 years, and daily yosi count just went down from 2 packs a day to 1 pack a day.
dati pag may tugtog umaabot ng 3. hahahaha!
-
haha grebyard shift? dun sa eastwood sa tabi ng 7-eleven parang confetti ung mga nasa sahig..
di sumasakit ulo mo sa black yosi mo? ang tindi nyan malala pa sa west ice.. bumili ako nyan dati na engganyo ako sa lighter tas nagsindi ako ng isang piraso., pinamigay ko ung isang kaha bigla
masarap kasi parang umiinom ka narin ng ice cold water...Samahan pa ng coffee talagang gising ka sa gabi..
-
powtek. Pag 24+++ straight shoot kami, parang tambutso na ko. Nahihirapan ako huminga kadalasan. Nakakataba pa pag subukan pigilan. Haaay.
Pero isa sa mga katangahan kung bakit ko hindi mapigilan magyosi e dahil naa-attract ako sa mga taong sexy magyosi. Ewan.
(http://www.hotflick.net/flicks/1999_Fight_Club/999FCB_Helena_Bonham_Carter_006.jpg)
ito ang may kasalanan. Marla Singer.
-
Uy astig. Wla lang. share ko lang. related to smoking naman eh.
Dati nung college sa UP Diliman, dun kasi ako nagsstay sa Kalayaan dormitory. freshman dorm yun sa UP. Anyway, so ayun meron kaming maliit na grupo ng mga deviants na instead na magaaral, nagpapacool at nagyoyosi sa ilalim ng puno sa tapat ng dorm. Pero di lng kami basta smokers, kami ay isang "org" kuno. Syempre may pangalan kami!
U.S.O.K.
United
Smokers
Of
Kalayaan
Witty noh?hehehe
la lng. pandagdag post. :evil:
-
share ko lang, maynakita akong dugo sa aking plema pag ubo ko habang nagssmoke. mamatay na ba ako?
not necessarily na mamatay ka na agad that is just one of the signs na maaaring you have a lung cancer.
or maybe thromboplebitis yan bro pero much better if you bring that to a doctor for a check up kelangan ma diagnose yan kasi most ng mga patients na hindi na nacure dahil pinag paliban. di natin alam kung hemmorge ka na sa lungs or infection kaya kelangan mapacheck up para malaman kung anong medications ang dapat
-
ako dati dunhill frost. tapos nung namulubi mentol nlng na marlboro pero i stopped na i only smoke for 7months pero minsan di maiwasan tlga lalo na pag badtrip ako. hahah
-
Ba't me iba Marlboro Gold tawag??
Curious lang, :-D
gold kasi kulay nung bands sa filter? ewan.
eto tanong ko: bakit napapalakas or napapadami ang pagyoyosi pag tumotoma?
-
Ba't me iba Marlboro Gold tawag??
Curious lang, :-D
kase pag sinabi mo marlboro lights, pwede syang marlboro lights green or gold, eh minsan pag sinasabi ko "lights po" inaabutan ako ng green eh
--------
3years akong chain smoker.. then nakapag quit ako
almost 2 years din ako nag stop mag smoke.
pero parang mali eh, kase halos lahat ng tropa ko naninigarilyo, nagiging 2nd hand smoker tuloy ako, mas mabuti nlng ung naninigarilyo keysa nasisinghot ko ung mga usok nila
ngayon from 1 - 4 sticks ako a day
pero pag may gig or inuman cguro nakaka isang kaha ako
-
brand: Winston lights or Marlboro lights - gold
years of smoking: 8 years
age of being a "legal smoker": ngayon lang 25 na ako...
*napapalakas ako magyosi kapag:
-heavy traffic (roll the windows down and light some!)
-naghihintay ng turn sa gig (nung may banda pa 'ko)
-after band practice (kahit nasa garahe lang kami, halos wala kaming breaks..)
-nakatambay lang
-kapag kasama ko friend kong chain smoker (nahahawa tuloy ako)
-hindi mawala yung "busog" feeling (yung tipong 5 hours na nakalipas, parang busog ka parin..)
-badtrip
-walang ginagawa
-gitara mode
-nakatunganga lang sa bahay
-tensed ako
-pit stop from a long trip.
-
- habang tumatae
- after sex
- 15min. breaks
- pag maraming chix na kasama (feeling ko kase macho ako pag nagyoyosi eh)
- pag inaantok sa work
- rainy days/cold nights (masarap mag yosi pag malamig)
- mainit ulo (keeps me calm)
madame pa...
-
sarap nung bago ng marlboro... yung black menthol... mas masarap kesa sa dunhill frost... nag A-B ako eh... mas gusto ko ang pagka menthol ng marlboro black menthol... panalo pa sa presyo... 40 lang... compared sa almost 70 pesos ng dunhill frost...
-
started smoking summer of 1999 first stick philip morris
then tried lots of brands
the best is marlboro medium (rare sa mga suking tindahan)
still smoking up to now, and works out in the gym..drinks lots of beer and alchohol...have had medical exams, lungs are class A siguro may pagka-wolverine ako at malakas ang healing factor ko.. :-D kung makiita niyo smoker din si wolverine...at balbas sarado ako :-D and i dont look like a 29 year old, I look 19.
i also tried cigar (tabako) pang bibig lang ito, sobrang bigat sa baga ng tabako at ang tagal maubos.
-
struggling to quit smoking :x. hirap ihinto lalo na pag nasa daily routine na naglalaway ako. ano bang magandang gawin? natry ko na mag gum, umiwas sa mga tindahan ng yosi, umiwas sa mga kaibigang nagyoyosi kaso wala padin. any alternatives para mawala yung urge sa yosi?
-
dati akong marlboro lights pero nag shift ako sa red. napapaklaan kasi ako sa lights parang walang lasa,
nakakarami ako pag umiinom. siguro mga isang kaha o mahigit, pero pag nandito lang sa bahay may kontrol ako. sa school naman
2-3 sticks ok na.
-
Hehe Marlboro Lights, for 2 1/2 years na. :)
-
Marlboro black menthol user here. been hooked for three months na ata, was smoking Dunhill Frost before. i smoke a minimum of 5 sticks a day. pag umiinom or hanging out at a coffee shop, mas dumadami :)
-
Present. Marlboro. 8-) as of now. Hinde ko na talaga ko maititigil. Lalo na pag nag gigitara! Nakaka 1 1/2 na kaha ako. Tsk. Mabigat din sa bulsa!
Natutuhan ko to ng high school. Pahits hits sa mga ka tambay. Ayun. :| sana hinde ko na lang sinubukan.
Btw. Pinaka gusto ko mag yosi yung pagkagising mo sa umaga! Waaaaah. Ang sarap ng usok!
-
meron sa eastwood!! murang-mura at abot-kaya!! 1.5k isang kaha.. bili na!! hahaha... :-D
sabi nung nagtitinda, parang nagyoyosi ka na din daw hindi ko din maintindihan eh.. :-)
bro.san sa eastwood yung mga electric sigarilyo?..
-
bro.san sa eastwood yung mga electric sigarilyo?..
dun sa smoking joe tabi ng 7eleven na siya namang tabi ng cyber mall.. 1k+ ata price with 3 cartridges + charge and 1 cartridge is equivalent to 300 sticks.. DAW..
d pako bumibili eh baka hindi ko mafeel ung "feel" ng marlboro

kung totoo to..papatak sya ng ganito : 300(sticks)x3(cartridges)=900 sticks
yun totoong yosi is : 900(sticks)/20(1 kaha)=45 na kaha
tapos : 35(pesos)x45(kaha)=1575 pesos "pwede na rin"
ma-try nga to :-D

tapos pwede kang bumili ng ung cartridge lang.. rechargable ung unit.. and hindi mabaho ung usok.. wlang lead na kasama dahil sa tunay na yosi me lead so hindi "DAW" harmful sa lungs.
hmmm napapaisip na nga ako kasi gusto ko magyosi sa bahay eh
-
Present. Marlboro. 8-) as of now. Hinde ko na talaga ko maititigil. Lalo na pag nag gigitara! Nakaka 1 1/2 na kaha ako. Tsk. Mabigat din sa bulsa!
Natutuhan ko to ng high school. Pahits hits sa mga ka tambay. Ayun. :| sana hinde ko na lang sinubukan.
Btw. Pinaka gusto ko mag yosi yung pagkagising mo sa umaga! Waaaaah. Ang sarap ng usok!
pareho tayo bro. paggising pa lang, may yosi na. adik na ata ako :-D
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
wahaha! Lupet mo sir! Dapat pati yung upos! !. Joke. :-D
-
may mga gumagamit na ba dito ng Electronic Cigarettes? meron mga nagbebenta sa sulit.ph kaso di ko sure kung maganda quality nung mga yun..
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
astig yan bro ang dami :)
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
wushuuuuu me tindahan kayo noh?? hahaha biro lang siguro ganito narin kadami ung sakin dapat.. although wla nang nakaplastik sa bodega yan lang haha
-
wushuuuuu me tindahan kayo noh?? hahaha biro lang siguro ganito narin kadami ung sakin dapat.. although wla nang nakaplastik sa bodega yan lang haha
haha dude nakalagay naman sa thread na to smoker's thread. hindi ko naman siguro ilalagay yan kung hindi ako humit hit ng mga laman nyan. naging habit ko lang talaga mag tago ng marlboro pack pag naubos ko na yun laman. yes meron kami tindahan pero nun 2008 pa nagsara.
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
HOLYYY !!!!! ****!!!!
grabe d nko makakhinga nyan!! nakaka ilang pack sa isang araw bro??? lakas ng katawan mo ah..dati malakas me mag yosi, pero nung namaga ung bituka ko gawa ng inum at yosi un na lessen na cguro 3-5 sticks a day nlng...gusto ko n tlga 2migil pero nahihirapan tlga me...yan dn madalas pag awayan nmen ng GF ko huhu T_T
-
Nag marlboro green ako ngayon. Ang sarap ng timpla ngayon kumpara sa dating marlboro green nila.
Mahigit isa at kalahating kaha ako kada isang araw ngayon. Pag marlboro green. :cry:
ansakit sa bulsa. :?
Pero pag malrboro red. 1 kaha a day.
Lakas ng gastos. Tsk tsk.
Lalo pag nasa harap ng pc. Patay sinde talaga.
-
sarap magyosi.. di ko kayang tumigil..
-
Nag marlboro green ako ngayon. Ang sarap ng timpla ngayon kumpara sa dating marlboro green nila.
Mahigit isa at kalahating kaha ako kada isang araw ngayon. Pag marlboro green. :cry:
ansakit sa bulsa. :?
Pero pag malrboro red. 1 kaha a day.
Lakas ng gastos. Tsk tsk.
Lalo pag nasa harap ng pc. Patay sinde talaga.
wow grabe tsong ah.... tanong ko lang...ni minsan b d mo naicp na itigil ang pag yoyosi m??? when k nag start,? me kasi nung 3rd hs plang me , d pa ganun ka lakas me mag yosi then nung nag 4th yr na sunod2 tpos ngaun nag work nko..paunti unti nlng kasi mejo my nararamdaman na me eh...
*scary.............

Syempre. Lahat naman siguro naisip na itigil. Pero ang hirap eh.
Single kasi ako ngayon kaya malayang malaya. :lol: pero medyo pepreno ko ng konti. ;-)
-
Syempre. Lahat naman siguro naisip na itigil. Pero ang hirap eh.
Single kasi ako ngayon kaya malayang malaya. :lol: pero medyo pepreno ko ng konti. ;-)
pero ikaw bro nasubukan mo na bang itigil ang pag yoyosi???? ako kasi KAHIT anong pigil pinakamahabang pag tigil ko ng yosi "HALF DAY" lang !!! NAKAKAINIS NGA EH...hirap tlga iwasan lalo na pag nakatutuk me sa computer T_T

Loading,1 minute remaining.
Ooops. Sinde muna. :lol:
-
Loading,1 minute remaining.
Ooops. Sinde muna. :lol:
hahahaha ayos!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!hahahhaha pass muna wenkz
-
bakit kaya hirap itigil nito.. :| parang ayaw na ng baga ko.. hehe
-
struggling to quit smoking :x. hirap ihinto lalo na pag nasa daily routine na naglalaway ako. ano bang magandang gawin? natry ko na mag gum, umiwas sa mga tindahan ng yosi, umiwas sa mga kaibigang nagyoyosi kaso wala padin. any alternatives para mawala yung urge sa yosi?
1 week na kong di nagyoyosi hooooray! nagsimula to nung nagjogging ako tapos di pa ko tumatagal mamatay-matay na ko sa pagod. simula that day sabi ko di na ko magyoyosi until now. no plans of smoking again. after 9 years of smoking, ngayon ko lang nagawa tong 1 week na di pagyoyosi. sana talaga matuloy-tuloy ko na
-
Up ko lang yung thread ng mga nagyoyosi.
5 years nakong nag yo-yosi. 3-5 times a day. Pero ngayon once a day nalang, kahit sa inuman napipigil ko na hehehe sana tuloy tuloy na.
-
Kups lang yung mga nagsasabing bad for the health daw, maaga ka daw mamamatay, etc.
Lola ko nga namatay ng 84 years old, ni hindi man lang tumigil sa yosi. Saka ayon sa pag-aaral, nakapagpe prevent daw ang yosi ng Alzheimer's Disease(ewan ko lang kung totoo :lol: )
And besides, we're all gonna die anyway. :wink:
-
And besides, we're all gonna die anyway. :wink:
Tama sir! :-D Been smoking since 2nd year high. :wink:
-
check nyo collection ko men :lol: (http://i138.photobucket.com/albums/q260/bensonsanchez/DSC04467.jpg) di pa yan kumpleto meron pa naka plastic sa bodega hahaha
haha.. panalo to mga sir :-D
ever since siguro na nag yosi ako.. ganito na din
CONSUMPTION: 10 sticks a day (at Max) for 5-6 years na siguro. :roll:
-
haha.. panalo to mga sir :-D
ever since siguro na nag yosi ako.. ganito na din
CONSUMPTION: 10 sticks a day (at Max) for 5-6 years na siguro. :roll:
7 years here and 21 palang ako hahaha
-
24 years old 11 years smoker.
Brand: Winston Ultra lights
Consumption: 25-30 sticks per day ( depende sa dami ng work sa office ) nung nasa pinas ako mahina naman ako 1 pack/ day.. :-D
-
smoking for 2 years na..
marlboro red/lights/blue/black.
kung anong swak sa trip ko.
pag malamig red
pag inuman lights/blue.
pag may sipon/ubo black.
marlboro's there for you! :mrgreen:
-
3 Years Smoker here.. hehe.. 10 to 15 sticks daily(at Max).
-
marlboro red since 2004. 15 sticks per day. pag may inuman hindi pwedeng walang yosi sa bibig ko. nasusuka kasi ako eh :-) never pa kong nagquit. tuwing new years resolution lang :evil:
-
been smoking on and off since 2004( i think), lights/smooth lang ang trip ko.
-
3 sticks per day nalang ako ngaun. on the process of quitting. 1 in the morning, 1 after lunch, and 1 after dinner. yema yema nalang pag nag urge in between those times. hehe .
xempre exceptions pag may inuman sessions. hahah :-D
back in the day max ko na ang 1 pack per day.. aakyat lang ako ng footbridge, hihingalin agad :|
tas parang nacconscious na ko sa amoy ko dati pag sasakay ng jip/lrt/mrt/bus kapag after magyosi.. lalo na pag may chikabebe , parang tinatakpan nila ilong nila :-o
-
kaya ko na ma control pag yoyosi. yosi na lang ako pag nag iinom. :)
-
Social Smoker here :-D
-
smoking since 13yrs old...7 yrs. na aq nag-yoyosi..
nag-start ako sa gold then malboro red...
hindi q alam kung bakit pero
hindi nga aq makapag-practice kpg walang yosi..
-
yosi ko fortune chaka winsboro sarap na mura pa san ka pa
-
Kahit na anong gawin ko talagang nasa tabi lang talaga ang temptation, smoking for 5 years but desidido pa rin mag quit hehehe
-
Tara yosi tayo! :lol:
-
Marlboro Red -> Marlboro Lights -> Marlboro Red/Lights. :-D
Lights pag school days / may pera
Red pag wala pera (para walang hihingi, Lights lahat ng barkada e. :mrgreen: )
CONSUMPTION:
Average : 8-10 stks per day
Inuman: isang kaha
Basagan: isa't kalahati siguro
-
ano pwedeng isagot kung yung mga kaibigan mong hindi nagyoyosi ay pinupursigi kang tumigil na?
-
ano pwedeng isagot kung yung mga kaibigan mong hindi nagyoyosi ay pinupursigi kang tumigil na?
"sa takdang panahon."
pag ginagawa sakin yan sabi ko lang, "hindi pa sa ngayon."
pag makulit, "hindi na maapektuhan baga ko, ashtray na itsura nun e." (alam kasi nila na may hika ako dati)
-
16 years old here 4 years nang stick sa Marlboro red since 12 years old! hehehe
-
16 years old here 4 years nang stick sa Marlboro red since 12 years old! hehehe
Hay.......
(http://str8tzmag.com/wp-content/uploads/2011/03/smoke310.jpg)
Another?hmmm...
I been smoking since 1st year college. 5 years smoking now. nagsimula ako sa red, then nag lights, then menthol now back to red. Everyday ko nang pinag iisipan na tumigil mag-yosi. pero hindi ko pa magawa. pero sana matigil ko na. Thinking to buy e-cig para mabawasan kahit papano.
-
I stopped smoking months ago, then it's back in my system for half a year, i guess, i don't smoke everyday, but minsan pag trip ko 4-8 sticks a day. Depende sa mood. Nowadays I use filter, madalas di ko nadadala :lol: nakakamotivate din na tumigil kasi nakikita mo yung naiipon sa lungs :-D
Marlboro Methol/lights
Philip Morris jeans - I prefer this, the taste, the nice packaging...
(http://farm5.static.flickr.com/4129/5000873501_d8f0690bb2.jpg)
-
I enjoy doing this din kasi
(http://1.bp.blogspot.com/_1EDafL1qUqg/TNL2QSUo2VI/AAAAAAAAREo/p5uN6-SVx48/s400/rock-hudsons-smoke-rings.jpg)
:lol:
-
16 years old here 4 years nang stick sa Marlboro red since 12 years old! hehehe
Goodluck with that kid! :D
-
EB na 'to! :lol:
-
im more hooked up to it now. I qutted smoking several months ago.
-
unang tikim ko around 13 years old ako.
naging seryosong yosihero naman nung nag-college ako.
gusto ko na talaga tumigil, pero laging hindi natutuloy....
any tips? hehehe...
-
I stopped smoking months ago, then it's back in my system for half a year, i guess, i don't smoke everyday, but minsan pag trip ko 4-8 sticks a day. Depende sa mood. Nowadays I use filter, madalas di ko nadadala :lol: nakakamotivate din na tumigil kasi nakikita mo yung naiipon sa lungs :-D
Marlboro Methol/lights
Philip Morris jeans - I prefer this, the taste, the nice packaging...
(http://farm5.static.flickr.com/4129/5000873501_d8f0690bb2.jpg)
natuwa naman ako sayo bro...this is just limited edition pack, but im glad you like it ;)
hehe ako goodluck nalang kung makaka-quit pa ako no...not anytime soon, for sure :)
-
never ako na-hook sa yosi kapag nainum lang hehe..
kahit mga officemates yosi lahat ako no-way pa rin hehe..
mind-control lang yan i guess..
-
hanep tong mga manufacturer ng sigarilyo., pumapatay sila at the same time e kumikita sila., at isa ako sa pinapatay at pinagkaka kitaan nila.,! wise @ss! ano bang magic meron sa sigarilyo? nakaka 10-15 sticks a day ako., whew! hindi ako mapakali pag walang polusyon na naglalabas masok sa baga ko., :-D
-
never ako na-hook sa yosi kapag nainum lang hehe..
kahit mga officemates yosi lahat ako no-way pa rin hehe..
mind-control lang yan i guess..
mind control. lol.
BTT: kaka yosi ko lang. :lol: