hulika

Author Topic: help lang po  (Read 1755 times)

Offline jtaruki

  • Philmusicus Noobitus
  • *
help lang po
« on: November 17, 2008, 12:06:43 AM »
May sound system business din po ako, may problem po ako kc pinagkakaisahan ako sa amin palagi nilang ginagawa if may labas cla nagcocombine po mga kalaban ko. What i need now is maayos at medyo murang power amp. meron na po akong 2 KPM6000, at 1 KPM 2000 na kessler, Bts na i think 400 watts@ 8 ohms, meron din po akong 2 Quad 8 na mono construction. yong mga outboards ko po puro Rane i have GE 60 EQ, crossover ko po rane din, I have yamaha pro mix 01digital mixer po, balak ko pong gumastos pa pero hanggang mga 50 thou na lang po. I have 8 crown double magnet nakakabib po sa sub C. 8 din po ang mids ko Pyramid 400 watts@ 8 ohms. Andito po ako sa saudi now kaya medyo nawala na ako sa serkulasyon. Can anybody help me kng papaano ko ma upgrade system ko po?

Offline alien_inside

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: help lang po
« Reply #1 on: November 17, 2008, 12:19:55 AM »
huwag mo silang papatulan sa laban... kung kinakalaban ka nila, kaibiganin mo sila...diskarteng kaibigan ang kailangan natin sa business. pero kung gusto nila ng laban, use your 50T or more... additional speakers?kahit DIY na, do it. make sure it sounds CLEAR.
ALLEN VC PASCUA, Keyboardist, Arranger, Audio Engineer0947 233 2263 (Int'l Roaming) InterContinental Hotels Group

https://www.facebook.com/allenvcpascua

Offline ronaldium

  • Senior Member
  • ***
Re: help lang po
« Reply #2 on: November 28, 2008, 10:57:35 PM »
Taga saan po ba kayo?naku issue tlaga sa mga sound system na buraot ang mga ganyan..mabuti na alang at di niyo pinapatulan pa..isang panlaban nila dyan yung presyo, pero ang talagang pambato diyan ay yung quality ng tunog, gamit, services at proper skills...be humble, wag mangsasagasa ng kapuwa sound system providers, kung baga wag makilevel sa mga makikitid ang utak.. What we should focus here is mainly the client satisfaction, by providing them the best suitable sound system for their different events and functions. Pag ang customer bumilib at nagtiwala sa'yo di ka bibitawan niyan, unless may ibang nanghimasok. Isa din sa mga magandang paraan diyan ay yung pagbibuild-up ng image ng sound system rentals mo..Not all sounds systems are alike, kahit magkapareho pa kayo ng gamit o kahit mas maganda gamit nila, hindi parin mangangahulugan na mas lamang sila sa'yo, ang importante talaga ay yung kaalaman mo sa Audio, sa bilis ng pagunlad ng technology sa Audio ngayon kailangan mabilis ka din kahit paano sa mga updates, pero mahalaga may passion ka sa larangang ito, kasi para ka ring magsasakripisyo dito sa negosyong ito..Ito lang ang masussugest ko, dapat ang mga crew mo ay may kaalaman din sa audio kahit mga basic lang, pero ang Sound Technician mo dapat may edge o kaya magaling dumiskarte sa iba't ibang situations sa bawat setup ng sound system mo, dapat malinis ang setup, dapat ipagbawal na yung spaghetti wiring eh..hehehe.. tapos sa gamit dapat panatiliing malinis ito para maganda sa mata yung aestethics o itsura ng mga gamit mo ng sa ganun, makakadagdag ng puntos yun sa mga clients. every 1 to 3 years madaming pagbabago sa mga equipment pero di naman nangangahulugan eh lagi ka dapat maguupgrade o bibili ng bago, eto lang mga napapansin kong dahilan kung bakit kailangan bumili ng bagong gamit:
1.) Sira na(hehehe)
2.) May pambili ka na ng bago(hehehe ulet)
3.) Mas malaki na yung pangangailangan mo sa gamit, meaning lumalago na ang negosyo mo...
4.) Pampayabang,joke lang, what I mean to say is, to add more in your INVESTMENTS ng sa ganun, mas lumawak pa yung market mo, meaning makakapagprovide ka na sa mas malalaking setup at events.
5.) Adik ka na sa sound system kaya yung magandang gamit na nakita mo sa internet o kaya sa ibang sound system eh bibilhin mo rin para meron ka ding sarili, inggitero, joke...isa lang ibig sabihin nun..tlagang may puso't utak ka ng isang Audio Afficionado...or in some terms, sound system expert, kung baga sa computer eh hacker ka..hehehe..parang ganun..

Ayun, yan muna siguro massusuggest ko. Yan kasi ang di ginawa ng erpat ko kaya nawala sound system namin, sayang talaga..sa kagustuhan kong ipagpatuloy yung passion ko sa sound system, nagtrabaho nalng tuloy ako ng Sound technician para at least sa ganung paraan makahawak ako ng mga gamit na sa magazine ko lang dati nakikita at napagaaralan....masaya magkaroon ng sound system. Lalo na pag New Year, naku, lahat ng gamit nakasetup..palakasan..hehehe...joke lang..ingat lang pag nasiraan ng gamit..yun ang isang masakit dyan..hehehe..dapat may mga reserba ka rin..kelan ka ba uwi ng Pinas? YM mo lang ako para mabigyan kita ng mga advise hanggat kaya ng ng utak ko...
</img>

Offline jtaruki

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: help lang po
« Reply #3 on: November 29, 2008, 08:56:02 PM »
Pare salamat, di ka talaga nagkakamali sa sinabi mo. Alam mo pare bata pa lang ako sound system na ang hilig ko. Kaya pinagpilitan kng sa sound talaga ako makapag trabaho kaso nga lang sa post production lang ako napunta. Sa Romblon ako pare. Maswerte nga at nabili ko ang nga outboards namin sa LVN Pictures ng nagsara kami kaya kng sa gamit di nman mahuhuli ang mga equipment ko kumpara sa kanila, ang kinasasama lang ng loob ko ung alam na di kaya at baboy (sensya na sa ginamit kng term ha) ang pagkakaserbisyo nila eh ang yayabang pa. OO nga eh dalawang taon ko nang pinipigilan ang maiinis sa kanila, cguro kailangang magkaroon ng tread dito na pag usapan kng paano mawala ang mga ganun. Natatawa na nga lang ako kapag kunyari combine cla at nalaman ko ang presyo na ganun lang tapus hahatiin pa nilang dalawa. Imbis na paunlarin natin ang negusyo natin para maiangat ang presyo ng lahat eh nabababoy pa. Sa totoo lang ako ang may pinakamagandang gamit d2 sa amin at ung mga na seserbisyuhan ko ay di na bumubitaw sa akin simula ng magsimula ako. Sa April ang uwi ko pare, sana magkita tayo pare at sana makita ko ang system mo. Balak kong magdagdag pa ng Speakers specially Sub. Para kahit mag combine pa cla eh wala na talaga clang masasabi, yong tamang titigil na lang ba cla. He he he he ung tamang ako nman ang maniningil sa kanila hahahaha. (Nagyabang na eh noh) Ano kayang mga china brand ang masusuggest mo pare? May dalawa akong Kessler na KPM 6000, dalawang KPM 2000, Quad8 na mono construction. Sakura pang drive ng Compression ko at isang BTS 1200. Sacrifice talaga ang sound, di makakabuhay ang balik mo lang talaga sa kanya eh yong saya kapag nakikita mong nag eenjoy ang croud. Salamat sa paalala pare. Alam ko madami pa akong dapat malaman sa live sound magkaiba kc sila ng post production. Madaming salamat mga pare koy.... Sana magtulungan tayo para  maiangat ang napili nating larangan ng pagnenegosyo hehehehe.

Offline ronaldium

  • Senior Member
  • ***
Re: help lang po
« Reply #4 on: November 29, 2008, 09:51:12 PM »
Thanks bro!nakakatuwa naman mga post mo.hehehe..anyway as of now wala akong system, isang maliit na PC shop lang ang itinayo ko para bumuhay sa pamilya namin at makaraos sa araw araw.Anyway, marami na ngayong mga murang gamit na maganda na matibay pa. pero do some researsh parin sa mga latest price at reviews ng mga gamit para makapagdesisyon ka ng ayon sa pangangailangan mo. Sana magkita rin tayo, papakilala kita sa mga sound system owners na kakilala ko dito. Yung pinasukan ko dati yung STAGEPRO sila supplier ng sound system sa halos lahat ng SM sa Metro Manila..malinis setup nun. isang halimbawa ng maayos na serbisyo yung grupo na yun..yun nga lang binabarat ng SM yun..hehehe...pero sulit naman sa mga labas, kasi halos araw araw 6 groups nila may setup palagi..ang pagod nga lang talaga yung mga crew..Minsan di talaga maiiwasan sa isang industriya yung mga bulok na sistema, pero pasasaan pa't malilipol din ang mga yan, kasi sila rin ang magsusuffer sa pagbibigay nila ng mababang presyo dahil mahihirapan sila makabawi ng kita at di na sila makakapagdagdag o makakapagupgrade ng mga gamit nila, in-short , bababa lalo ang kalidad nila hanggang dumating yung panahon na maubusan na sila ng matinong gamit, at ayun ibebenta na nila isa-isa yung mga gamit nila, lugi na sila at bagsak na ang negosyo,,Dead On Arrival..ayun ganun malipol ang isang sound system na bulok..heheh..may iba naman, sobrang balasubas yung may-ari, kaya yung mga tao niya inis na sa kaniya, ayun binebenta isa-isa yung mga gamit sa iba..hehehe..meron naman, pinipirata ng ibang sound system yung mga magagaling na tech..naku medyo magulo pero ayos pa rin..as long as we serve the people loud and clear...clean and lean, anu pb?ahhh...sulit na sulit sa presyo...hehehehe...
</img>