hulika

Author Topic: May Alam Ba Kayong Electronics Repair Shop...  (Read 1524 times)

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
May Alam Ba Kayong Electronics Repair Shop...
« on: December 13, 2008, 03:40:56 AM »
na hindi nangga-gantso ng customers?

meron kasi akong philips micro dvd home theater na nabili ko kasama yung 21 inch crt tv ko about two years ago. mga 6 months ago, hindi na sya gumagana. di ko sure kung yung wheel sa tray o yung lens ang nasira. pero gusto ko syang ipa-repair para mabenta ko ng maayos na presyo(pag binenta ko ng sira edi katakot takot na tawad ang inabot ko diba?)

may issue na kasi ako sa mga nagrerepair ng mga appliances eh..dati nagpaayos ako ng dvd player. tapos nung tinignan ang daming sinabing sira. nung dinala ko naman sa iba, ibang sira naman ang nakita pero mas mahal. so binenta na lang namin kahit sira, sobrang mura namin nabenta parang 10% na lang nung price nya nung binili namin. tapos ang ginawa nung bumili, dinala nya dun sa repair center mismo ng manufacturer, may maliit lang na plastic piece na nabasag sa loob, inayos nila ng libre kahit expired na warranty! langya...

alam ko dina mauulit yun sa case ko ngayon kaya gusto kong malaman kung may kakilala kayong mga nag aayos ng dvd players jan na alam nyong hindi manloloko ng customer, mga mandaluyong to pasig area sana.
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline hunk0429

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: May Alam Ba Kayong Electronics Repair Shop...
« Reply #1 on: December 13, 2008, 04:28:17 AM »
Love Electronics

nagkalat sila.. dati nagpagawa ako ng mini component dun.. sa may pureza ata.. di maka read ng CDs.. ok naman presyo nila sa repair.. ok din ang cust service. :-)