hulika

Author Topic: Multi-instrumentalists  (Read 3628 times)

Offline piscean

  • Regular Member
  • ***
Multi-instrumentalists
« on: December 13, 2008, 12:41:48 PM »
Guys, curious lang po ako kung sino dito ang nakakatugtog ng at least 2 musical instruments at alin dun ang mas gusto nyong tugtugin at bakit. Mas maganda kung nakarank yung list. Para sakin eto yung top 4 ko.

1. Bass - sa ngayon, eto ang favorite kong tugtugin, nakaka-adik mag improv ng mga groove! Parang combination pa ng drums at guitar ang concept ng bass.

2. Drum - first instrument na natutunan ko, pero minsan na lang ako makapagdrums.

3. Guitar - average player, ginive up ko na pangarap kong maging virtuoso, hahaha...

4. Keyboards - still learning it, pero madali akong tamarin dito.



Offline paranoid

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #1 on: December 13, 2008, 06:11:52 PM »
1. Guitar
2. Drums
3. Bass
4. Flute
5. Triangle

Offline digitalcyco

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #2 on: December 14, 2008, 05:03:04 PM »

1. Myself (because I can sing LOL)

2. Guitar and Bass - I think I can play both of them with equal proficiency

3. keyboards - enough to jam along to a tune

4. flute - jam-knowledge lang, kung baga I just know the rudiments and basic notes and the #'s.

5. drums- enough to jam along with a band decently and in correct tempo.
This is a forum siggy.

Offline applebottomjeans

  • Senior Member
  • ***
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #3 on: December 15, 2008, 07:42:55 AM »
Lahat ng to, konti lang alam ko, walang expertise, pero lahat na to meron ako. hehe

1. bass (kakastart ko palang mag play)
2. drums (same as above)
3. guitar (6 years palang)
4. ukulele (a week ago, so cool at madali lang matutunan)
5. keyboards (nung highschool, hindi magaling)
6. voice (soprano sa choir nung highschool)
7. Glockenspiel (elementary  :-D)

hopefully, sana soon at sana kayanin ko, cello!  :-D
hindi ko macontain...

Offline talaga?

  • Senior Member
  • ***
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #4 on: December 15, 2008, 08:41:21 PM »
1. drums. ( ngayon ngayon lang din ako natuto, hehe.)
2. guitar and bass. ( tagal na ko marunong, di lang magaling. )
3. keyboards. ( tinuruan kami nung 2nd and 3rd year, hehe. )
4. vox. ( anyone can sing naman diba, wala lang talaga sa tono ung iba. tulad ko. haha. )


jakobspiral

  • Guest
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #5 on: December 17, 2008, 01:51:09 PM »
Wala akong "top" instrument. Different uses for each kasi.

Guitar (best for rhythmic songwriting. parang, masusulat mo ba ang purple haze sa piano?!)
Piano (best for harmonic songwriting. mas madali mag chords sa piano.)
Drums (best for rhythmic ideas)
Bass (best for sessioning sa banda. di ka masyadong obvious kaya pwede ka maglaro. pero obvious ang control mo sa banda kaya di ka feeling supot. ;))

Offline rommelism

  • Senior Member
  • ***
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #6 on: December 26, 2008, 06:04:13 AM »
1. Guitar - Kakaibang 7-Heaven ang nararanasan ko habang nagshreshred ako at gumagawa ng heavy riff w/ matching heavy distortion and effects, kahit na walang kakuwentakwenta ang pinaggagawa ko  :evil:

2. Drums - Dahil hindi ko na kailangan mag memorize ng chords o nota,basta alam ko ang beat ayos na at kahit hulaan ko ang palo,hindi gaano halata :lol: pero mas mabuti siguro maging proficient ako ng mga rudiments at double bass o double pedal. Nakaka addict din kasi yung tunog ng double bass o double pedal.

3. Bass - Atleast halos pareho lang ng gitara yung scale,prioblema ko lang pag 5 or 6 string yung bass medyo lito ako,at hindi ko lam yun slap and pop at yung tapping at mga harmonics tricks.

4. Keyboards - Natutugtog ko lang using chords,pero sa paglalaro na using scale at arpeggios,hindi ako comfortable. Ewan ko bakit wala akong guts,pagdating sa keyboard soloing.

5. Beat box - tamang pang acoustic na tugtugan,medyo nakakatamad.

6. Vocals - No choice pag wala talagang kakanta,pakapalan na lang ng hiya!  :lol:

7. Tambourine,Triangle,Shaker,Marakas at Whistle -  :lol:

Offline mjpartinez

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #7 on: January 18, 2009, 12:15:25 PM »
raises hand ...ako..madami kasi kaming instruments sa bahay..sayang kung hindi mo gagamitin.... :-D owh and i used to have a band... wala lang ngayon im super swamped  :-)  anyway here's what i do for fun ..multipanel vids where i play different instruments

feature=channel :-D

Offline riffscreamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #8 on: February 07, 2009, 07:00:49 PM »
1. Guitar - Almost 10 years nako tumutugtog ng guitar. Hehe. Iba yung feeling especially when you're on stage. Same goes with other instruments. Pinakagamay ko to. After almost 10 years, ngayon lang ako nag-giguitar lessons(from no one else but the first ever Pinoy Ibanez endorser. Hehe). Natigil lang yung lessons ko dahil malapit na midterms.

2. Piano - Required sa school eh. Fell in love with it immediately. Iba parin talaga kapag sa piano tinugtog. Skill-wise, okay naman ako siguro. I got 2.5 for my KBOARD1 class and 3.0 for my KBOARD2 class(4.0 ang highest).

3. Voice - Yes, I still have those frontman dreams/fantasies. I think I have a decent voice naman. Wala lang training siguro. Okay lang, medyo may vibrato naman ako. Hehe.

4. Bass - Pag wala yung bassist, or kapag nagsesession, o kaya pag nakikitrip lang sa recording sessions sa skul. Di ako masyado marunong sa mga bass techniques. I just apply guitar scales kapag nag-psuedo-improve. Hehe.

5. Drums - Ngayon, nakakalaro lang ako ng drums kapag nakikitrip ng recording sessions sa skul. Kaya ko lang siguro mag-drums on stage kapag mga senti songs na sobrang bagal. Yung tipong ma-calculate ko muna yung mga fills na pwede. Hehe. Sobrang n00b ko dito. As in mas basic pa sa basic. Pede siguro ako magsession kapag namatay na lahat ng drummers sa buong mundo. Haha.

6. Banduria - My first ever instrument! I was a member of the DLSZ rondalla from Grade 3 to Grade 7. Tapos 1st year to 3rd year high school.

7. Octavina/Laud - Hehe. Basically it's a longer banduria only it's a couple or more octaves lower than the banduria, but essentially it's the same instrument.

8. Double Bass/Upright Bass - Grade 6, nilipat ako from banduria to double bass. A week before final performance of the year, binalik ako to banduria. @_@

I've always wanted to learn the violin, kaso mahal eh. Gusto ko kasi ng Stradivarius.lol And parang nakakangalay. Hehe.
« Last Edit: February 07, 2009, 07:02:47 PM by riffscreamer »

Offline xelalien

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #9 on: February 08, 2009, 09:59:49 PM »
basta marunong naman, di ba? :lol:

1. microphone (boses hehehe)
2. guitar
3. bass
4. drums
5. harmonica (yung major lang)
6. percussion - (shaker, tambourine, beat box, bongos, maracas, chimes, beat box, triangle)

at yung kakaiba:

7. suklay + papel (seryoso 'to ^_^)

di ko akalaing matututo ko rin palang tumugtog ng mga ito, dati kasi noong bata pa ako parang super frustrated ako, dahil hindi ako matuto-tuto sa piano. parang nasabi ko sa sarili ko na never ako matututo ng kahit anong instrument. minsan pa nga pinagalitan pa ako sa music class ko nung elementary dahil sa maling hampas ng tambourine.

yung suklay + papel, natutunan ko sa mga kaklase kong mga jokers, medyo tunog saxophone na ewan ang nagagawa ko dun, boses din kasi ang key doon e, hehe :lol:

Offline jamming_papu

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Multi-instrumentalists
« Reply #10 on: February 09, 2009, 07:44:22 PM »
i play ...

Piano/keys - nag-aral ako nung bata. so kahit papaano nakakabasa ako ng mga nota, scores, pieces, etc. eto tinutugtog ko kung gusto ko mag-relax. very soothing kasi tumugtog ng piano compared sa ibang instrument. i play pop with some classical. special mention ang mga Final Fantasy Piano songs na composed ni Nobuo Uematsu

Cajon/Percussionista - naging percussionista ako ng acoustic band setup namin. mga 1 year yun. masakit mag cajon. 'pag di tama pag palo mo injury ka after gig night. pop, blues kami pag ganitong setup. saya din kasi nagbibigay buhay talaga sa acoustic group. :-D

Bass - eto ang role ko ngayon. intermediate pa lang. still learning. Punk/Metal ang favorite ko. pero sa mga jam sessions anything goes basta kaya ('wag lang jazz)

Guitar - lahat naman siguro marunong tumugtog nito di ba? nuff said.  :-D

voice. sa videoke oo.  :lol:
“Man, you don't have to play a whole lot of notes. You just have to play the pretty ones.”
- Miles Davis
 http://soundcloud.com/jammingpapu