Mayroon akong gusto na Casiopea instrumental yung ginagamit na background ni Benjie Castro(DZSR Sports Radio 918 AM) sa newsbreak nya. Di ko lang alam title nuon. Matindi guitar riff.. Hahanapin ko baka meron ako tape.. Pre madami maganda compositions ang Casiopea, puro instrumental nga lang.. kasi di sila pwede kumanta ng English pero meron sila live video sa Japan yung Casiopea Perfect Live na nirecord pa nung 80s available noon sa Japan in laser disc pa na may side 1 & 2. May vocalist sila doon na Okinawan na nakakanta ng English. You Can Change It ang title, yun lang ang alam ko na song ng Casiopea na may lyrics..
Dun naman sa mga instrumental, hahanapin ko muna sa aparador..he-he nakatago kasi.. di ko na matandaan mga title. Ang alam ko na common na tinutugtog ng mga local pinoy bands ay yung Asayake & Coast To Coast.. Hahanapin ko list ng mga titles ha..
Nga pala, tanong ko lang noon pa kung bakit hindi yata sila nai-promote dito sa atin ng kung sino man ang record company ng Casiopea. Kasi since 80s, nagtu-tour na sa Asia, Southeast Asia & other continents ang Casiopea at wala akong matandaan na nakapagperform na sa Pilipinas ang Casiopea.. bakit kaya? Many times na nakapag-concert ang Casiopea sa Hongkong, Singapore, Thailand, etc.. bakit kaya kahit kailan ay di sila nagawi dito? Alam ba ninyo na naging nominee sa Grammy Awards ang Casiopea, di ko lang matandaan kung anong year yun..