hulika

Author Topic: Help with my setup..  (Read 2567 times)

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Help with my setup..
« on: November 16, 2010, 09:34:27 PM »
mga sir just need some help. yung setup kasi namin sa bar ganito po

1 amp
1 EQ
4 12" speakers
mixer
1 powered sub

ang pagkakaintindi ko, kailangan ko ng mono EQ for my powered sub, ilalagay sya sa aux ng mixer. para yung speakers ko, mailagay sa left and right. kaso wala akong mono EQ so ang nangyari, ang left ko sa mixer is yung 4 speakers, and yung right ko is yung sub. is there any work around it para mailagay ko pa rin sa aux yung sub? o kailangan pa talaga ng mono EQ?

Offline Ja!

  • Senior Member
  • ***
Re: Help with my setup..
« Reply #1 on: November 16, 2010, 10:37:56 PM »
anong brand yung powered sub?di ba may crossover freq. na yun.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #2 on: December 14, 2010, 10:50:32 PM »
wharfedale lang sir e. di ko po alam yung sinasabi nyo eh. hehe

Offline CodeOne

  • Senior Member
  • ***
Re: Help with my setup..
« Reply #3 on: December 15, 2010, 07:15:15 AM »
pwede na i direct sa aux out yan kc ang alam ko may built in low pass filter na yang powered sub, ang sub nman kahit di nman dumaan s eq ok lang bsta may low pass filter or crossover ok na

Offline Glennox

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Help with my setup..
« Reply #4 on: December 15, 2010, 10:23:47 AM »
pwede na i direct sa aux out yan kc ang alam ko may built in low pass filter na yang powered sub, ang sub nman kahit di nman dumaan s eq ok lang bsta may low pass filter or crossover ok na

...Korek ka dyan bossing!...,, :wink:


Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #5 on: December 15, 2010, 05:49:33 PM »
sorry sir, newbie lang ako sa mga ganito. nagpatulong lang ako sa friend ko dati eh.

so ididirect ko na yung sub sa aux? then left right ulit yung sa speakers?

Offline CodeOne

  • Senior Member
  • ***
Re: Help with my setup..
« Reply #6 on: December 15, 2010, 10:04:18 PM »
sorry sir, newbie lang ako sa mga ganito. nagpatulong lang ako sa friend ko dati eh.

so ididirect ko na yung sub sa aux? then left right ulit yung sa speakers?

yes bro..

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #7 on: December 16, 2010, 12:07:16 AM »
Baka mas makatulong kung ilalagay mo yung subs sa Aux na naka postfader. para hindi ka pihit ng pihit sa channel aux sends mo.

That is unless gusto mo ng  mejo "fixed" setting sa subs mo na kahit anong galaw sa faders e walang epekto sa subs. Pag ganun syempre prefader aux sends ang gagamitin.

pwede na i direct sa aux out yan kc ang alam ko may built in low pass filter na yang powered sub

yan din ang pagkaka alam ko.

Hope it helps (kahit na mejo obvious).
God does not call the qualified - He qualifies the called.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #8 on: December 16, 2010, 12:31:12 AM »
Baka mas makatulong kung ilalagay mo yung subs sa Aux na naka postfader. para hindi ka pihit ng pihit sa channel aux sends mo.

That is unless gusto mo ng  mejo "fixed" setting sa subs mo na kahit anong galaw sa faders e walang epekto sa subs. Pag ganun syempre prefader aux sends ang gagamitin.

yan din ang pagkaka alam ko.

Hope it helps (kahit na mejo obvious).

Di ko sir naiintindihan to. Hehe. Pwede kaya paexplain? Hehe. Salamat.

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #9 on: December 17, 2010, 01:50:04 AM »
Q: Anu po ba gamit niyo na mixer? hehe.

Diba po ang bawat channel ng mixer may Aux sends. Depende sa mixer, may mga aux sends na Pre-fader (hindi apektado ng fader yung lakas ng aux send nung channel), at Post-fader (apektado ng fader ang lakas ng aux send nung channel).

Ipagpalagay na lang natin na yung Sub ninyo e nakakabit sa Aux 1 out (na prefader ang setting). So sa bawat channel, ise-set ninyo ang level ng Aux 1 na gusto niyo lumabas sa Sub. Ang mangyayari, pag halimbawa nagbawas ka sa gitara (kunyari channel 4) gamit ang fader, ang mababawasan lang e yung sa 4 na speakers mo, pero yung sa Sub, ganun pa din ang lakas ng gitara, unless galawin mo ang Aux 1 ng channel 4. So pag galaw ka ng galaw sa fader, hahabulin mo din yun sa Aux ng mga channel. Dami gagalawin.

Pag naman nakakabit ang Sub halimbawa sa Aux 3 (na naka postfader), after mo i-set ang Aux levels per channel, pag ginalaw mo si fader, apektado ang lalabas 4 speakers CHAKA yung Sub. So less ang gagalawin.

Sana nakalinaw po ito. hehe.  :-D
God does not call the qualified - He qualifies the called.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #10 on: December 17, 2010, 08:57:57 AM »
Medyo nakalinaw po for me. Ang mixer ko sir is soundcraft epm8. Di ko lang alam kung meron prefader postfader yung mixer ko. Di po talaga ako magaling sa ganito, wala po kasi nagtuturo sa akin gumamit ng gamit ko.

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #11 on: December 17, 2010, 01:07:21 PM »
Ayun. Nakita ko na po ang User's Guide ng mixer ninyo. As it turns out, may switch yung Aux 1 chaka Aux 2 ng mixer ninyo para mapili kung PREfader or POSTfader.

So kung gusto niyo po na ilagay halimbawa sa Aux 2 yung Sub, dapat naka press ang Aux 2 switch dun sa right side para lahat ng Aux 2 sa mga channel ay POSTfader. That way, sumasabay sila sa fader adjustments. I-set niyo na lang yung levels accordingly. Yung Aux 1 kahit gawin niyo na lang na stage monitor. :-D

hope this helps ulit.
God does not call the qualified - He qualifies the called.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #12 on: January 02, 2011, 07:17:38 PM »
pero ikakabit lang po ba sa aux 2 na socker yung sub? pano nya malalaman kung alin yung magoout na sound sa speaker? for example, nakakabit 4 speakers ko sa EQ, tapos kabit ko sa channel 1 IPOD. so tutugtog yung IPOD sa 4 speakers, pag kinabit ko ba yung sub sa aux2, sasabay na yun dun sa IPOD sounds ko?

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #13 on: January 02, 2011, 09:52:19 PM »
Yup. kabit po sa Aux 2 yung Sub. Bale yung lalabas po na sound dun sa Sub ninyo e depende sa Aux 2 ng bawat channel sa mixer.

Assuming naka post fader ang Aux 2:

Kung yung Ipod ninyo e nasa Channel 1 at tinaas ninyo yung Aux 2 knob, lalabas ang tunog ni Ipod sa 4 speakers + sub.

Kung ayaw niyo naman palabasin ang tunog ni Ipod sa Sub, i-full counterclockwise niyo lang po yung knob ng Aux 2 dun sa Channel 1. The same goes for all the other channels.
God does not call the qualified - He qualifies the called.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #14 on: January 03, 2011, 09:05:59 AM »
Ok sir, ngyn pag may tutugtog na banda, acoustic for example, 2 gitara, 1 kahon, 2mics ang gamit nila, dapat po ba naka pihit lahat ng aux2 nila?

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #15 on: January 03, 2011, 12:41:25 PM »
Yes po. :)
God does not call the qualified - He qualifies the called.

Offline jasonbrr

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Help with my setup..
« Reply #16 on: January 03, 2011, 09:19:02 PM »
Thanks sir. Last na lang po, pano setuP ng cable nun? Xlr sa likod ng sub papunta mixer dapat isang pl? Or 2 pl? Yung kinabit sa aux1 yng vocal effects ko, 2 pl yng asa mixer e. Dapat ba ganun din?

Offline dx020

  • Netizen Level
  • **
Re: Help with my setup..
« Reply #17 on: January 05, 2011, 11:38:19 PM »
Yup, 1 PL lang po. From Aux2 Out direcho na sa Sub. :D
God does not call the qualified - He qualifies the called.