eto tip para sa iyo.
Bumili muna ng guitarang mura pero maganda. (RJ, SX, Etc.)
Mag-aral muna sa iyong bagong guitara.
Kapag ika'y naging bihasa na sa pag tugtog ng gitara, iyong malalaman kung ano ang tipo mong hugis, itsura, tunog, base sa iyong istilo ng pag-tugtog.
Huwag muna bumili ng napaka mahal na gitara sa kadahilanan na baka ito'y mapagsawaan mo o dili kaya'y ito'y hindi tugma sa iyong istilo. Alamin muna kung ano ang tipo at istilo mo. Malalaman mo ang mga bagay bagay na ito sa pag-eensayo at sa mga musikang iyong pinapakinggan.
Huwag muna intindihin kung ito ay "semi-hollow" o "hollow" o kaya naman "solid body". lahat yan ay may iba't ibang tunog at karakter. Ito ay makakapagpa-gulo lamang ng iyong isip. hindi rin nangangahulugang pwedeng gawing "acoustic guitar" ang "hollow" at "semi-hollow". Ang mga ito ay "electric guitar" parin at nangangailangan ng "amplifier" para tumunog ng maayos. Mas mainam kung ikaw ay bibili ng "acoustic guitar" muna para hindi mo problemahin kung anong "electric guitar", "amplifier" at "pedals" ang kukunin mo.
Bumili lang ng ayon sa "budget". Huwag pilitin kung hindi kaya at baka hindi mo rin magustuhan sa bandang huli.
Hindi nakukuha sa presyo ng gitara ang kagalingan ng taong humahawak nito.
Kung ano ang gusto mo, iyon ang bilhin mo. Hindi naman kami ang gagamit ng iyong bagong biling gitara. Nandito kami para magbigay ng ideya, pero lahat kami magkaka-iba ng tipo, at istilo ng pagtugtog.
Pumili ng mabuti para hindi magsisi sa huli.