guys, ask ko lang pano ko malalaman kung kasukat nung bibilin kong replacement part sa net?
does it have something to do with gear ratios? medyo di ko kasi naiintindihan un.heheh.
salamat sa sasagot!
Gear ratio yung number ng turns mo sa machine head bago makaikot ng 360 degrees yung mismong post. Mas mataas na gear ratio ay mas accurate, mas makukuha mo ng sakto yung tuning.
With regards sa sukat, check mo na lang yung dimensions nung mismong machine head na bibilhin mo and compare it sa stock mo. Critical din yung angle nung ear niya para sa screw or kung wala siyang screw pero merong parang kuntil na maghohold ng place niya. Pati yung diameter nung bushing, etc.. Ayun... research research ng dimensions talaga.