Necro
Love affair ako ngayon sa P90s - nung una babad ako sa HBs. Pansin ko lang masyadong bilog at magalang yung HBs, so nung nakarinig ako ng strat na pinapang-solo e natakam ako sa SCs dahil sa "scowl/pitik" (dynamic response ba yun) na wala sa HBs. Pero manipis ang tunog para sa taste...
Then subok akong P90s, nung una nadismiss ko na katunog lang ng PAF-equipped axe ko (PAF Pro). Pero lumabas lahat ng detalye nung ginamit ko na sa gigging volumes - may tulak ng humbucker, pero may pitik ng singles. BAM! Di ko naman masabing cross sya ng both pickups dahil iba yung pagkabastos nya sa mid gain, kumbaga ang HB - pader, SC - jangly, P90 - bristling at bastos. Ganda pa ng sweep sa volume knob. Eto pa naman yung pinakapanget na P90 guitar ayon kay firemodel55 - Bareta ng sabon 2 na gawa ng PRS SE. Tulad lang ng mga nabanggit, pwede etong pang-metal AS LONG AS meron kang magandang noise gate.
Isang taon na halos na nasakin tong gitara at pinatulog niya ng matagal GAS ko...