Naghahanap po ako ng pwedeng mag-repair, mag-setup, repaint, mangalikot ng circuitry/electronics ng gitara (at baka pedals at amps na din) na malapit o within East Manila/Rizal area lang. Sana may maibigay na price para sa pagpapalagay ng pickups, rewiring, o simpleng setup lang. Siyempre, contact number at address/area na din. ![Smiley :)](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha.png)
Naghahanap ako kasi si
Sir Rey Vargas (Guitar Fix) ay pumanaw na February ng taong ito. Siya lang din kasi ang alam kong nasa lugar namin. Nakakalungkot din. Noon kasing highschool pa ako, sa rehearsal studio niya kami tumutugtog for 120 pesos (kumpleto gamit + pedal/effects at sticks), yun yung nakalagay dati sa likod ng bahay nila, bago naging workshop niya. Inayos niya din last year yung gitara ko, at di pa nga tapos kasi may ipapadagdag sana ako. Pero, yun na nga, narinig ko yung balita, kaya di ko na alam gagawin ko ngayon. Siguro di ko na ipapagawa yung guitar ko na yun. Balak ko bumili nalang ng panibago at ipa-setup sa mai-rerecommend niyong luthier (o basta expert sa gitara). Sana ay matulungan niyo ako dito. AT sa mga nakakakilala o nakapagpagawa na sa kanya noon at ngayon lang nalaman yung nangyari ilang buwan na ang nakalipas, eto na nga po yung balita sa kanya. Sayang.