In case ako yung pinaringgan, di ko binabash ang Zildjian, sinasabi ko lang na frustrating minsan yung quality control. Lagpas na kasi sa individual "uniqueness" yung inconsistency nila e. Tama lang naman na may sariling personality ang isang cymbal... kaso hindi to the point na hindi na siya recognizable as that specific model. Bakit pa nagkaroon ng mga series at model kung di rin pala may kahit onting similarity yung tunog? Parang dati nung bumili ako ng K Dark Med Thin ko... yung nakuha ko ubod ng swabe, kaso yung iba kong nasubukan either okay lang or may parang nagdrone na overtones. With that said, ginagamit ko pa rin ang Zildjian kasi kung makahanap ka nga ng maganda, maganda talaga.
As for credibility... sa Zildjian meron akong mga A tsaka K at nakagamit na ako ng K Custom, A Custom, FX, Z Custom, Planet Z tsaka ZBT-plus (either sa kit ko mismo, or sa kaibigan ko, or sinubukan ko sa JB); sa Sabian nakagamit na ako ng B8, B8Pro, AAX tsaka AA at meron akong Hand Hammered at baka bumili ako soon ng HHX; sa Paiste meron akong Alpha at nasubukan ko na ang Sig, 2002 at yung mga mababang line nila.