@Peminisita, alcoholism na nga yan...
Isa sa mga memories ko about sa inom:
Unang inom na grabe ako nalasing is bisperas ng Pasko nung 2003 ata (basta nasa college pa ako nun). After ng noche buena, derecho agad sa labas at nakipag-inuman. Gin ang ininom namin nun at inabot ng 3am.
Napansin ko na lang na lasing na lasing na ako nung maglakad, umeekis talaga. Pero natawa ako sa sarili ko nung pagdating sa street mismo ng bahay namin, pinilit kong dumiretso lakad ko.
Pagpasok ko ng bahay, derecho sa CR (sumasama kasi tiyan ko pag dami kain at dami inom
), tapos paglabas ko, amf! gising Nanay ko. Sakto nung papasok na ako ng kuwarto, tinanong ako, "Lasing ka ba?" Sagot ko "Hindi" sabay sara ng pinto at higa. Hehehe!
Ang malupit nun, 8am ako gumising nun at bumiyahe pa ng malayo. Hehehe!