hulika

Author Topic: tanong lang about sa strings  (Read 1625 times)

Offline mang_disto

  • Regular Member
  • ***
tanong lang about sa strings
« on: April 28, 2006, 07:14:11 PM »
guys, pede bang palambutan ung string? i mean ung tension ng string para madaling mag bend etc during adlib? matotono mo pa ba ung gitara mo ng standard tuning kung malambot ang string?hehe  :D .. ung sakin kc ang sakit sa kamay pag bend ko ng mataas e.. one more  thing ang taas ng action...string ko ngayon ay d'addario .10.. any suggestions? tnx guys :D

Offline BALDO

  • Philmusicus Addictus
  • *****
tanong lang about sa strings
« Reply #1 on: April 28, 2006, 11:29:57 PM »
pards you can't have it all.. dilemma ko din yan kasi mataba ang tunog ng .10 pero matigas ang tension.. ang naiisip ko lang na remedy jan na NAGAWA ko na e
1. magbaba ka ng .9 gauge .. kung ayaw mo
2. ibaba mo string height pero konti lang ang effect nito kasi makapal ang string mo
3. try mo ang DR string kasi medyo malabot yun sa usual na brand
    feel ko lang yun..kaya nga try mo eh...
4.make sure na straight yung neck kasi kapag nde straight yun e kokonti pa lang ang naibababa ng string height mo e me buzz na yun
5. ibaba mo tuning ng 1 step o 2 steps..oo matu tune mo yun at huwag ka mahiya..si malmsteen na yabang nga e manipis ang string sa ibaba at makapal ang bass strings at tuned sa E flat yung guitar niya.
yun lang ang MAAARI mong gawin ( according to me) kasi nangyari na sa akin yun.. kapag hindi pa puwede
6. sabi mo palambutin? langya parang bakang batangas ito ah.. o sige kundi pa puwede ang .9 e palitan mo na ng .8 ng extra slinky ng ernie ball
    siguro naman e lalambot na yan..at kundi pa din malambot eh PAKULUAN mo na yan guitar mo hahahaha.. k?? :P
Music is art in sound...

Offline mang_disto

  • Regular Member
  • ***
tanong lang about sa strings
« Reply #2 on: April 29, 2006, 10:30:23 AM »
pareng baldo salamat... atually naka Eb tuning ako now... pero kulang pa rin sa lambot ung baka.... gusto ko kung parang wlang effort sa pag bend.. hehe.. anyway baka dalin ko na lng to sa nag aayos ng gitara

Offline teleclem

  • Philmusicus Addictus
  • *****
tanong lang about sa strings
« Reply #3 on: April 29, 2006, 10:50:00 AM »
Well alm ko may d'addario 9.5 gauge.. middle ground..  :D

Offline spankyrigor

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: tanong lang about sa strings
« Reply #4 on: May 02, 2006, 12:19:05 PM »
Quote from: mang_disto
guys, pede bang palambutan ung string? i mean ung tension ng string para madaling mag bend etc during adlib? matotono mo pa ba ung gitara mo ng standard tuning kung malambot ang string?hehe  :D .. ung sakin kc ang sakit sa kamay pag bend ko ng mataas e.. one more  thing ang taas ng action...string ko ngayon ay d'addario .10.. any suggestions? tnx guys :D


dude how long have you been playing with 10's?
ako kase, kaka-switch ko lang din from 9's to 10's. played my ass off for like 2-3 days tapos rest. your fingers would hurt like hell for a while pero pag-balik ko sa guitar ko parang ok na. try mo muna sanayin.

ahh, mataas pala action mo.. try setting it lower then. :)
We are the authorized Philippines Dealer for the following brands:

www.strymon.net * www.maxonfx.com * www.voodoolab.com * www.godlyke.com * www.neunabertechnology.com * www.mieffects.com * spudmusicmnl@yahoo.com 09165923814


Offline renz_sui

  • Forum Fanatic
  • ****
tanong lang about sa strings
« Reply #5 on: May 02, 2006, 01:39:21 PM »
Switch to a heavier gauge or play with an acoustic guitar first (let's say 12s) tas after ma wear out yung string ng acoustic mo, balik ka sa 10s. Tingnan natin kung di lumambot yang 10s.

Kung marami ka namang gitara, yung isa kabitan mo ng 8s tas yung isa 10s or above. Warm up ka muna sa 8s mga siguro tugtog ka ng 15-20mins. Bawasan mo yung oras na pagtugtog mo sa 8s every jam or tugtog mo. Unti unti masasanay ka niyan. Sakin gumagana siya.