niyaya ako ng kabarkada ko yesterday sa Demo daw ng dB technologies line array. ginawa dun sa bodega ng Xsataic, nakikita ko na ang mobile na to sa mga Robinsons malls.
Nagdemo ang AVESCO ng dB technologies ng kanilang Line Array and yung OPERA powered speaker. Ok naman pero ganun pala mga yun, P100+ per box daw.
later on may dumating na Sandy David, may dalang RCF ART-725A and kinompare sa dB line array and OPERA nila. so, parang shoot-out ang nagyari.
base sa opinion ng kasama ko and ako, maayos naman ang tunog ng dB pero, ika nga,, "NILAMON!!" ng RCF ART 725A ang mga dB speakers. sa tunog and SPL, champion talaga!!!
kaya pag nakaipon ako, bibili talaga kami ng ART...iba talaga.
Masarap din yung pizza na merienda pala
dapat mas maraming ganito para makarinig naman kami ng iba ibang speakers