Magandang araw po, sarap talaga dito sa Philmusic! (Share ko lang po
)
Yung tungkol po dun sa pagtitipon sa ika-9 o ika-10 ng Mayo, magkano po ang
bayad para makapasok? At nais ko po lamang pasinayahan ang lahat ng
bumubuo ng Guitar Adrenaline at Pinoydrums sa napakagandang ideya na
maghandog sa kanilang mga kapatid sa
MUSIKA ng ganitong mga
pasasanib-isip sa larangan ng pagtugtog ng gitara at pagtatambol, sinisigurado
ko na malaki ang magiging tulong nito sa mga gitarista at mga tambolero na
nagnanais na pagibayuhin at payamanin pa ng husto ang kanilang kaalaman sa
pagunawa, pagkarga, pagalaga at pagtugtog ng kani'kanyang mga instrumento.
Ako man ay nananabik na makadalo sa nasabing pagtitipon! Sana po'y
makumpleto na ang listahan ng ating mga kapitapitagang panauhin para masulit
naman ang lahat na magnanais na dumalo. Sana po ay suportahan natin ang
palatuntunang ito....
Magkitakita po tayo doon!
PAALAM!!!