Share ko lang yung nangyari sa akin last Saturday, during a gig.
Pagkatapos ng gig namin, gusto subukan ni Kim (Fun City Boys drummer) yung IC ko. Nang sinubukan niya ang pedal, dun niya naituro sakin na may clicking sa beater. Napansin ko nga na may major play sa beater. Sobrang nag-alala ako. Tiningnan ko lahat ng posibleng maluwag na screw. Nang tinanggal ko yung vari-pitch beater holder, doon ko nalaman ang sablay: lumuwag lang yung screw nung cylinder na kumakapit sa axle ng pedal. Pagkatapos ko higpitan yun, ok na uli ang pedal.
Buti na lang naisipan ko na tanggalin muna yung vari-pitch.