Wow.. Inspiring Read...
Lupet...
Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa Kaibigan kong Vocalist tapos dun sa eX ko na Dancer... "Buti pa kayo, yung instrumento niyo nasa katawan niyo na, samantalang kami sa Drums.. Halos lahat ng bagay mahal, ang swerte ng mga drummer na pinanganak na mayaman.." Well oo, sinabi ko yun.. And I was hurting noon kasi totoo naman eh.. Naalala ko pa nga yung reklamo ko noon "Bakit ba kasi ang mahal ng naging passion ko..?" hahaha...
Ang lulupit rin ng dedication ng mga tamboleros.. Good thing na kahit walang drums pwede mo siya matutunan.. Mahirap kasi matuto ng Gitara ng walang gitara, ganun din sa keyboard. Sobrang Dedicated ng mga kapatid nating tambolero.. Saludo ako sa inyo sir...
![afro :mrgreen:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/rockn_roll.png)
Eto malamang makakarelate kayo.. College na kasi ako nung nag start akong mag drums.. sa CEU ako nag aral at sa cubao ako dumadaan araw araw.. Alam niyo namang ang daming music store dun.. Alam mo yung araw-araw mong dadaanan tapos nakatingin ka lang sa labas ng bintana.. nag wowonder ka sa presyo nung Drums/Cymbal/ Gear at nagtataka kung pano na aafford ng ibang drummer yun.. Todo naman kasi yung mahal.. Naalala ko nga yung mga panahong ang sarap talaga umiyak dahil sa frustration. Tipong parang kilala ka na ng mga tindero tindera, kakatanong kung magkano tapos hindi mo naman bibilhin kasi hindi mo kaya (Sa ngayon.. hahaha..) Tapos, testing testing, hawak hawak.. tapos managinip na muna.. hahaha.. Naisip ko noon, ang paraan para magkaroon ng unlimited supply ng magandang gamit e maging endorser.. pero kailangan mo rin maging sobrang lupit...
Tight ang pera ko noon.. tipong ang spare ko lang e 5 piso.. at pagnadapa ka pa at nawala mo, ba bye.. uuwing naglalakad.. (Hindi pa naman nangyari..) Pero ang hirap nga talaga pag estudyante at walang source of income.. nakakaipon ako noon pero prinioritize ko.. Una Stick, tapos drumpad tapos Metronome., tapos drumkey ng pearl, stickbag.. paisa isa lang.. Ngayong may trabaho na ako,... Saka lang nakabili ng Drums at wala pa akong cymbal set.. hahaha.. Kahit may trabaho pa ako eh may utang pa rin ako.. sabi ko kasi dapat August meron na, so bumili nga.,.. Buti ang bait ng parents ko at naintindihan yung passion ko.. pinahiram ako ng Pera pampuno sa naipon ko na,... Pero hanggang ngayon nagbabayad pa rin ng utang.. Allthough andami pang upgrade, pedal, snare, skins.. gears etc..
Well, kaya nga siguro natin minahal ng todo tong instrumento natin.. Kasi pinaghirapan talaga natin eh... From learning the skill to buying the Drums and all that there is associated to it..
![cry :cry:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/cry.png)
Apir!
![Wave :wave:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/byebye.png)