Just want to share.
Bumili ako ng Marshall Minor sa JB Megamall nito last February, gabi yun, tapos naka-sale kasi. So 2000 ko siya nabili, tapos yung nabili ko, hindi pantay yung color nung "gold grill covers" sa loob ng headphones, yung isa makintab tapos yung isa parang papunta na sa pagfade para magkalawang.
Pero inignore ko yun knowing na hindi naman big deal sakin kung hindi pantay yung color. Sound ang mahalaga.
Well anyway, yun nagandahan naman ako sa tunog, okay sya, pero compare sa products namin dati sa Bose at Sol malayo yung sound nya, hindi gaanong clear yung Minor, pero ang okay sakin is yung itsura nya at yung lock sa tenga.
And cool yung itsura nya na volume knobs.
Nagsisimula ko nang magustuhan yung minor ng biglang nahulog yung iTouch ko sa mesa ko pero bumagsak sya sa sapatos ko, tapos pagtingin ko bali na yung plug nya.
Wala pang 24 hrs sa akin yung product. Nasira agad.
Ang fragile nung plug nya. So dapat pala laging nakasaksak yung extra nyang cable para kahit maupuan mo hindi mababali yung plug.
Dinala ko sa JB music para ireklamo yun pero mabuti nalang mabait yung mga taga-JB pinalitan nila. Kahit kasi sabihin na di sinasadya yun, still grabe yung pagkasira nung product, baling bali talaga. wala pang isang araw.
Kaya ayun.
Pero thanks JB music sa kind service!
Pinalitan nila ng bago kaya ayun naalagaan ko na, hanggang ngayon ginagamit ko padin