Cockroach or what we call ' Katsaridaphobia'.
Nung maliit pa kami ng brother ko, lagi kami naglalaro ng ipis, hinahawakan sa antenna at ihahagis sa kung kanino man namin gusto, binabaril ng pellet gun. Isang beses, nadapuan ang kapatid ko sa damit at pumasok sa loob, sa likuran niya. At dahil di niya maalis at maabot ay, humiga na lamang siya para mapatay at maalis ito. Nadurog ang ipis sa likuran niya at, ewww! Nadevelop na ang takot namin magkapatid dahil sa trauma. Kaya nung tumanda tanda na, di kami nawawalan ng Baygon sa bahay, pag wala nang Baygon, ipapapatay pa namin sa ibang kapatid namin na walang takot sa ipis.
Yung tipong, nakikipagpatintero ka sa ipis, binubugaw mo na, lalo pang lumalapit say'o, may halong kaba at kilig factor. Di ko alam kung nandidiri ako sa kanya o natatakot ako sa kulay at itsura niya. Di ko din naman alam ang purpose niya dito sa mundo, nabubuhay sila kahit di kumakain.