April 2014
Front act sa UDD, in the middle of the first song nawala yung tunog nung amp, so i did some quick troubleshooting and oks naman lahat ng gamit ko, nirekta ko sa amp yung guitar and wala pa ding tunog, so sa amp talaga yung sira. So what we did is ako na lang yung gumamit nung amp nung vox namin and sya is nag direct na sa PA.
Then on the second song nawala na naman yung tunog nung amp! as in cut off ako sa tugtog namin
masama pa yung mga tech di man lang kumikibo nakatingin lang, then nung chinecheck na nila di rin nila malaman kung anong problema, yung isa in on-off-on-off pa yung amp hehe.
So ang nangyari is nakarekta na rin ako sa PA hanggang matapos yung set T.T
Circa 2014 ulit:
Ininvite kami tumugtog sa isang prod, we were the first band to arrive, nung magpapalista kami, nakakagulat lang kasi yung list halos puno na eh kami yung unang dumating! tapos yung last 3 slots na lang yung available, pero no choice kami kasi bumyahe pa kami ng malayo para lang sa gig na yun so we waited for 5 hours bago pa kami makatugtog. Ang masaklap pa nun wala nang nanonood T.T
Febfair, 2015
Patay sindi yung multi effects ko, yung extension cord nung sound system ang luwag T.T
Moral lesson:
Bring a decent amp, if possible. Pati na rin extension cord or extra battery (for Multi effects). And as one of our forumites have mentioned, mas okay pa minsan mag jam sa bahay kasama ng mga friends, at least di ka nauunahan sa slot at hawak mo ang oras