« Reply #30 on: July 20, 2008, 10:12:05 PM »
napanood ko sila around october last year sa saguijo.. kasabay nila ang chicosci (aaminin ko na chicosci talaga ang ipinunta ko dun para marinig sila ng live sa bagong emo genre nila) solid na tugtugan parin.. one of the best live acts na napanood ko..(no offense sa mga chicosci fanatics dito dahil mas nag-enjoy ako sa JTC nung gabing yon) tunog cd pag live yet hindi nawawala ang pataasan ng talon at kung ano ano pang exhibition sa stage... gustong gusto ko ung pagsabay sabay nila sa paglundag habang kasabay ng bagsakan.. ung drummer nila na aral na aral sa pagpalo habang nakatayo.. at ang chemistry ng grupo na sobrang solid at tapang nila na mag-ganung klaseng genre.. aminin na natin na madami din ang hindi natutuwa sa musika nila.. guilty ako dun nung una ko sila marinig sa radio kase hindi ko talaga "dig" ang pagka-retro nila before.. tinig na acoustic version lang ang gusto ko sa kanila before pero nung napanood ko sila ng live,
grabe hinahanap-hanap ng dugo ko ang mapanood sila ulit.. iba sila mag-live.. sobrang ma-iinggit ka dahil ganun sila kagaling..
« Last Edit: July 20, 2008, 10:19:02 PM by kazooooks »
Logged
Boses pitcha falsetto, Boses MAMAW kwago, Mossimo Brip in technicolour, Royal Tru-Orange, Isaw-pasawsaw, Lazy eyes Technique Overload Yeah!