Nangyayari yun sa dating banda ko at sa isang banda ko ngayon.
Yung sa dating banda ko kasi, minsan di available yung guitarist o yung bassist. Pag walang isang gitarista, kunin namin yung isang kaibigan namin for session o double the effort sa paggitara ang isang gitaristang kasama namin. Kapag bassist ang nawala, session call din namin yung isa pa naming kaibigan na bassist.
Bale ako at yung vocalist lang ang di mapalitan dati, hehehe.
Sa isang banda ko naman ngayon, marami nang situation na hindi available ang ibang miyembro, dahil lahat sila ay mga busy na tao, hehe. Kapag walang keyboardist, ok lang. Kung wala yung vocalist, ok lang rin! Basta ang core group namin ay kami ng gitarista at bassist. Sinubukan namin magkaroon ng sessionist para sa bass pero hindi maganda ang kinalabasan.