mag-iiba itsura nun kung dayain yung bakal... isipin mo pinagkaiba ng itsura ng b20 (mga cast cymbal tulad ng a, k, z, aa, hh, etc) tsaka mga b8 (2002, alpha, b8, b8 pro)... kahit yung bakal mismo iba yung kulay e. mas brownish ang b20, reddish ang b8... tsaka brass naman eh yellowish. tsaka di naman ata tatalab sa paggawa ng alloy yung sapilitan lang ihalo yung mga bakal.
tsaka subukan mo yung tunog... malinis at buo ang tunog ng b20, matinis ang b8, may pagka-yero ang brass. maririnig mo naman kung quality instrument ba yung bibilhin mo o hindi e. kung di ka payagan subukan yung tunog, dun ka na magduda.