nagkaron ako nung mga kamag-anak niyan. GT-6 at GT-8. ang balita ko yung DSP niyan, kapareho nung sa GT-8, at naka-test rin ako niyan sa PP dati. mukhang pareho nga.
suggest ko sa settings, two cases di ba ang pwede mong gawin:
una: guitar - GDI - ME-50 - amp or kung san ka man kakabit
ang mangyayari nito, since yung GDI ang preamp mo, tama ang arrangement niya for modulation at delay effects. kaso hindi maayos ang labas ng tunog for the OD section ng ME50 kasi after na siya ng preamp. kumbaga wala nang i-ddrive yung OD kasi lumampas na siya sa preamp. at yung GDI, kung distorted tones mo siya gagamitin hindi ka na makakakuha ng clean tone, kasi nga nakaset na yung preamp for dirt, rolloff mo na lang yung guitar vol knob. yung OD section ng ME-50 magagamit mo na lang siya siguro as tone shaper - parang EQ. kunyari yung booster, set mo yung bottom at tone to your liking. gets?
pangalawa: guitar - ME50 - GDI - amp
dito naman, mas magagamit mo lahat ng features ng ME-50, provided gagamitin mo lang yung GDI as a clean preamp. lahat ng dirt mo, manggagaling sa OD section ng ME-50. at tama pa rin yung order ng mod/delay section mo. magagamit mo pa yung wah ng ME-50. kaso ang problema yun nga, clean lang yung GDI mo dapat. papangit yung tunog ng modulations pag sinaksak mo before a dirty preamp - IMO lang naman yun. at pag ganito setup mo, nakakhinayang kasi hindi mo magagamit yung drive section ng GDI.