SA WAKAS! May tickets na rin ako woooohooo!
After days of patiently waiting, lumabas na rin ang tickets
Magkukwento lang ako nang kaunti...
2pm -pumunta kami ng brod ko na si Ralph sa National Bookstore Cubao kung saan may Ticketworld outlet. Sabi ni Vanessa, yung ticketworld employee, wala pa raw final word from their main office. so tumambay muna kami sa Gateway at dun nagbasa (parehas kaming law student kaya dapat talaga hehe)
past 3pm- balik kami sa National pero ala pa rin. by this time, andami na ring dumadaan at tumatawag para mambulabog. Kinuha na lang ni Vanessa yung mobile number ko, tetext nya raw ako pag meron na. Balik kami sa Gateway para bumalik sa pagbabasa]
5pm - nakaramadam na kami na wala ng pag-asa na ilabas yung tickets kaya nag-decide kami na umalis na lang. Ako papunta sa school, si Ralph, pauwi ng bahay
5:49pm - nasa klase na ako nito, Remedial Law Review. Biglang nagtext si Vanessa: "Sir, nakaonline na po ang eraserheads tickets."
Ampucha, nabuhayan ako ng loob bigla at finorward ko kay Ralph yung message. Buti di pa nakakalayo si Ralph, bumalik sya kaagad. Around 6:45 nakabili na sya ng ticket namin. Buti umbaot, 7pm kasi nagsasarado yung Ticketworld outlet na yun. Laking pasalamat ko talaga
RELIEVED. That's how i felt nung nalaman ko na may tickets na kami. Sulit ang pagbabantay ng updates.