hulika

Author Topic: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang Wika]  (Read 44218 times)

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
magaling,kaigaigaya and inyong mga suhestyon!

Offline diaboliche

  • Forum Fanatic
  • ****
Napakaganda naman at nakakabighani basahin ng thread na ito. Mabuhay ang wikang Pilipino.  :-D

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #152 on: September 28, 2008, 12:15:35 PM »
itatama ko lang aking katoto ang istratokaster sa wikang tagalog ay HIMPAPAWIDKABIT  (STRATO=LAYER OF A CLOUD)
(CASTER=TO APPLY OR CONDURE Advb': CASTING) :-D :-D :-D

yan pala tagalog ng stratocaster, isa kang henyo ginoong kulog_anino  :-D

Offline rad_12

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #153 on: September 28, 2008, 12:55:16 PM »
ako'y lubusang nagagalak at ang ating hiblang ito'y patuloy pa rin ang paglago...nawa'y hindi mauwi sa pagkakakandado ang hiblang ito. siguro'y pagdating ng tamang panahon ipapakilala ko din dito sa hiblang ito ang inaasam kong sariling disenyong gitara.

Offline alamat

  • Veteran Member
  • ****
sumakit tyan ko sa pagbasa.. mula una hanggang huling pahina sulit!!!
(what a cool thread!) este anong kaylamig na hibla!!
(rock and roll!) este bato at gulong!

Offline paquitz

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #155 on: September 28, 2008, 04:30:35 PM »
Ang aking sandata ay... wala pang pangalan sa kasalukuyan dahil ako'y namimili pa.

[/b][/size]

Ako ay may katanungan sa inyo mga kapatid. May pangalan na ang lahat ng aking sandata. Ngunit ako'y nagnilaynilay at napagtanto na hindi na ako nasisiyahan. Kaya't gusto ko sanang palitan. Sang ayon ba kayo na palitan ang pangalan ng sandata kung hindi na kayo kuntento sa lumang pangalan?

Offline simon_divitico

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #156 on: September 28, 2008, 07:21:46 PM »

Ako ay may katanungan sa inyo mga kapatid. May pangalan na ang lahat ng aking sandata. Ngunit ako'y nagnilaynilay at napagtanto na hindi na ako nasisiyahan. Kaya't gusto ko sanang palitan. Sang ayon ba kayo na palitan ang pangalan ng sandata kung hindi na kayo kuntento sa lumang pangalan?

Kaibigan, ako ay maghahandog sayo ng isang mungkahing marahil ay di sapat upang mapunan ang nag-aalab mong pangangailangan ng isang mahusay na kasagutan. Ganun pa man, hayaan mo akong ilahad ang aking ideya patungkol sa katanungan mo.

Marahil ay hindi na lingid sa iyong kaalaman na ang gitara o anumang instrumentong musikal ay ideyal lamang na ituring na parang kasambahay o kapamilya/kapuso natin. Dapat nating isaalang-alang na sa pagbigay ng pangalan sa isang kaanak, dapat ay ipinagiisipang mabuti nang sa bandang huli, hindi na ito magdulot ng anumang higalot tulad ng pagnanais na palitan ito.

Bilang pang-unang kasagutan sa iyong katanungan, nararapat lamang na hindi mabago ang pangalan ng iyong gitara sa kadahilanang naaayon sa aking mga naibanggit sa taas.
FS EPIPHONE LESPAUL STANDARD MIK P15K http://talk.philmusic.com/index.php?topic=297667.0

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #157 on: September 28, 2008, 08:45:55 PM »
yan pala tagalog ng stratocaster, isa kang henyo ginoong kulog_anino  :-D

kay gandang pakingan aking katoto animoy parang pagkatakatang pakingan

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #158 on: September 28, 2008, 08:48:36 PM »
Napakaganda naman at nakakabighani basahin ng (thread) hibla na ito. Mabuhay ang wikang Pilipino.  :-D

hayaan kong itama ko ang iyong mali aking katoto

Offline shodawmoon

  • Philmusicus Addictus
  • *****
mga ginoo, ako'y natawa sa pangalan ng istratokaster kapag tinagalog, ano naman po kaya ang tagalog ng "TELEKASTER"?? :-)

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #160 on: September 28, 2008, 09:20:14 PM »
mga ginoo, ako'y natawa sa pangalan ng istratokaster kapag tinagalog, ano naman po kaya ang tagalog ng "TELEKASTER"?? :-)

hayaan mong ako ang magbigay nyan kapatid at ipapaliwanag ko sa iyo ng mabuti

(tele greek word for distant)distansya

kaya DISTANSYANGKABITAN

Offline wowgie

  • Veteran Member
  • ****
hayaan mong ako ang magbigay nyan kapatid at ipapaliwanag ko sa iyo ng mabuti

(tele greek word for distant)distansya

kaya DISTANSYANGKABITAN

Isa nanamang  mayaman na kaalaman ang aking naapuhap mula sa hiblang ito!
 :-D

ehem... excuse me po! its better to give than to manakawan... lm :D

Offline calculon

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #162 on: September 29, 2008, 12:19:02 AM »
ibang-iba ang pinoy...(sing the PBB theme go!)

 :-D :-D :-D
your hormones control you!!!

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
sumakit tyan ko sa pagbasa.. mula una hanggang huling pahina sulit!!!
(what a cool thread!) este anong kaylamig na hibla!!
(rock and roll!) este bato at gulong!

kaibigan. ang rock and roll ay "bato at ikot"
mabuhay tayong mga pilipino! dumadausdos ang ating kamalayan sa paggamit ng gitara!

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #164 on: September 29, 2008, 10:35:21 AM »

Ako ay may katanungan sa inyo mga kapatid. May pangalan na ang lahat ng aking sandata. Ngunit ako'y nagnilaynilay at napagtanto na hindi na ako nasisiyahan. Kaya't gusto ko sanang palitan. Sang ayon ba kayo na palitan ang pangalan ng sandata kung hindi na kayo kuntento sa lumang pangalan?

alam mo kaibigan, kung talagang itinuring mo nang isang kaanak ang iyong sandata, itoy di na dapat palitan ng pangalan, parang mga bata yan kung sa aking pag iisip, kumbaga "ang bawat bata dito sa mundo, ay may pangalan, may karapatan" may karapatan din magkaroon ng isang pangalan ang iyong sandata.

hayaan mong ako ang magbigay nyan kapatid at ipapaliwanag ko sa iyo ng mabuti

(tele greek word for distant)distansya

kaya DISTANSYANGKABITAN

isa na namang kaalaman na dito mo lang makikita  :-D

Offline shodawmoon

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #165 on: September 29, 2008, 10:35:47 AM »
hayaan mong ako ang magbigay nyan kapatid at ipapaliwanag ko sa iyo ng mabuti

(tele greek word for distant)distansya

kaya DISTANSYANGKABITAN
maraming salamat kapatid! bagong kaalaman na aking magagamit sa pang araw araw na pakikipag sapalaran! mabuhay ang ating hibla! :-D

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
Re: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang W
« Reply #166 on: September 29, 2008, 09:31:20 PM »
BANAL NA DUMI!!!!!!! napakaganda talaga ng hiblang ito

Offline KamoteForce

  • Senior Member
  • ***
BANAL NA DUMI!!!!!!! napakaganda talaga ng hiblang ito
BANAL NA DUMI NGA!

Sadyang labis akong nagagalak sa tuwing aking binabasa ang hiblang ito. Naguumapaw na kaalaman ang aking natutunan na higit pa sa lahat ng agham na nabasa ko sa mga aklat at kwaderno sa loob ng silid-aralan.
In case of emergency, press CTRL+W.

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
ako ay halos mahulog na dito sa aking kinauupuan,.tunay ngang nakapapilipino ng hiblang ito,

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
ako ay halos mahulog na dito sa aking kinauupuan,.tunay ngang nakapapilipino ng hiblang ito,

aking katoto ang iyong nasabing salumpwit ba ay sira? :?

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
aking katoto ang iyong nasabing salumpwit ba ay sira? :?
hindi ito literal katoto,.ang nais kong ipahayag ay sa sobrang galak at tuwa halos ako ay malaglag sa aking salumpuwit,, :-D :-D isang maulan na hapon sa inyong lahat! tara at magmeryenda tayo ng bibingka at tsaa!

Offline kimBuhain

  • Veteran Member
  • ****
mga katoto ako naman ang may katanungan,
hindi ako makapagdesisyon sa pagpili ng bagong de kuryenteng gitara kung "telekaster" ba o ang "stratokaster" hindi lamang ako makapagdesisyon sapagkat pareho ko sila gusto :-D :-D,.

ang plano kung tugtugan ay "mga asul(blues)" na tugtugan sapagkat ito ang kauna unahang pagkakataong tutugtog ako ng "mga asul" na tugtugan,.sapagkat ang aking tugtugan nung nakaraan ay bakal na tugtugan,.umaasa ako sa inyong mga suhestiyon at mga kuro kuro,.maraming salamat!

ninanais ko ang "telekaster" sapagkat gamit ito ni richie kotzen at ginagamit niya ito sa "mga asul(blues)" na tugtugan,.  ngunit mas nakilala sa "mga asul" na tugtugan ang "stratokaster"

Offline angeloesteban14

ang tenga mo lamang ang makakapagdesisyon kung anong dekuryenteng gitara ang nababagay sa iyong tugtugan

Offline Stay Defiant

  • Senior Member
  • ***
ang mga naglalaro ng asul ang gamit ay stratokaster o bawas pablo.

wala pa akong nakita na nagtutugtug ng asul na ang gamit ay telekaster.
...must not sleep...must warn others.

Offline thunder_shadow(raikage)

  • Veteran Member
  • ****
hindi ito literal katoto,.ang nais kong ipahayag ay sa sobrang galak at tuwa halos ako ay malaglag sa aking salumpuwit,, :-D :-D isang maulan na hapon sa inyong lahat! tara at magmeryenda tayo ng bibingka at tsaa!

maraming salamat aking katoto :-D :-D