nakakaaliw naman ang hiblang ito....sana ay may katulad pa rin na ganitong hibla, kahit iba ang pamagat
Kaibigan, may isa pang sinulid na katulad ng ganito - hanaphanapin mo lamang at ito'y matatagpuan mo.
Kung ang Telecaster ay Distansiyangkabit, ang Stratocaster ay Pakalatkabit.
Ang Les Paul naman ay Bawas Pablo
ang mga naglalaro ng asul ang gamit ay stratokaster o bawas pablo.
wala pa akong nakita na nagtutugtug ng asul na ang gamit ay telekaster.
Kaibigan, gusto ko sanang bigyan ng liwanag ang mungkahing ito. Maraming mga manunugtog ng Asul ay gumamit na rin ng Distansiyangkabit. Si Alberto Tinawag (Albert Collins), Maputik Tubig (Muddy Waters), Miguel Namayagpagbukid (Michael Bloomfield) at kahit si Erik Palakpak Tonelada ay gumamit din ng Distansiyangkabit nung siya ay kasama pa sa YardangIbon.
Gayunpaman, ang Distansiyangkabit ay mas napapakinabangan sa musikang Bansa (country). Halos lahat tugtuging Bansa ay may gitarang Distansiyangkabit.
Ako ay lubos na natutuwa sa aking Pakalatkabit. Napakaraming musika ang nababagay rito. May problema lang ako sa mga pamulot (pickups) niya. Masiyado nang matalim sa pandinig ko. Pag ako ay nakaipon na ng wastong salapi, papalitan ko na ang mga pamulot nito.