^in her case, hindi daw. wala ngang barkadang lagpas 30 yan e.
anyway, dahil sa shoot na yan ang daming nag add at nag pm sakin sa fb. mga gustong magpakuha. sabi ko di pa ko ready at kulang pa ko sa gamit. meron gusto outdoor family shoot eh 3 months old pa lang baby. binigay ko conditions na maaaring makaapekto sa quality ng shoot namin like yung baby eh madaling mapagod at ayaw kong i-expose maigi sa environment na baka madelikado. sabi willing daw magbayad kahit 5k basta daw shoot namin. tinanggihan ko pa rin dahil ibabalik ko lang sa kanila yun pag nalaman kong nagkasakit yung bata. aabutin pa naman kami 1.5 hours sa labas at kahit hapon di mo alam kung anong mga factors ang makakaapekto sa health ng bata(hangin, insects, plant allergy, etc.)