To Dilim,
Pasensiya na sa matagal kong kasagutan dahil ngayon ko lang nabasa ang thread na ito (Actually wala pang 1oras akong miyembro ng forum na ito).
Tungkol sa Warhead, bandang 1985 silang nagumpisa. nagkaroon sila ng isang album, recorded sa studio ni Buddy Zamora sa Valle Verde at engineered ni Jim Sarthou. Dinistribute yun briefly ng Ivory Records.
Tama yung nabanggit ng isang kasamahan natin, Gitarista si rards Corpus, na isang kasamahan na ni Jaime Godinez sa Soundcheck. isang gitarista pa dun ay si Arnold Jallores, na isang bantog na sound engineer na ngayon. Ang vocalist nila ay si Franklin Oria, kasamahan nila noon sa dating Audio Captain recording studios sa Makati. Ang balita ko'y nasa America na ngayon si Franklin.
Kung gusto mo ng kopya ng album nila, alam kong may file copies pa ang Ivory Records na pwede mong mairesearch. Kung hindi naman baka kilala mo naman ang ilang taog nabanggit ko - puro mga batikang pagalan na sila sa musika. Maaari mo sigurong maitanong sa kanila.
Sana makatulong ito.