Hehehe. Sarap basahin ng mga argumento. Dagdag ko lang kahit huli na, pwede rin sa strings problema nyan.
Dati bumili ako ng isang set ng Adamas nylon strings para sa classical guitar namin. Pagkatapos kong ikabit at i-stretch, napansin ko ang hirap itono ng D string. Ok sa lower frets pero pagdating sa 5th ang sama na. Nabaliw ako dahil yung ibang strings ok naman. Buti na lang prematurely naputol tapos nung pinalitan ko ng Maya, ok na, natotono na nang matino.
Mula non, hindi na ako bumili ng Adamas ulit.