hulika

Poll

honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?

oo
97 (78.2%)
hindi
27 (21.8%)

Total Members Voted: 124

Author Topic: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?  (Read 59462 times)

Offline jefisipbata

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #175 on: August 10, 2010, 08:57:47 AM »
^^nicely said bro.

Offline dreamhaus09

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #176 on: August 10, 2010, 01:24:42 PM »
From the point of view of someone who is in a band with two albums under our belt...

Kung hindi kayo bibili ng paid download or CD/album - in other words, libre/pirata lang gusto ninyo, huwag na rin kayo umangal kumbakit puro mga sa tingin ninyo ay walang kwentang banda ang sumisikat. Huwag rin kayo umangal tungkol sa nangyayari na yung mga magagaling na banda, minsan lang maglabas ng album, o naglalaho na lang na parang bula.

Huwag na rin kayo magsabi ng "sayang" sa mga magagaling na nagbabanda na nag quit dahil wala silang pambili ng gatas para sa anak nila. At huwag na rin kayo umangal kung ang mga paborito ninyong musikero o banda, eh sa tingin niyo nag-sellout o kumuha ng trabaho na nakakabawas sa oras sa tamang pagbabanda.

Huwag rin kayo umangal kung bakit sa live niyo lang napapakinggan ang mga ibang magagaling na banda, pero hindi naman bumibisita kung nasaan kayo. Huwag na rin kayo umangal na bakit parang nawawala sa praktis ang mga ibang banda - mahal rin ang praktis time sa studio kapag gusto mo pulido talaga ang tugtugan.

Kasi, di ba, mahal ang bayaran ang music nila. Mas importante yung mga expenses niyo di ba? Eh di pwes, huwag na rin kayo umangal sa lahat ng nangyayari ngayon, kasi kahit ang musikero, kailangan rin kumain, kailangan rin mag asikaso ng pamilya, kailangan rin gumastos para gumaling pa sila sa tugtog o mag-maintain man lang ng tamang gamit. Kung kahit naghihirap na ang musikero, gusto pa rin niya mag porsige, gagawa siya ng paraan, pero sigurado, nakatanggal ito sa oras para sa music at banda lang talaga.

Huwag na kayo bumili ng CD or paid download, pero huwag rin kayo umangal-angal. Okay ba?

Hindi na po "industriya" ang pinag-uusapan, kundi ang sitwasyon na dahil nga mahilig ang tao sa libre, mas lalong nahihirapan ang maraming banda (lalo na sa indie; ano pakialam ng international major label bands sa ganito, eh nakakatugtog sila sa malaking mga stadium na limpak-limpak ang bayad sa isang ticket, minsan may major brand endorsements pa) na makapagsabi na kaya nila makabuhay ng sarili nila sa pamamagitan ng ginagawa nila at suporta ng tao sa kanila.

Wala sanang magagalit, open thread naman po ito, at opinion ko lang naman ang sinabi ko.

AMEN to that!!  :-)

www.ProjectSmithereen.lens.ph
500px.com/projectsmithereen Canon EOS 1000D | Canon a3100 IS

Offline gunlak

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #177 on: August 10, 2010, 07:39:28 PM »
support our local bands
mahal magproduce ng album ah. wag naman sana dl lang ng dl sa internet.

pag gusto ko talaga musika ng isang banda, bibili ako ng orig. cd's nila.
CLICK TO see baกิิิิิิat boys FB page!!!also check out my other band Skylines Forget

enitnelav

  • Guest
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #178 on: August 12, 2010, 05:30:12 AM »
...

Huwag na kayo bumili ng CD or paid download, pero huwag rin kayo umangal-angal. Okay ba?

...


^wisdom. buy legit local music. there is no excuse for piracy.



...pero dl pa rin ako pag foreign acts. yung natipid ko ipapambili ko ng cd ng gusto kong local bands.

Offline stoneagefrontman

  • Regular Member
  • ***
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #179 on: August 19, 2010, 05:11:36 AM »
naman suporta sa lokal na artist..yung mga kano at yung nasa malaking label hayaan niyo na sila dami naman pera yang mga yan!

Tigas nga naman ng mukha mo kung indie na nga yung banda at halos ibenta nila ng presyong mababa katumbas ng presyo ng dalawang kape sa starbucks at mas mura pa sa havaianas na sapatos eh pipiratahin mo pa? Panginoong mahabagin di ka kaya tamaan ng kidlat...

Kaya tayong nangangarap magbanda nagpapaalipin sa ibang uri ng trabaho at industriya masuportahan man lang ang pagbabanda...Halos maubos ang VL kakafile pag may tugtog nagkakandalate sa paglagare kapag ang gig di tumapat sa day-off tapos tutugtog at iinom ng beer na siya pa ang nagbayad....

pero dahil mahal natin ang musika tigas ulo tayong uulet uli sa sa susunod...

eto po ang pinagdadaaanan namin dito mga kapatid na halos itago sa mga asawa namin yung pampraktis at pang-ambag sa pagrecord ng album makatugtog lang kaya konting tulong lang po!


Offline ninejuicyjulius

  • Banned from AGT
  • *
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #180 on: August 19, 2010, 09:29:17 AM »
One post pwns 'em all:

From the point of view of someone who is in a band with two albums under our belt...

Kung hindi kayo bibili ng paid download or CD/album - in other words, libre/pirata lang gusto ninyo, huwag na rin kayo umangal kumbakit puro mga sa tingin ninyo ay walang kwentang banda ang sumisikat. Huwag rin kayo umangal tungkol sa nangyayari na yung mga magagaling na banda, minsan lang maglabas ng album, o naglalaho na lang na parang bula.

Huwag na rin kayo magsabi ng "sayang" sa mga magagaling na nagbabanda na nag quit dahil wala silang pambili ng gatas para sa anak nila. At huwag na rin kayo umangal kung ang mga paborito ninyong musikero o banda, eh sa tingin niyo nag-sellout o kumuha ng trabaho na nakakabawas sa oras sa tamang pagbabanda.

Huwag rin kayo umangal kung bakit sa live niyo lang napapakinggan ang mga ibang magagaling na banda, pero hindi naman bumibisita kung nasaan kayo. Huwag na rin kayo umangal na bakit parang nawawala sa praktis ang mga ibang banda - mahal rin ang praktis time sa studio kapag gusto mo pulido talaga ang tugtugan.

Kasi, di ba, mahal ang bayaran ang music nila. Mas importante yung mga expenses niyo di ba? Eh di pwes, huwag na rin kayo umangal sa lahat ng nangyayari ngayon, kasi kahit ang musikero, kailangan rin kumain, kailangan rin mag asikaso ng pamilya, kailangan rin gumastos para gumaling pa sila sa tugtog o mag-maintain man lang ng tamang gamit. Kung kahit naghihirap na ang musikero, gusto pa rin niya mag porsige, gagawa siya ng paraan, pero sigurado, nakatanggal ito sa oras para sa music at banda lang talaga.

Huwag na kayo bumili ng CD or paid download, pero huwag rin kayo umangal-angal. Okay ba?

Hindi na po "industriya" ang pinag-uusapan, kundi ang sitwasyon na dahil nga mahilig ang tao sa libre, mas lalong nahihirapan ang maraming banda (lalo na sa indie; ano pakialam ng international major label bands sa ganito, eh nakakatugtog sila sa malaking mga stadium na limpak-limpak ang bayad sa isang ticket, minsan may major brand endorsements pa) na makapagsabi na kaya nila makabuhay ng sarili nila sa pamamagitan ng ginagawa nila at suporta ng tao sa kanila.

Wala sanang magagalit, open thread naman po ito, at opinion ko lang naman ang sinabi ko.


Applause for you, Mr. BassCog.  :mrgreen:
Ows? Di nga?

Offline Van*

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #181 on: August 20, 2010, 02:16:05 AM »
Yes,i had like 20 pinoy rock/metal albums at one time even EPs. I still buy pre 2000 albums @ ebay if i really like the band/music. Other than that, i can always use online streaming.
What you own, owns you.

Offline fox69

  • Veteran Member
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #182 on: August 20, 2010, 02:46:42 PM »
gusto ko lang itanong doon sa mga ayaw ng bumili ng CD kasi puro nasa ipod na lang yung mga albums nila : paano kung pumunta dito sa pinas yung favorite nyong band tapos pwede kang magpapirma ng autograph, saan pipirma ang favorite artist mo ...sa IPOD mo? o sa HARD DISK mo kung naka-save yung mga albums nila? ako, walang problema sa akin kasi bumibili talaga ako ng CD ( check my thread on CDs hehehe ) :evil:

Online ingcokevin

  • Senior Member
  • ***
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #183 on: August 25, 2010, 01:03:09 AM »
when i have the money, yes. it feels good to support a band i really like. That said, I'll never buy a whole album just to hear this one song.

Offline dreamhaus09

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #184 on: August 25, 2010, 12:19:53 PM »
when i have the money, yes. it feels good to support a band i really like. That said, I'll never buy a whole album just to hear this one song.

Tama. sayang walang itunes music store dito sa pinas. pero kasalanan din naman natin kung bakit wala e.. sa ngayon $1.29 yata benta nila bawat kanta (dati mp3 ngayon aac format na)..  pero kung benta nila satin $1.29 parin. salamats na lang..  :lol: hindi ako bibili ng ganung kamahal lalo na kung lossy format (mp3/aac)

pero kung iisipin natin. mura narin yung cd e.

karaniwan 12 tracks meron sa isang cd at ang price nito P280(OPM/Local artist)

so kung 280 divided by 12 mga nasa around "23pesos" lang per song. sama pa yung liner notes, pictures, sound quality, lyrics, etc.

mga bossing bakit nga ba mas mahal albums ng foreign artist kaysa sa local.. mas malaki naman kinikita nila at pagkakaalam ko meron naman tayong nag ppress ng mga cd. digital master lang naman kailangan diba? o talagang ganun talaga normal price ng Album. at mas mura lang local artist para mabili?

www.ProjectSmithereen.lens.ph
500px.com/projectsmithereen Canon EOS 1000D | Canon a3100 IS

Offline Helmet

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #185 on: September 05, 2010, 08:21:29 PM »
Honestly,

I only buy CDs if it's from a Pinoy band, walang biro. For cases like if the CD is unavailable in our country, then I resort to mp3s. Being able to record at home and do some format conversion and editing, the CD quality really, and I mean REALLY, beats the mp3 format. Ang sarap pakinggan with hi-def headphones.

CD quality sound feels like you're with the band while they're playing. MP3 moves you two rooms farther from where the band is playing.

And yes, BassCog said it all. Now if only OMB has the capacity to eradicate piracy, and if only our artists have the power to sue these file sharing sites.

It would also be interesting to see the historical sales of Odyssey Record bars.

enitnelav

  • Guest
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #186 on: September 16, 2010, 08:53:39 AM »
I'll never buy a whole album just to hear this one song.

medyo OT, pero bakit nga ba hindi nauso dito sa pinas yung nagrerelease yung artist ng pa-single single lang tulad sa mga kanluraning bansa?

Offline dreamhaus09

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #187 on: September 16, 2010, 08:48:14 PM »
medyo OT, pero bakit nga ba hindi nauso dito sa pinas yung nagrerelease yung artist ng pa-single single lang tulad sa mga kanluraning bansa?

Siguro dahil sa Piracy..

www.ProjectSmithereen.lens.ph
500px.com/projectsmithereen Canon EOS 1000D | Canon a3100 IS

Offline ciswith

  • Veteran Member
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #188 on: September 16, 2010, 09:41:58 PM »
depende kung may extra pera
Musicians are not mathematicians. feeling and soul over speed and technique

Offline joesat

  • Senior Member
  • ***
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #189 on: September 18, 2010, 12:57:10 PM »
guilty rin ako minsan about piracy ksi nga nangongopya rin ako lalo na sa mga kasama na may maraming music files na mp3..pero i also have a decent compilations of orig cds and until now even with those free access to music, i still prefer to buy orig cds specially pag worth yong record and of course albums ng paborito kong mga banda...sa isang banda kasi, priceless collections na rin ito pagsating ng panahon, take for example nlng ung lp's (records) na hanggang ngayon tinatangkilik parin kahit sa ibang bansa and still mahal ang bawat kopya...at pag may magandang sound system ka, doon mo malalaman ang quality pagdating sa sound kung cd ang gagamitin mo...opinion ko lang..
successful deals w/: prank sinatra, bossingboss, alaala, dedma_walking, anodbiomech, boosted, god of war & stonelake, spankyrigor

Offline renz13

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #190 on: September 18, 2010, 03:18:24 PM »
oo bibili parin ako di parin tapos yung eheads collection ko  :-D


at iba sound quality ng galing sa cd kesa downloaded mp3 files
Transactions: yahoo!, sinosimelo, pentagram x, BossingBoss, masterchoxter, r_chino18, Souljp21, Xelly, Atomo, steliocore, allanfig, captcalamares, cenchria

Offline samuelfianza

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #191 on: September 18, 2010, 06:21:45 PM »
Pag mainstream Artists hindi na ako bibili. pero ung mga kumakayod palang na artists willing ako bumili.

Pero kung ako ang may irerelease willing ako na ibigay ng libre. baka makatulong pa yon para sumikat ako haha.
STATUA - Experimental Music http://statuaph.bandcamp.com/
DISPERSE MEDIA - Audio Production / Recording http://disperse.media
Random music ideas http://soundcloud.com/sammol

Offline binongkid

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #192 on: September 18, 2010, 07:50:36 PM »
ok ok ok ... i'll take that as a criticism para wala ng away.
o yan wag k n magalit  :-)

but i just want to clarify myself,
.this thread is very subjective anyway, so i think i can post my opinion.

.para sakin kc original CDs is more like a collection item;
your only gonna buy it if you really want it, you have some cash, etc.

.i have several original CDs.. and im still playing it.

.of course i want to support our music industry, kaya nga nandito aq sa philmusic eh
WALA nmn aq sinabi na wag natin supportahan amg music industry.
all i said is that it is more practical to download rather than to buy an original one.
lalo na sa mga katulad kong gipit ang bulsa...(is that offending, i dont think so :-()

i think im still gonna buy an original one,, pero matatagalan pa
wla aq pera eh.. hindi rin nmn kasi biro ang 250, tapos pwd m naman kasi idownload ng libre....
............................................db.

un lng. . wla n sana magalit..
ayoko ng away
relax lng..piz


e bawal textspeak dito jejemon ka

mabuhay ka sir Basscog!
puro hingi lang ng pics

Offline James_Animagi

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #193 on: September 18, 2010, 11:04:51 PM »
oo bibili pa din ako kung available naman sa pilipinas bkt hindi...pero kung sobrang hard to find na or hindi na nadidistribute ng record labels d2 satin eh i-torrent ko na lang mura pa...iba din kasi meron kang original copy ng CD for collectors item din un

Offline markv

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #194 on: September 18, 2010, 11:24:46 PM »
bumili akong YOSHA.. bili na rin kayo ganda ng album  :)

Offline Juanchito91

  • Netizen Level
  • **
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #195 on: September 22, 2010, 11:45:35 AM »

very well said, Sir Basscog.


id definitely buy....just to keep the give & take relationship healthy.
...some gears.

Offline Letour

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #196 on: September 23, 2010, 11:29:01 AM »
I will always buy authorized copies of songs and/or albums.

While I do practice intellectual property law (therefore biased against piracy), I will not become holier-than-thou criticize others for going the other way. But I just want you guys to realize that your money spent for the artist comes back to you. The artists will then be more motivated to come with more music for you to appreciate.

To those against buying original CDs, hopefully you can change. Since this is a musicians' forum, it is quite obvious why we are all here giving our thoughts and opinions.

Peace to all.
Dean of a law school
http://www.manilaspeak.com/author/rod-vera/
Twitter: @attyvera

Offline pedaldeaf3

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #197 on: November 10, 2010, 11:20:12 AM »
If totoo na bawal ang piracy sa pinas... Malinis na sana ang recto at quiapo...
Piracy killed (not primarily) NU... Kaya may certain difficulty din sa music industry eh...
Nawawala yung value ng mga albums (napinaghirapan ng mga artists) dahil sa piracy...
Parang isang quote lang yan eh... "How LOW can you GO" Iba parin yung pinaghirapan...
Talagang pinamumukha natin na mahirap tayo kase yung "sariling atin" pinipirata pa natin...
Ang masaklap dun... Domino effect... Tinangkilik ng masa, bumagsak negosyo ng iba...
bumabagsak sa sales ng orig kahit ganun parin ang bilang ng fanbase...
Sa magnanakaw, kahit gaano pa pa "High-Tech" ang procedure... Piracy is still Stealing...
Flashback ako sa cassette tapes ko... Hahaha...
God is the mighty "RAK" of my salvation "EN" he want's me to "ROL" forward & follow him...

Offline dreamhaus09

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #198 on: November 10, 2010, 02:54:44 PM »
noong Oct nakabili ako ng 5 CD's sa Astroplus..

The Beach Boys Sound of summer
The Best of Herman's Hermits
The best of Radiohead
Dong Abay
P.O.T. Remastered..

Tapos noong isang araw bumili ulit ako Marcus Highway..  :-D

www.ProjectSmithereen.lens.ph
500px.com/projectsmithereen Canon EOS 1000D | Canon a3100 IS

Offline shavo06

  • Netizen Level
  • **
Re: honestly, bibili ka pa rin ba ng original na cd/album?
« Reply #199 on: November 10, 2010, 10:41:05 PM »
pag local, bibili talaga ako ng orig. suporta nalang yun sa eksena at sa industriya. pag foreign, kadalasan di nako bumibili ng orig. download nalang. unless sobrang trip ko talaga yung banda at depende pa un kung may pera ako hehehe