mga bro sino na ang naka gamit ng boss dd-3 at artec analog pedal??
kamusta comparison nila?
ano mga pros at cons nila?
balak ko kasi mag shift sa analog delay ng artec ee,
salamat
Meron akong Artec SE-ADL noon
my first ever analog delay pedal. Para sakin, Pros?.. Well masarap yung pag degrade ng delays niya, dirty yet warm. Up to 500 lang ata ang max delay time niya. Very sturdy and solid built. Ang cons ng pedal na 'to para sakin, may hissing effect siya kapag maxed-out ang delay level, at pag mas matagal ang delay time. Siguro kasama na talaga yung hiss na yun sa pagiging analog delay niya. At base sa experience ko, may slight "sinok" siya kapag i-engage. Kung ikaw yung tipong hindi naman maabuso sa delay, meaning subtle delay type lang ang trip mo, magugustuhan mo yung artec. Kung baga dagdag sa texture sa solo and rhythm as well. Ayus rin mag occillate pang wasak wasak effect lol. Brand new naman yung kuha ko noon sa pedal na yun, at wala namang issues. Baka masyado lang ako naging OC, kaya binenta ko. Ngayon naka DD3 na ako,since abusado ko talaga yung settings at karamihan sa songs ng band namin ay delay-dependent lol! Super clean and crystal clear ang repeats.. digital na digital
Pero yun yung trip ko kasi talaga hehe. Maganda itry mo muna pareho bro, malay natin mas trip mo yung artec
or the other way around.