yung kaisa-isang local/DIY gear na nabili ko na nagbigay saken ng katakot takot na sakit ng ulo eh yung power supply from a local DIY'er. taga Cebu ako, inorder ko lang yung psu thru PhilMusic. bago ko nagamit ng matino eh 3 times ko niship pabalik sa pinagbilhan ko kasi puro problema. eto yung accounts ng nangyari:
1st: fresh out of the box, few minutes pagkapower-on ko umusok. its a dual volt psu, ang nakakatawa eh ako pa yung nagsuggest na iredesign yung circuit (separated circuit with dedicated xfmr) as opposed to having only 1 transformer for both 9v and 18vdc.
2nd: out of the box ulit, pagplug ko, walang power yung 9v circuit. back to maker na naman.
3rd: out of the box ulit, pag plug ko, walang power yung 18v circuit.balik ulit sa kanya.
muntik ko na naman ibalik, kasi may panibagong problema na naman. pag pinatay mo yung psu at sinindihan mo few minutes later, hindi na nag-oon yung 18v circuit nya. pero hindi ko na sinoli. tinapon ko na sa basurahan. pero bago ko tinapon, pinakita ko muna sa kapatid ko at sa mga colleague nyang engineer. natuwa sila nung makita nilang yung mismong circuit board at components eh nakabalot ng makapal na masking tape for insulation.
lesson learned: bahala na gumastos ng extra basta nakasisigurado kang yung gamit na nabili mo eh mahusay ang kalidad at magtatagal sayo ng matagal na panahon.