masyadong vague yung tanong mo..ibig mo bang sabihin eh kung anong effects ang puwedeng ilagay sa vocals na "natural" ang dating? maraming puwedeng ilagay na effects sa vocals..puwedeng lagyan ng maiksing reverb time at maliit na room kung gusto mong ipadinig yung kumakanta na nasa isang room lang na maliit, puwede mo ding habaan yung reverb time at ilagay sa malaking hall o malaking stadium kung mala Celine Dion ang gusto mong effect. puwede mo ding lagyan ng vocoder effect o mala robot na effect kung parang Mr Roboto yung kanta. puwede mo ding gamitan ng pitch shifter kung sintunado at gamitan ng Autotune ng Antares at Melodyne kung mala Cher na " Do you believe" ang gusto mong dating.. Puwede mo ding lagyan ng flanging o chorus effect etc etc.. madaming puwedeng gawin na effect sa boses...the possibilities is limited only by your imagination ika nga..
kung gusto mong natural ang reverb ng vocals eh lagyan mo ng maiksing reverb, maliit na room. sa isang program ng UAD ( Dreamverb), madaming factors kang dapat na i consider bukod sa reverb time at room size..me dagdag pang shape ng room, material ng floor, air o atmosphere kung me smoke ba, frequency ng resonance na babaguhin mo, distance nung instrument o singer sa nakikinig.