again, sa price nila ok naman yung mga boston pedals.
yung flanger (fl-100) medyo bitin kumpara sa bf2 pero nandun naman lahat ng mga kailangan ko para sa flanger. sabagay di ko naman kailangan yung mga ibang kakatawang tunog nung bf2.
yung overdrive (od-100) ok lang, di ako gaanong masayang-masaya. masaya lang, hehe. pero di naman bitin sa drive, close naman dun sa gusto kong tunog.
pero yung distortion (ds-100) ganda talaga ng tunog, kuhang-kuha yung gusto kong tunog para sa distortion, try nyo na, ganda. di ko alam kung iba lang taste ko sa distortion... uhmm, pero di eh, ganda talaga para sa'kin.
tsaka tig-P1080 lang naman yung overdrive tsaka distortion sa jb, kaya nga napabili tuloy ako ng flanger ng di oras, P1096 lang. 20% discount kung sasabihin nyo lang dun sa nagtitinda. kung di mo alam na may discount ibibigay nila sayo ng P1350, tahimik lang sila non sabay tinginan.
yung iba sobrang skeptical sa mga pedals na to, pero naman, kung may P3300 ka may 3 pedals kana, b-new, ganda pa ng tunog, cute pa, hehe. o kaya edi isa muna, P1080, ds-100, sulit.
ulit, tirahin man ako ok lang, masaya naman ako. tsaka nalang, pag nasira agad mga boston pedals ko, hehe. tumagal lang sana tulad nung denio tsaka wilton distortion ko, mula pa nung college, 9 years na lumipas buhay pa sila, 2nd hand pa namin nabili mga yon. ingat lang naman siguro kailangan, tatagal naman.