hulika

Author Topic: About Low-balling  (Read 1444 times)

Offline istipen

  • Senior Member
  • ***
About Low-balling
« on: March 27, 2010, 12:23:34 PM »
Good day sa mga PhilMusic people

Marami sa atin dito yung nag bebenta at bumibili ng  gear sa kapwa forum mates gamit
yung classifieds. Madalas yung mga post negotiable tapos yung iba bawal mag LOWBALL.

Ginawa ko tong post na to kasi napapansin ko, medyo parang iba sa kinagawian kong
definition ng low-balling yung ginagamit dito sa PhilMusic.


Definition
Yung definition na to sa Wikipedia yung malapit sa definiton na natutunan ko sa isang elective ko dati:

Quote from: http://en.wikipedia.org/wiki/Low-ball

The low-ball is a persuasion and selling technique that works by first gaining commitment to an idea
or item at a lower cost than you actually intend to charge,
then, using the fact that people will behave
consistently with their earlier commitments you
raise the price.



So basically, papaasahin mo yung ka deal mo (either buyer o seller) na nagkakaintindihan na kayo sa
presyo vs. quality nung item, tapos pag committed na sya sa deal saka mo lang irereveal na effectively
mas mahal pala yung item mo sa pinagusapan.

  • Bigla mo itataas yung presyo;
  • Reveal mo yung hidden fees (shipping, merienda, sagot pamasahe);
  • May ding, unwanted mod, o defect yung item; etc.

Kung buyer ka naman, ang example ng low balling eh yung:
Nakakita ka ng item, 4k last price. Tapos kinontak mo yung seller to reserve the item and sked a meetup.
Tapos on the way papuntang meetup, bigla ka magtetext na 3k lang nadala mong pera.


Tawad equals Low Ball?
Pwede, kung nagkasundo na kayo sa presyo tapos pag nagcommit na yung seller,
bigla kang tatawad, esp. pag medyo hassle na bumack out sa deal. Pero kung wala
pa namang commitment, at negotiable yung price, mukhang wala namang mali
sa pagtawad... Ang tawag lang dun "Price Negotiations" hindi low balling.


Feedback
Anyways, perspective ko lang naman ito.
Sana bigay din po kayo ng comments o definition ng low balling para cool


Regards PhilMusic
Happy GASsing!


P.S.
To the Mods, tama po ba pinaglagyan kong forum?