A moment in Philmusic.com's History: The site domain was registered in December 1996. We are at most, probably one of the longest running Philippine websites around!
I use a mouse pad, sticked it on a flat surface... then viola... instant practice pad...
hingi po sana ako ng suggestion sa mga kasamahan nating drummer dito na kung anong maganda alternate na gamitin sa practice pad? o pwde kaya akong gumawa ng DIY na practice pad, plano ko kaseng mag aral ng drums kaya sa practice pad muna ako magsisimula para mapractice ko yung coordination ng kamay ko sa pag gamit ng drumstick. sana matulungan nyo ako dito.
try mu sa libro,tas kapag pinalo mo dapat may rebound "talbog" para mas macoordinate m po kamay mu pde rin kuha ka ng kahoy na medyo makapal cguro mga half inch o kya one fourth inch tapos kuha ka ng rubber cguro sa gulong medyo manipis ng onti sa kahoy mu.tapos idikit mo ung rubber sa kahoy tas aun may practice pad k na. kaysa naman bumili k pa ng 8oo-1600 pesos na practice pad...cheers
table tennis racket.. parang drum pad ang feel
pag may DIY practice pad na ako ang susunod naman ay kung pano ako mag aaral, aside sa http://www.freedrumlessons.com/ meron pa ba kayong mairerecommend na site na pwde kung puntahan.
may drumstick na ako kaso 7A nabili ko, medyo magaang siya compare sa 5A tapos may mouse pad na ako, magsisimula na akong mag aral, btw sa lyric piano P500 lang pala yung generic practice pad nila.
bro suggest ko sayo kuha ka ng heavy sticks like 5B.yun pangpractice mo, tyak tataas endurance, strength at speed mo lalo na pag pumalo ka na gamit yung 7a mo.
salamat sa tip, pag nagka budget ulit ako bibili ako ng 5B, ang gaan nga ng 7A eh, wala lang available na 5A kanina sa lyric sa trinoma, kaya 7A na ang binili ako, meron silang 5A kaso ang mahal na Vic Firth na kase ang brand eh, yung binili ko generic lang muna.
sorry mods kung medyo OT ito, dapat ba pantay ang volume ng both left and right arms ko? kase nung nagpapractice ako ng basic snare exercise pansin ko mahina yung left arms ko since kanan ako kung magsulat at talaga bang masakit sa braso sa simula?
ano po ba ang mas magandang unahin gamitin na grip pag nag uumpisang mag aral ng basic snare drum lesson? Matched Grip o Traditional Grip?