haha sir chino tanda mo pala ako. well ito po ang reviews ko (and stories na rin behind all what happened to me)
about greg bennett interceptor: wood is mahogany, which makes it heavier. about the sound, ok na ok naman po. ang di ko lang nagustuhan yung pickups. stock duncan design pickups makes me hate (or just don't like) s.duncan. siguro i have to rely on dimarzio or stock pickups. the neck feel is just right feel, medyo curved sya unlike sa ibanez gio na flat. mas madaling magbend pero di ganun kadali mag tapping. ang problem po kasi sakin di ko makilala yung gitara pag sa store lang tinest. kung pwede lang sana iuwi overnight yung gitara for testing bago bilin. hehe. masyadong maliit yung headstock at neck so parang imbalance sya, nasa body lahat ng bigat. at dahil maliit yung neck at headstock, parang pambatang gitara lang hawak ko. at may konting problem pala yung gitara, may fret buzzes sya sa 1st fret so kailangan ko pa bumalik dun sa lazer para ipa-adjust kasi di po ako marunong magadjust ng truss rod. inadjust ko na yung height ng bridge pataas ganun pa rin. madami pa po akong problem sa gitara nato kasi plano ko magpalit ng .10-.46 strings kaya lang tyak major adjustment yun, at since for sale nga itong gitara parang ayoko munang i-mod. yung floyd rose licensed naman parang ilt-1 din ng ibanez. ang mas nagustuhan ko lang di masyadong naka bend yung elbow ng whammy bar at color silver sya. kaya ko po binebenta to kasi gusto ko matry yung higher ends ng ibanez, i.e. ibanez RGs.
itong greg bennet talaga ang first dream guitar ko. after almost 2 mos. of canvassing an elec. guitar in diff. stores and malls, nung mahawakan ko to sa lazer, gusto ko na syang bilin kaso parang natatakot pako kasi first time ko bibili ng gamit na mahigit 10k! ngayon para lang ako bumibili ng damit, papalit palit ng gitara.. nauubos na pera ko! nung magkapera na kasi ako, dun naman nabili yung greg bennett na tipo ko. so out of desperation, pinaka cheap na ibanez guitar ang binili ko. walang research research. then after ko mabili di ako makatulog. lagi sumasagi sa isip ko si g. bennett, so i decided that i'll sell it again. then, nung magka pera ako, di ko na inaksaya panahon, binili ko na itong g. bennett kahit wala pang bumibili ng gio ko. dun ako nagkaron ng change i-compare yung gio at g. bennett. dun ko natuklasan, ibanez wins. kahit yung pinaka cheap na gitara pala nila can't beat by other hi-end guitars like g.bennett. g.bennett is a fine guitar but no match parin sa ibanez. so, all in all, bibili po ako ng ibanez rg GW. baka ma-help nyo rin ako sa pagbili ng RG. hanggat maaari reversed headstock po hinahanap ko, color black at walang middle pickup. nagdadalawang isip rin ako kung 2nd hand ba bibilin ko or brand new, at kung san magandang mamili ng brand new ibanez's. ang haba na hehe!