hulika

Author Topic: Audiophile: feedbacks  (Read 65789 times)

Offline Charvylle

  • Senior Member
  • ***
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #100 on: September 17, 2010, 08:52:54 PM »
I don't really think theres a need to be alarmed about this and that..i mean, bad service is everywhere, di lang naman po sa audiophile or sa JB or Perfect Pitch..etc...

we can continue this thread till the 999th page..but if i were a betting man, i'd say this argument won't change anything..some of us would still say that the service is good some would still say the service is bad...so on and so forth...long story short, bad service has been around since God knows when, and i have some experiences din both good and bad from the fore-mentioned stores...

and i really think its NOT appropriate to call on the names of others to tell stories about them for their poor performance, whatsoever...if we want to improve their service..maybe we should approach management instead of bickering aimlessly...=]

 :-D :-D
Van Halen - Erruption cover
Van Halen - Panama cover
Van Halen - Beat It cover

Offline sulayman44

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #101 on: September 17, 2010, 09:07:13 PM »
hindi ko talaga maintndihan kung bakit ang hilig nilang sumagot ng "naku sir, mahal 'yun!" paano kung si Bill Gates o kung sino mang pinakamayamang tao sa mundo ang customer na kaharap mo?  :|



Ganito lang yan: Alam nila hindi nilang hindi nila kayang bilhin iyon at iniisip nila hindi mo rin kaya kasi pareho lang japorms at cellphone niyo.
« Last Edit: September 17, 2010, 09:08:27 PM by sulayman44 »

Offline masterchoxter

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #102 on: September 17, 2010, 09:10:06 PM »
I don't really think theres a need to be alarmed about this and that..i mean, bad service is everywhere, di lang naman po sa audiophile or sa JB or Perfect Pitch..etc...

we can continue this thread till the 999th page..but if i were a betting man, i'd say this argument won't change anything..some of us would still say that the service is good some would still say the service is bad...so on and so forth...long story short, bad service has been around since God knows when, and i have some experiences din both good and bad from the fore-mentioned stores...

and i really think its NOT appropriate to call on the names of others to tell stories about them for their poor performance, whatsoever...if we want to improve their service..maybe we should approach management instead of bickering aimlessly...=]

 :-D :-D

rockin' post here...
[

Offline Al_Librero

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #103 on: September 17, 2010, 09:20:25 PM »
Actually, I think one thing turned out ok, in this case. Eric is out in the open now. Yung mga galit diyan... this is your chance to see if you can resolve things with him.
Trashcan of Thoughts - http://www.allibrero.com

Offline Ben Tsing Co

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #104 on: September 17, 2010, 09:23:06 PM »
I don't really think theres a need to be alarmed about this and that..i mean, bad service is everywhere, di lang naman po sa audiophile or sa JB or Perfect Pitch..etc...

we can continue this thread till the 999th page..but if i were a betting man, i'd say this argument won't change anything..some of us would still say that the service is good some would still say the service is bad...so on and so forth...long story short, bad service has been around since God knows when, and i have some experiences din both good and bad from the fore-mentioned stores...

and i really think its NOT appropriate to call on the names of others to tell stories about them for their poor performance, whatsoever...if we want to improve their service..maybe we should approach management instead of bickering aimlessly...=]

 :-D :-D

Very well said

Lets be proactive and not reactive  :-D
“The difference between stupidity and genius is that genius has its limits.” -Albert Einstein


Offline alalala

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #105 on: September 18, 2010, 08:21:02 AM »
Quote






I don't really think theres a need to be alarmed about this and that..i mean, bad service is everywhere, di lang naman po sa audiophile or sa JB or Perfect Pitch..etc...

 
Maybe all this is just one of the many bad effects of a corrupt economy on social behavior.
We do electrics,acoustics, and basses:electronics/body repairs, refrets/fretboard recond. and custom graphics/airbrush painting/refinishing, 4304394/09156538433 http://www.facebook.com/al11011957

Offline barabbas

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #106 on: September 18, 2010, 12:54:31 PM »
I don't really think theres a need to be alarmed about this and that..i mean, bad service is everywhere, di lang naman po sa audiophile or sa JB or Perfect Pitch..etc...

we can continue this thread till the 999th page..but if i were a betting man, i'd say this argument won't change anything..some of us would still say that the service is good some would still say the service is bad...so on and so forth...long story short, bad service has been around since God knows when, and i have some experiences din both good and bad from the fore-mentioned stores...

and i really think its NOT appropriate to call on the names of others to tell stories about them for their poor performance, whatsoever...if we want to improve their service..maybe we should approach management instead of bickering aimlessly...=]

 :-D :-D

Very well said... Amen.....

Share ko lang po mga kapatid... Marami na kakakilala sakin dito nag nagtatrabaho din sa music store... Well share ko lang yung naging expirience ko sa mga customers... i speak with the rest of sales person sa AP, Yupangco, Jb etc... Kung minsan nagkaroon din ako ng complain sa customer... well Mahirap iwasan yung complain sa customer, kahit pagbaliktarin ko man mundo nandyan na yan... On our experience mas marami kasing aroganteng customer kesa aroganteng staff... In short mas maraming buraot sa mga music store na customer... Yun nga lang hindi namin alam kung sino sino yun... 365 days a year yan kaharap namin... lalo na sa mga 2years or more na nagttrabaho sa mga music store everyday ibat ibang klase ng tao nakakaharap namin... to be honest may mga kilala din kaming super buraot na customer madami yan... But still we try to manage to be patient and polite... Sorry sa mga na-offened namin... we didnt mean to... Gusto namin kayo harapin lahat kausapin ng maayos serve namin kayo ng maayos dahil trabaho namin yan... Minsan Napapagod din kami or minsan nagiingat na din sa mga customers na mahilig magtest ng mamahaling gamit na hindi naman bibili in the end hanggang test lang, nalalaspag yung unit.. on our part its our job na ingatan din namin yung mga stocks, hindi kasi basta basta price ng mga instrument... Dahil madaming cases na nagasgas or damage ng mga customer yung mamahaling equipment... kapag nagkaroon ng blemish hindi naman customer ang mananagot, yung mga sales person... Mas maraming din cases nagtatanong ng pinakamahal pero wala naman palang budget for such item.. Kung magtanong halos bibilin yung buong tindahan... Mas madaming cases yan compare sa mga complain na natatanggap namin ngayon... we can say that dahil araw araw namin nakakasalamuha yung mga ganun klase ng tao.. but still we still approached them politely.. Sorry po sa mga nakatyempo ng bad day para sa mga staff ng music store... Nangyayari yan... Maiintindihan nyo din yan once na magtrabaho kayo sa music stores... we cant be perfect always... Alam nyo na yun kung bakit.... Hehehehehehe... Wala sana magagalit sa post ko... Once again sorry sa mga na-offend namin.... Enjoy and God Bless....

Just my 2 token...

Offline pualux

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #107 on: September 18, 2010, 01:25:52 PM »
Mas maraming din cases nagtatanong ng pinakamahal pero wala naman palang budget for such item.. Kung magtanong halos bibilin yung buong tindahan...

that's why you should put visible prices on your items para di na namin kailangan magtanong bro...
look at it this way, it would make your life a whole lot easier, di ka na namin kukulitin...titingnan lang namin yung price tapos assess nalang namin kung kaya namin bilhin, kung kaya then itetest...sobrang simple lang...

don't judge your customers by what they wear bro...I once went to AP MOA bringing cash enough to buy a prestige ibanez but I decided not to buy since one of the staff was so rude, the usual, "MAHAL YAN!" lang nakuha ko.....by the way i only wore a plain non printed shirt, shorts, and slippers....hindi porket simple lang manamit ang customer eh pwede niyo na iconclude na walang pera....that's the greatest misconception you can possibly make....

Offline Burning Hour

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #108 on: September 18, 2010, 01:32:02 PM »
Very well said... Amen.....

Share ko lang po mga kapatid... Marami na kakakilala sakin dito nag nagtatrabaho din sa music store... Well share ko lang yung naging expirience ko sa mga customers... i speak with the rest of sales person sa AP, Yupangco, Jb etc... Kung minsan nagkaroon din ako ng complain sa customer... well Mahirap iwasan yung complain sa customer, kahit pagbaliktarin ko man mundo nandyan na yan... On our experience mas marami kasing aroganteng customer kesa aroganteng staff... In short mas maraming buraot sa mga music store na customer... Yun nga lang hindi namin alam kung sino sino yun... 365 days a year yan kaharap namin... lalo na sa mga 2years or more na nagttrabaho sa mga music store everyday ibat ibang klase ng tao nakakaharap namin... to be honest may mga kilala din kaming super buraot na customer madami yan... But still we try to manage to be patient and polite... Sorry sa mga na-offened namin... we didnt mean to... Gusto namin kayo harapin lahat kausapin ng maayos serve namin kayo ng maayos dahil trabaho namin yan... Minsan Napapagod din kami or minsan nagiingat na din sa mga customers na mahilig magtest ng mamahaling gamit na hindi naman bibili in the end hanggang test lang, nalalaspag yung unit.. on our part its our job na ingatan din namin yung mga stocks, hindi kasi basta basta price ng mga instrument... Dahil madaming cases na nagasgas or damage ng mga customer yung mamahaling equipment... kapag nagkaroon ng blemish hindi naman customer ang mananagot, yung mga sales person... Mas maraming din cases nagtatanong ng pinakamahal pero wala naman palang budget for such item.. Kung magtanong halos bibilin yung buong tindahan... Mas madaming cases yan compare sa mga complain na natatanggap namin ngayon... we can say that dahil araw araw namin nakakasalamuha yung mga ganun klase ng tao.. but still we still approached them politely.. Sorry po sa mga nakatyempo ng bad day para sa mga staff ng music store... Nangyayari yan... Maiintindihan nyo din yan once na magtrabaho kayo sa music stores... we cant be perfect always... Alam nyo na yun kung bakit.... Hehehehehehe... Wala sana magagalit sa post ko... Once again sorry sa mga na-offend namin.... Enjoy and God Bless....

Just my 2 token...

e ikw b ung si jokar/carlo sa main brad!? kng kaw nga yon! ikaw ang pinaka hambog, mayabang, at inutil na salesperson sa main! kala mo kung sino ka makaasta pag may bibili sa inyo. anak ng tupa naman o! mukha ka namang tungaw.
kahit mga hambog na salesperson sa AP makati nagsasabi ikaw na pinaka mayabang at malala ang customer serbis! ganyan pala tingin mo s mga customer noh? kaya pla. no wonder.

kayo nga nanlalaspag ng gmit don e. yng mga drumset niyo papaluan mo tapos ipopost mo p bidyo mu! bilhin kaya k nmn sa susunod. mgkano k b?

Offline pualux

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #109 on: September 18, 2010, 01:40:29 PM »
On our experience mas marami kasing aroganteng customer kesa aroganteng staff... In short mas maraming buraot sa mga music store na customer... Yun nga lang hindi namin alam kung sino sino yun... 365 days a year yan kaharap namin...

alam mon ba't nagiging arogante yung mga customer? inuunahan nalang kayo, kasi siguro sa past, mas arogante pa kayong mga staff...



Offline Fret_warrior

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #110 on: September 18, 2010, 02:03:43 PM »
that's why you should put visible prices on your items para di na namin kailangan magtanong bro...
look at it this way, it would make your life a whole lot easier, di ka na namin kukulitin...titingnan lang namin yung price tapos assess nalang namin kung kaya namin bilhin, kung kaya then itetest...sobrang simple lang...

don't judge your customers by what they wear bro...I once went to AP MOA bringing cash enough to buy a prestige ibanez but I decided not to buy since one of the staff was so rude, the usual, "MAHAL YAN!" lang nakuha ko.....by the way i only wore a plain non printed shirt, shorts, and slippers....hindi porket simple lang manamit ang customer eh pwede niyo na iconclude na walang pera....that's the greatest misconception you can possibly make....

+1000 ako dito.!!!

once din akong naging sales person , minsan nakukulitan din ako sa mga costumer na tanong ng tanong kaya na iintindihan ko ang side mo, but its not a costumer fault, like we said "KUNG MAY TAG PRICE, WALA NANG TANUNGAN PA". at kahit ano pa ang isuot namin , kahit mukhang taong grasa pa kami, as long na hindi kami nagnanakaw,  its your job na i-assist nyo kami, trabaho nyo un at dun kayo binabayaran.

i know meron din namang matitinong sales clerk sa AP, but hindi natin maiiwasan na meron din mga "Arogante", sana pag nagkaroon kayo ng GENERAL MEETING sa opisina nyo. i-open nyo sana eto.

Col. 2:8 ;
"Take care that no one takes you away by force, through man’s wisdom and deceit, going after the beliefs of men and the theories of the world, and not after Christ"

Offline burnsbhm

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #111 on: September 18, 2010, 03:00:31 PM »
Awa naman ng Diyos I have no problems with after sales service sa AP. Although yun nga, kailangan talaga makulit ka and maghihintay ka. They can't possibly repair it over night. Siguro I always have a backup in case na may ipagawa ako.

But at any rate, here are things I think AP or any other music store should address:

1. Price Tag on ALL ITEMS - batas yan so dapat maglagay sila. I don't see any logic in not putting up price tags - snobbish thing lang ang dating sa akin nito. They should indicate the cash price and credit card price. At kung may installment mas ayos.
2. Transfer of products from other branches - some music stores don't do this. Let's say pag may gusto kang bilhin na gitara pero sa isang malayong branch lang available, dapat puwedeng i-transfer sa branch na malapit sa iyo. I am happy that Perfect Pitch was very accommodating on that one. I wanted a Mexican Standard Strat with sunburst and rosewood board. I was buying at Perfect Pitch in Park Square the Sunday after 9/11. I was told nasa stock room daw sa Pasong Tamo. They just told me to wait for 2 hours para kunin nila. No problem, I got what I needed. Again some stores don't do this.
3. Knowledge of items - some store clerks don't know a Strat from a Tele!
4. Pa snob effect - during the 90s, may music store na ganito. Pag engglisero ka the clerks are after your heels. I remember a guitar player na mukhang espanol during 90s was being shadowed by the clerks of the store. Parang siya lang ang customer. I was to buy a set of strings walang pumapansin sa akin. Wala naman binili yung engglisero.

Ito lang naman ang mga problema ko sa music stores that I hope ma address agad.
RJ LP Std.,Jackson DK2,Burns Brian May,Fender MIM Strat,Valencia EClassical,Nady UHF4,EHX Screaming Bird,Vox V847,Vox V830,Vox Tonelab SE,Vox Pathfinder 15R/Visual Sound J&H,Ibanez TS9 OD,MXR Analog Chorus, Boss BF2,Boss DD2,Line 6 Echo Park

Offline r_chino18

  • Patambay tambay na
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #112 on: September 18, 2010, 03:59:45 PM »
^^^

yung #2, Audiophile does that really well based from my several experiences..

yung #1, yung mga gitarang nakasabit nila ang walang price tag (Audiophile).. pero yung mga nasa shelf, usually meron naman.. pero i think kahit naman sa Lazer, hindi lahat ng gitara ay may price tag na nakasabit.. nonetheless, sana 99.9% ng items, if not 100%, ay may price tag..

#3 and #4 requires training, imo.. or kahit mga seminar man lang sa sales personnel, if they don't have..


Offline arkeetar

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #113 on: September 18, 2010, 04:16:43 PM »
dito na lang ako sa classifieds kukuha... kung sa music store man,
TMS at JB music Trinoma
kung bibili man, minor item or kung major man, napakadalang  :lol:

TMS rules!!!!  :-D

Audiophile? ambot  :-D

Offline barabbas

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #114 on: September 18, 2010, 05:13:49 PM »
e ikw b ung si jokar/carlo sa main brad!? kng kaw nga yon! ikaw ang pinaka hambog, mayabang, at inutil na salesperson sa main! kala mo kung sino ka makaasta pag may bibili sa inyo. anak ng tupa naman o! mukha ka namang tungaw.
kahit mga hambog na salesperson sa AP makati nagsasabi ikaw na pinaka mayabang at malala ang customer serbis! ganyan pala tingin mo s mga customer noh? kaya pla. no wonder.

kayo nga nanlalaspag ng gmit don e. yng mga drumset niyo papaluan mo tapos ipopost mo p bidyo mu! bilhin kaya k nmn sa susunod. mgkano k b?

Sir Burning hour mukhang matindi galit mo sakin... Kilala mo pa ako sa real name ko.... Hmmmmmm? Kung may personal ka problema sakin or na-offend kita sa main office namin nung nagpunta ka dun.. Pwede ka naman po bumalik sa main office at sabihin mo yan sa mukha ko or sa harap ng boss ko makikinig ako... Hindi ako nagpost dito para makipagaway sa nyo... Humihingi ako ng pasensya post ko... Dahil kami din may mga bad experiences din kami sa mga customer..  But we still manage to be polite... Dahil hindi naman po kami makakapagreklamo tulad nyo..  

Ano po ba tingin namin sa customer? sinabi ko po ba na LAHAT ng customer ay arogante? Its like saying 2 out 0f 10 customer buraot everyday... Kaya i said araw araw... i never said po na LAHAT ng customer... Saka wala pa ako nilait na customer tulad ng ginagawa mo ngayon Sir Burning Hour... kung may problema ka sakin pwede po natin yan pagusapan ng maayos... kung ok lang syo.. Sorry Sir kung ano man ang nasabi ko noon syo or ngayon pasensya na...

Regarding sa Drum set na pinapalo ko na naipost ko sa Facebook account ko at mukhang friend din kita dun... FYI hindi po yun for sale item...  :-) Dati po kasing Studio unit yun, so pwede po namin yun paluin anytime... Kahit ivideo ko pa sarili ko ng paulit ulit ok lang dahil hindi po yun pambenta...  :wink:
Kung meron man kami pinapalo na drumset we make sure na demo unit yun... Sarap naman po kung papaluin ko yung 350k na drumset di po ba? or gamitin ko yung 317k na guitar? Kung pwede lang ginawa na namin... Kaso bawal po yun eh....

I tried my best to approach you guys in a nice way.. Im just sharing may experiences sa mga customers.... I dont mean to offend you guys...

Sir Pualux i hear you.... But i was not refering kung ano suot mo... Im saying this in General... Minsan kung sino pa ang todo manamit, mukhang mayaman sya pa yung mismong buraot... Sila pa yung mismo umasta na parang bibilin lahat ng laman ng store... Yun pala pick lang bibilhin... May na-encounter din ako na naka slippers lang at sando at shorts... na bumibili naman ng expensive whole set pa.... after that wala naman ako narinig na complain from them.. Naging tropa ko pa... Ibat iba ng cases ang kinakaharap namin everyday mga sirs... Uulitin ko po gusto namin kayo harapin ng maayos kung ano man ang question nyo, just ask us in a nice way at kakausapin din po namin kayo ng maayos... Pasensya na po sa mga short comings minsan ng mga sales persons namin... ipakita nyo rin po sana na serious po tayong lahat dahil lahat kami sa store eh serious kausap pagdating sa transactions... at 100% aasikasuhin namin kayo ng maayos... Ganun lang naman po kasimple... At wala pa ako nakita na sales person na nilait mismo ang customer dahil sa suot nya... Minsan nagiging over sensitive lang yung iba at nagaabang lang ng pintasan sila then magpost sila dito ng complain.. May iba naman sinasadya yung ganun attire... Kasi Kami po sa store hindi po kami humaharap sa mga customer na para kaming busabos... nakatsinelas, nakasando, nakahubad etc.. Professional po ang appearance namin we act as one, once you talk to us in a nice way or in a professional way... Magkakaroon po ng magandang friendship, Simple lang naman din naman yun... Dahil sa mga staffs ng music store ay hindi naman yan always nakakasagot ng tama all the time, napapagod din po kami at my mga moods din tulad nyo... Hindi naman po kami robot na everytime na kakausapin nyo eh makakasagot kami ng maayos... sorry po ulit dito... Tao lang po kami...

About naman po sa price tag... Kami mismo gusto namin lagyan ng price tag yung mga items, Pero hindi ganun kadali sa pagkakaakala nyo... Gustuhin man namin memorize yung mga prices mahirap din... Dahil ang prices namin pabago bago every 2 or 3 months... Kaya po may tinatawag po tayo na prices are subject to change without prior notice... Gustuhin man namin lagyan ng price tag ang mga products namin pero sa dami ng Products ng music store impossible magawa namin lahat yun... At kung magawa man namin then next month iba na naman po yung price... Gagawa na naman po ulit ng tag... matrabaho po masyado... For us mas maganda yung walang price tag... Dahil mas magandang way yun to have a proper communication or magandang conversation sa mga customers na willing bumili... tutulungan po namin kayo wag po kayo magalala sa abot ng makakaya namin... Hindi naman po namin ginawa na nagtanong ang customer at pinalabas namin yung customer dahil tingin lang namin wala silang pera... wala naman po kami ginawang ganun... Hindi po kami ganun... At kung naglagay kami ng price tag lalo lang po magiging tamad ang staffs.. Pasensya na po talaga mga sir... Humihingi po kami mga sales person ng pasensya at pagunawa sa nyo... In behalf of AP, PP, yupangco, Yamaha, JB, TMS, Lyric, SE, ITP... Sorry po mga sirs...

Kung may mga complains pa po kayo feel free to visit us at out stores... Kakausapin namin kayo... Once again sorry po...
« Last Edit: September 18, 2010, 05:24:17 PM by barabbas »

Offline fraudulentzodiac

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #115 on: September 18, 2010, 06:41:51 PM »
well I haven't had any bad experience with any AP stores, yung sa Festival Mall (where I bought an Ibanez Artcore, a Seymour Duncan Alnico 2 Pro and DiMarzio 36th anniversary PAF) at sa Ali Mall (where I bought a Vox Night Train Head) mabagal lang and response ng staff ( I had to stand around and look for someone to talk to for around 10 minutes) but other than that ok naman during testing the items and sales.

Pero hands down to JP Valdez, I don't know which branch he is in now, last was SM North and the old Sunset Blvd branch. This guy really knows how to treat and talk to customers, just like Sir Lowee of Yupangco and of course Dax and that slim guy at Music Source.  :-)

Offline orangeogre

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #116 on: September 18, 2010, 07:18:51 PM »
I went to 3 music stores today, sinamahan ko yung barkada ko na maghanap ng drumset. JB music Parksquare, Yupangco Buendia & last sa Audiophile Pioneer.

Among the 3, the sales person in Yamaha is the most knowledgeable. Feeling ko dahil drummer din sya. Parang nag drum kit 101 kami nung kausap namin sya. (please note guitarista ako and yung barkada ko nag sisimula pa lang magdrums)

The sales person in Parksquare, is also knowledgeable pero not as good as in Yamaha. Pero masipag and mabait and pasensyo so. Pati, yung store manager ang bati and sobrang ganda ng price na binigay sa amin para dun sa kit.

I think being a small shop and konti lang silang employee advantage sya dahil kausap KAGAD namin yung 2 most important persons sa store, kaya nabigyan kami ng magandang price.

And Finally sa AudioPhile pioneer, walang umasikaso sa amin. ang laki nung store nila sa pioneer wala kaming makausap na staff para magtanong tungkol dun sa drums. As in.

ang pinagtanungan namin eh yung security(?)(naka barong kasi sya ang sya yung nag checheck ng binili mo bago ka lumabas) nila, na surprisingly may alam ng konti dun sa binebenta nila.

Today JBmusic & Yupangco's service is very commendable. Most especially JBmusic.

Offline Rmansh

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #117 on: September 18, 2010, 07:37:33 PM »
To ALL Stores,

well, if you guys are having a hard time updating your inventory you need to hire more people. You can visit stores in HK, US, Ch and other countries, all of them have price tags. sa Pinas lang ba wala??? Pag nakita ng customer na mahal yun item malamang hindi na nya hawakan yun sa takot na magasgasan at pagbayarin sya ng store, and that saves you time.

I went to PP sm city, walang price tag, the guy told me  fender tele was 55k, after 2 days bumalik ako 57k na sya. hindi ba nakakaasar yun?  Excited ka na bumili tapos bigla mo malalaman kulang ka pa pala? galing ka pa sa malayong lugar.

And please pano malalaspag ang mga display items nyo kung puro kalawang naman ang stings at alikabok yan. matetano pa yun magtest nyan :-D

looking for badass guitars and amps.....

Offline galingnamanon

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #118 on: September 18, 2010, 07:56:11 PM »
..i dunno..just a silly suggestion..may or may not help..haha..anyway..baka pede naman magprintout/xerox price lists and edit and update accordingly..post them sa wall or window or something..eh di mga codes lang na hindi naman nagiiba ang ilalagay sa instrumento..di na papalit palit ryt..hehe..eh di titingnan nlng ng customer yon di ba..tapos pag me natipuhan..magtatanong yon..

..kasi kung ganon deskarte ng shop na wala price tags (kala ko nga me law?nway am not a lawyer..hehe..though other stores have price tags)..anyway kung wala price tags then expect na practically everybody is gonna ask you how much those things cost..and i mean everybody..hehe..and it's your job to answer courteously (di acceptable ang "mahal yan" na response without at least giving a ballpark figure eh..hehe..pangit talga dating)..professionalism..

..seems odd na ganon choice ng management..unless they find being rude to a few customers acceptable?hmmm..then whatever bad publicity you get or whatever sales you lose..baka deserved yon di ba? nasa management lang yan..maybe ibahin ang deskarte..ewan..professionalism lang..nasa customer service kayo so you should be prepared for annoying customers..and you can't expect customers to be prepared for annoying salespersons di ba..haha..we don't go to a store expecting bad service noh..it's the opposite..people avoid stores with bad service..kayo ang magiging kawawa pag nasiraan..unless you really don't need the sales di ba..

..parang nakakalimutan na kahit me customer na magtatanong ng magtatanong at hindi bumili at that time..di ibig sabihin na di sya potential buyer..eventually bibili yan..malamang nagdedecide pa yan kung ano bibilhin..GAS yan eh..nagawa ko to..i even buy picks or stuff that i don't really need dahil nahihiya ako or naapreciate ko yung service provided..and i don't think i'm the only one like this..sad though that it comes off as annoying sa salespeople..eh kung wala nalang ako binili di ba?

nway..am sure somehow we can all get along..

bato at gulong lang mga kapatid!
« Last Edit: September 18, 2010, 08:05:00 PM by galingnamanon »
"..you know..it's a very strong day today.." - SRV

william251082

  • Guest
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #119 on: September 18, 2010, 09:13:35 PM »
To ALL Stores,

well, if you guys are having a hard time updating your inventory you need to hire more people. You can visit stores in HK, US, Ch and other countries, all of them have price tags. sa Pinas lang ba wala??? Pag nakita ng customer na mahal yun item malamang hindi na nya hawakan yun sa takot na magasgasan at pagbayarin sya ng store, and that saves you time.

I went to PP sm city, walang price tag, the guy told me  fender tele was 55k, after 2 days bumalik ako 57k na sya. hindi ba nakakaasar yun?  Excited ka na bumili tapos bigla mo malalaman kulang ka pa pala? galing ka pa sa malayong lugar.

And please pano malalaspag ang mga display items nyo kung puro kalawang naman ang stings at alikabok yan. matetano pa yun magtest nyan :-D

+1 hindi na me-maintain ng maayos ang mga tinda sa music store sa pilipinas!!! Paano ba namang bibilhin yan!

Offline siore

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #120 on: September 18, 2010, 09:35:32 PM »
Very well said... Amen.....

Share ko lang po mga kapatid... Marami na kakakilala sakin dito nag nagtatrabaho din sa music store... Well share ko lang yung naging expirience ko sa mga customers... i speak with the rest of sales person sa AP, Yupangco, Jb etc... Kung minsan nagkaroon din ako ng complain sa customer... well Mahirap iwasan yung complain sa customer, kahit pagbaliktarin ko man mundo nandyan na yan... On our experience mas marami kasing aroganteng customer kesa aroganteng staff... In short mas maraming buraot sa mga music store na customer... Yun nga lang hindi namin alam kung sino sino yun... 365 days a year yan kaharap namin... lalo na sa mga 2years or more na nagttrabaho sa mga music store everyday ibat ibang klase ng tao nakakaharap namin... to be honest may mga kilala din kaming super buraot na customer madami yan... But still we try to manage to be patient and polite... Sorry sa mga na-offened namin... we didnt mean to... Gusto namin kayo harapin lahat kausapin ng maayos serve namin kayo ng maayos dahil trabaho namin yan... Minsan Napapagod din kami or minsan nagiingat na din sa mga customers na mahilig magtest ng mamahaling gamit na hindi naman bibili in the end hanggang test lang, nalalaspag yung unit.. on our part its our job na ingatan din namin yung mga stocks, hindi kasi basta basta price ng mga instrument... Dahil madaming cases na nagasgas or damage ng mga customer yung mamahaling equipment... kapag nagkaroon ng blemish hindi naman customer ang mananagot, yung mga sales person... Mas maraming din cases nagtatanong ng pinakamahal pero wala naman palang budget for such item.. Kung magtanong halos bibilin yung buong tindahan... Mas madaming cases yan compare sa mga complain na natatanggap namin ngayon... we can say that dahil araw araw namin nakakasalamuha yung mga ganun klase ng tao.. but still we still approached them politely.. Sorry po sa mga nakatyempo ng bad day para sa mga staff ng music store... Nangyayari yan... Maiintindihan nyo din yan once na magtrabaho kayo sa music stores... we cant be perfect always... Alam nyo na yun kung bakit.... Hehehehehehe... Wala sana magagalit sa post ko... Once again sorry sa mga na-offend namin.... Enjoy and God Bless....

Just my 2 token...

Well, I for one will not buy an instrument without testing it, especially beyond a certain price tag.  This reasoning you posted is ridiculous IMO.  If ayaw nyo malaspag, don't put it on display.  But if it's there, it's meant to be tested.  Also, maaari ngang hindi bibilhin, but a lot of times babalikan ko yung item pag may pera na, so don't get all ass-hurt na magtetest yung customer without buying in the end.  That's just part of the buying process.  Let him take his time, it's his loss din naman kung maunahan sya.  Ang hirap kasi sa inyo, kung madaliin mo yung customer akala mo you're helping him make the buying decision.  If anything, mas pipikunin ka pa nun by taking his time even more, and whistle joyful songs as he walks out on you. Wouldn't it be better if you make the experience personal for him, so that he'll remember the item, and the staff that accomodated him?  For sure, hindi man bilhin today yan, maalala nya pag may pera na sya sa wallet.

Sus, para mong sinabing kasalanan ng mga buyer kaya arogante yung ibang salespeople.  IMO mali yung expectation nila na walang magtetest ng item.  Ba't di nyo na lang itabi muna sa storage yung items na inaalagaan nyo, ilabas na lang from time to time?  Tell the tester/potential buyer to ASK for it next time (when he decides to buy), and inform him na hindi lagi nakadisplay.
soundclick.com/siore
youtube.com/user/siore

Offline gutz_3110

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #121 on: September 18, 2010, 09:55:26 PM »
not sure if counted yun experience ko with AP. well, fault ko din, i did not raise any complaint cause i was not sure if the repairman (cant call him luthier dahil sa nangnyari) is with AP or working on his own, parang sideline.  way back in 1998 nung nasa san marcelino pa sila, i had my trem replaced. when i came back nakita ko yun likod nung gitara may masilya na. i asked ano nangyari, sabi nung gumawa, i think mang bert yun name. at the time looks like he was in his 50's chubby, malaki tyan with greyish curly hair. sabi nya hindi nya na-tantsa yun lalim kaya nagkamali ng pagbutas.  yun crack sa cavity kung nasaan yun springs, nabutas and around 3 inches yung crack kaya tinakpan ng masilya. i was so disappointed. but the blame was on me. oh, well...s...t happens! hehe

Offline barabbas

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #122 on: September 18, 2010, 10:25:26 PM »
Well, I for one will not buy an instrument without testing it, especially beyond a certain price tag.  This reasoning you posted is ridiculous IMO.  If ayaw nyo malaspag, don't put it on display.  But if it's there, it's meant to be tested.  Also, maaari ngang hindi bibilhin, but a lot of times babalikan ko yung item pag may pera na, so don't get all ass-hurt na magtetest yung customer without buying in the end.  That's just part of the buying process.  Let him take his time, it's his loss din naman kung maunahan sya.  Ang hirap kasi sa inyo, kung madaliin mo yung customer akala mo you're helping him make the buying decision.  If anything, mas pipikunin ka pa nun by taking his time even more, and whistle joyful songs as he walks out on you. Wouldn't it be better if you make the experience personal for him, so that he'll remember the item, and the staff that accomodated him?  For sure, hindi man bilhin today yan, maalala nya pag may pera na sya sa wallet.

Sus, para mong sinabing kasalanan ng mga buyer kaya arogante yung ibang salespeople.  IMO mali yung expectation nila na walang magtetest ng item.  Ba't di nyo na lang itabi muna sa storage yung items na inaalagaan nyo, ilabas na lang from time to time?  Tell the tester/potential buyer to ASK for it next time (when he decides to buy), and inform him na hindi lagi nakadisplay.

I never said na bawal po itest sir... I said na iniingatan namin yung stocks... Pinapatest din naman po namin lahat ng items, bakit naman po babawalan yung customer na gusto magtest? yan nga po yung trabaho namin..... Sino po dito ang binawalan magtest ng gamit ng store? For sure lahat naman po kayo nakapagtest... Like ive said nagiingat lang din po kami, kasi nga po may mga customer kami kilala na buraot lang talaga...

Its like this share ko lang po ulit... I will not mention a name... before my customer ako dati nung nasa Pitch po ako... Take note kilalang guitarista ito, kilalang kilala band nito... nung una nakilala ko sya sa store namin, proud ako assist sya dahil kilala po sya... sikat sa mga guitarista.... Todo asikaso po ako kami ng mga kasamahan ko... Panay test nya lahat ng Fender US Strat.... Almost everyweek binabalikan nya po yung mga guitars... just to test, then sabi nya balak nya bumili.... But unfortunately hanggang sa umabot na ako ng 5years hanggang sa nagresign na po ako... Hindi po sya bumili.. Infact bumili sya second hand... well hindi ko sya masisisi dahil makakamura po sya 2nd hand kasi eh... Hindi kami nagkulang sa kanya... Ang masakit nito yung second hand na binili nya dun pa sa store namin sila nagusap? Hows that mga sir? Hindi lang kami kumikibo dahil nga sikat na guitarista sya.... Hirap explain sa nyo mga sir kung bakit ganun na lang kami kaingat... Paulit ulit namin po sasabihin sa nyo na ibat ibang cases po...

Kasi po once na magkaroon ng magandang communication ang sales person at ang customer... Sincerity po... wala po magiging problema...  Never namin sinabi na " Sir bawal po itest yan, Kasi hindi ka naman bibili" HIndi po namin yan ginagawa...

Meron din Customer na bibili nga test nya for a couple weeks or months yung item, nakapagdecides sya na bibilin nya na yung unit, pero magrerequest naman sya ng sealed unit? Papano nyo irereason out yan? Well kami wala kaming choice kung hindi sundin lang sya? bibili naman eh... Kaso how about the display na ginamit nya for testing? Isa po yan sa mga cases... Pero ok lang naman samin yun... madami rin po ganyan...

Meron din case na pupunta itetest then ipapareserve ng customer, ipapatago ng customer then babalikan nya for the final decision kung bibilin nya o hindi? 50/50 parin... Anytime punta kayo store sabihin nyo gusto nyo itest ito sa sales person namin... Pagbibigyan po kayo... Minsan naman may mga customer kami na panay ang test everyweek, nagpupunta dun then makikipagusap lang sa sales person hanggang sa magiging kaibigan na lang namin... may mga ganyan din... Flexible naman po kami... Miscommunication lang po palagi... Wag po sana tayo mainit ang ulo palagi.... yun lang naman po... relax lang po tayong lahat... Hindi po ako sumasagot dito para lang po makipagaway sa nyo.... Useless lang po... dahil never ending po itong topic... mawala man kami sa work namin in a future still magkakaroon parin ng ganitong mga issue sa mga susunod... Sad but True...  
« Last Edit: September 18, 2010, 10:27:57 PM by barabbas »

Offline arkeetar

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #123 on: September 18, 2010, 10:33:51 PM »
^^^^ kulang na kulang sa reasoning... (kahit mahaba yung sinabi)  :lol:
ano masasabi mo dun sa sitwasyon na nag inquire ng price?
pero ang sinagot, "mahal yan".
« Last Edit: September 18, 2010, 10:36:02 PM by arkeetar »

Offline barabbas

  • Veteran Member
  • ****
Re: Audiophile: feedbacks
« Reply #124 on: September 18, 2010, 10:42:25 PM »
^^^^ kulang na kulang sa reasoning... (kahit mahaba yung sinabi)  :lol:
ano masasabi mo dun sa sitwasyon na nag inquire ng price?
pero ang sinagot, "mahal yan".


I dont know what to answer syo sir... Kasi hindi ko naman alam yung way ng conversation nyo eh... Hindi ko naman hawak isip ng sales person namin kung bakit nya sinabi yun ng ganun lang... There's always a reason to it... Kung hindi nyo nagustuhan yung approach pwede nyo kami sabihin straight out... HIndi naman siguro makikipga away yung staff... Pwede nyo kausapin yung store manager.. Simple lang... Kung feel nyo arogante yung staff hanapin nyo kagad yung manager... Simple lang... itawag nyo kagad kunin nyo yung name ng staff report nyo kung feel nyo na nabastus kayo... management na po bahala magtake action sa staff... simple lang po... HIndi natin need palalain yung issue sa ganitong bagay... Pwede po yan pagusapan ng maayos... lahat ng bagay nakukuha sa magandang usapan...