Bro, so ano ginawa mo para mamix mo yung patches mo ng tama pag kasama yung band? naglagay ka ng mid focus EQ? or inangat mo lang mismo yung amp mids?
Or nag mix ka talaga kasama nung band habang nakasaksak sa PA? Thanks bro
So ganito ang ginawa ko, (Brit p75 amp)
- since ang live mix sa big church ay medyo may cut sa highs, binawasan ko treble sa amp, as in 10%, pwede nga 0% eh., kaso ginawa ko na lang 10 kasi may gusto akong tunog sa fender strat ko (american, Texas special pups) kapag position 2 at 4. Bass ay conservative lang 40%, mid ay mga 55%. Hindi ko tinodo ang mids sa amp kasi misdy ang fender Texas specials. Kapag tinodo ko, ang sounds weird sa pandinig ko. Pumili din ako ng mic at Cab combination na hindi bright (Greenbacks at 421)
---- trust your ears, at hindi ang mga setup na nakasanayan. Sanay ako dati na mids nakatodo sa lahat ng amps na nagamit ko, pero it's a different rule kapag sa modelers. At take note na hindi lahat ng amo models ay same ang behavior kapag ginagalaw yung amp eq. May mga iba nga parang walang nangyayari kapag tinataasan o binababaan eh. Again it also depends on your guitar
- ginawa kong 10% ang bias at 0% ang bias excursion kasi hindi tunog Marshall kapag mataas yung bias. (trust your ears sa mga adjustments sa DEPs)
- nilagyan ko ng midfocus eh after the amp na pa low pass at high pass ang setting, dahil masyadong rolled off yung bass dun sa band mix (medyo weird yung setup ng subwoofer namin) Hp at 30%, hpq 50, lp at 73%, lpq 65. Tinaasan ko yung q sa lp para may peak sa point of cutoff ng high frequency, para ma recognize pa rin sa whole mix yung highs nung strat ko. Never ko nga pala ginamit ang modfocus eq to boost mids dahil icucut nun ang bass at treble mo COMPLETELY. Use parametric eq instead.
- nasa 45 % lang ang Channel Volume ng amp, at ang ginamit ko na pang level ng patch volume ay ang gain param ng modfocus eq
- nilagyan ko room reverb kasi room reverb yung in apply na effect dun sa mixer nung sound guy namin (midas pro1 digital mixer gamit)
Yun. Sa settings ko na yan at sa guitar na gamit ko, tunog miced amp na kapag pinapakinggan ko sa guitar monitor at sa band mix