it only takes the will to quit.. ako I quit 3x already and the last one will be the last na talaga since I told myself to really quit it when I turn 30 years old..
its seems like im doing a good job naman.. so far
quit na kayo! mas mahal magpagamot in the long run.. you will be a burden of your family pag nagkasakit ka at naging inutil dahil sa lung cancer or emphysema..
goodluck!
its true!!
ako ang isa sa mga buhay na saksi kung paano,
unti - unting pahinain ang katawan ng father ko at hanggang sa tuluyan na ngang bawian ng buhay last aug 2007.
eto mga nasaksihan ko:
1. dura ng dura, hindi maubos ang plema.
2. pabalik-balik na sinat, minsan gumagaling after a month or a week babalik na naman. akala namin normal lang na sakit, yun pala sign na pala ng cancer.
3. dinala namin sa hospital, first week sa hospital medyo malakas pa after a month humina na, inaakay na namin pag tatayo at mag c-cr, nakakalakad pa naman pero kailangan may akay.
4. after a month again, kinumbulsyon (nangisay nalang bigla), dinala sa E.R., week din syang na confine sa E.R,.
5. pag labas sa E.R. hinang - hina na, hindi na makatayo, hirap nang huminga, tanging "tubo" at oxygen nalang ang tanging naka suporta sa kanya.
6. tanging gatas nalang ang pwedeng kainin, pinapadaan sa maliit na tubo na naka kunekta sa ilong papuntang bituka.
7. 3 weeks lang pag labas sa ER, kinubulsyon ulit, and then binawian na ng buhay.
Lahat ng mga nagastos namin ay umabot ng 400k pataas, sa oxygen palang 800php ang refill kada 3 to 4hrs at may bayad din ang arkila ng machine per day. almost 3 weeks kami gumamit ng oxygen.
hospital expenses lang ang 400k , pwera pa ang burial na umabot ng 40k. kung may kakilala kayong mayor na mag sponsor makakatipid kayo.
Kaya payo ko sa inyo, hanggat maaga pa itigil nyo na ang paninigarilyo. magastos at mahirap magkasakit, tulong nyo nalang sa mga sarili nyo. Ang pangit sa tao ang may "tambutso" sa bunganga, pangit na tingnan ang BAHO pa ng hininga nyo!