Naisip ko lang...
...ibenta ko kaya TC Flashback ko para makabili ng Zoom MS70CDR? Worth it kaya?
Btw, eto ang mga balak kong gamit kay 70CDR:
- pang ambient kapag nakacleans
- pang boost and delay texture kapag nagsosolo
- at kung ano anong pang kalandian sa effects
Worth it kaya ang pagbitaw sa TC FB?
flashback na malaki ba sir? kung oo, steady na pero pa-add ka onting cash kahit 500 kasi 4,500 lang ang resale ng mint na MS70 CDR. 5,500 ang Flashback na no box. 6,500 ang mint.
regarding sound, kung pangpakapal lang ng solos at hindi ka naman mahilig sa mga rhythmic patterns sa delay, swabe si MS70. the partcile reverbh and shimmer functions are nice.
sound quality is there, pero syempre, still not at par with TC. mejo nababawasan lang highs ng onti, habol nalang through amp eq to make it sound organic.
all in all, go for it! pero masaya parin na may separate delay pedal.