I'm really interested with the ingredients. Pa share naman and kung san available ang ingredients. i found this on line, not familiar with the chemicals except for Hydrogen peroxide plus i dont think i can use our blender for this. TIA
Hydrogen Peroxide 12% 250 ML
Xanthum Gum powder 1 tbl
Vegtable Glycerine 1/2 Teaspoon
Oxi Clean 18/ teaspoon
simple lang yung sakin.
corn starch
20 volume hydrogen peroxide (agua oxigenada) - sa mercury drug meron nito
saka isang kurot (yup! isang kurot!) na kahit anong detergent
wala akong beaker o panukat kaya tanchahan lang.
-isang baso gamitin mo, lagyan mo yung kalahati ng baso ng hydrogen peroxide.
tapos isa't kalahating kutsara ng cornstarch. mix mix mix.
wala akong microwave oven kaya sa kawali ko ininit.
-ibuhos mo yung solution sa kawali at haluin mo. wag masyadong malakas ang apoy. kapag mukhang paste na sya, ihango mo na agad.
ngayon, medyo palamigin mo lang ng konti, lagyan mo ng isang kurot (o pinch
![lol :lol:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha (2).png)
) na detergent powder.
isang kurot lang, kasi pag madami nalagay mo masyadong bubula, kailangan medyo malapot o sticky yung solution para kumapit ng maiigi sa sapatos. pagkalagay mo ng detergent halo halo ulit. tapos apply mo na sa midsoles.
-ingatan mong wag malagyan kung resin yung material ng ibang parts ng sapatos mo, titigas yan o worse, mamumuti o kukupas.
-eto ang pinaka importante. ibilad mo sa araw for 1 - 2 hours. parang nagluluto ka ng tilapia, dapat lahat ng sides luto
![lol :lol:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha (2).png)
siguraduhin mo na lahat ng sides matatamaan ng araw.
-banlawan ng maigi. ,medyo mahirap matanggal yan pag tuyong tuyo na
-at pang huli, piktyur piktyur at post sa fb!
![lol :lol:](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/haha (2).png)