hulika

Author Topic: Nag quit ako sa banda :(  (Read 4849 times)

Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Nag quit ako sa banda :(
« on: August 11, 2011, 12:33:09 PM »
Naka encounter na ba kayo ng mga bandmates na laging pinapaki-alaman ang pag drums mo?

Ganito po kasi yun...

Every saturday nagpapractice kami. 3-5 songs lang naman every practice.
Syempre before ako pumunta ng practice, I make sure na pinagaralan ko na sa bahay yung mga songs.
Alam ko sa sarili ko yung part ko kasi maigi ko talagang pinagaaralan yung mga songs.

Then kapag hands on na kami sa banda, lagi nila akong pinupuna lalo na sa mga pasok ko.
There was a time na nagdala talaga ako ng mp3 at pinarinig ko sa kanila na tama ang pasok ko at sila ang mali. Madalas ganito ang nangyayari at kung tutuusin sila pa nga yung hindi nag aral ng pyesa nila.
Masyadong unfair naman sa akin un.

Alam ko hindi ako perfect, pag sinabi nilang mali ako at pinakinggan ko ang mp3 at mali nga, maluwag kong tinatanggap yun. Pero yung sabihin na mali ako pero tama naman ako sa mp3, parang yun ang mali.

Kapag sila naman ang mali wala silang naririnig sa akin. Hays! :(

Ayun, nag quit na lang ako.  :cry:


Offline sandythedrummer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #1 on: August 11, 2011, 01:46:52 PM »
Nakow kung magta trabaho ka bilang sessionista normal lang ito. Kung mapride ka talo ka. Kung teachable ka dadami trabaho mo.

Congrats unang pag subok bagsak ka... Hehehe
Bawi ka next time kapatid!


Kiddin' aside ako pag nasa ganitong sitwasyon. Kahit alam ko sa puso ko tama tama pag kasulat/sifra ko sa kanta. pag sinabi ng Music Director(In your case kabanda mo) susunod ako. It takes alot of humility para magawa mo yun. Then the next rehearsal eto sasabihin ni Direk.

"Brad tama pala pag kasulat mo, nalito lang singuro ako. Sige ok na yung unang ginawa mo"


Ewan brad pero pag ibang tao sisita sa palo mo nasasaktan ka. Lahat brad nararamdaman yun pero kung anu magiging reaction mo that will matter.
Madami pa yan. Maging handa ka lang.

Bless you my brother.
"I BELIEVE IN CHRIST LIKE I BELIEVE IN THE SUN. NOT BECAUSE I CAN SEE IT, BUT BY IT, I CAN SEE EVERYONE ELSE....."

Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #2 on: August 11, 2011, 02:25:29 PM »
Nasanay lang siguro ako sa mga bandmates ko dati na enjoy lang ang jamming.
Nangyari lang kasi na yung dalawa sa kanila nasa Dubai na. Kaya ayun vocalist at ako naiwan.
Kaya sinubukan kong sumali sa iba, ayun mukang di talaga ako para sa kanila.

 :cry: :cry: :cry:

Offline byako21

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #3 on: August 11, 2011, 05:01:52 PM »
Nakow kung magta trabaho ka bilang sessionista normal lang ito. Kung mapride ka talo ka. Kung teachable ka dadami trabaho mo.

very well said sir sandythedrummer!!!  :mrgreen:

it's how you take it talaga... kung simpleng misunderstanding lang sa sequence or kung ano man sa kantang pina praktis nyo pede namang pag usapan at aregluhin to comply with everybodies taste di ba. sa banda naman nde hanapan ng mali eh. tigilan yung turuan.. "mali pasok mo dito, nahuli ka sa part mo, tama ako mali lang pasok nyo" mga ganun. dapat you grow together musically as a band.

Offline NATSBRATS

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #4 on: August 12, 2011, 01:37:12 AM »
Hmmm... In my opinion tama yung ginawa nya. Based upon what he posted sa thread. Iba na yung lagi kang pinupuna ka lagi tapos pag sila ang mali wala lang. Just find a band that will appreciate your effort, dedication, and talent. Meron jan. Wag mong dibdi-bin. Saka wag kang madepress masyado. Parte ng buhay banda/musikero yan. Magparaktis ka nang mabuti kasi pag nagimprove ka sila mismo ang kukuha sayo. Good luck dude!  :-)


Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #5 on: August 12, 2011, 02:14:27 PM »
Nakow kung magta trabaho ka bilang sessionista normal lang ito. Kung mapride ka talo ka. Kung teachable ka dadami trabaho mo.

You are right sir. Kailangan Teachable talaga sir. And hindi problem sa akin yun.
But what would you do if they were teaching you the wrong way of playing it? Tapos hindi nila tanggap na mali sila kahit pinarinig ko na mp3.

We can't correct a mistake by making another mistake.

Dyan pumapasok yung pride ko. Ako rin naman ang mapapahiya nun at magkakamali sa harap ng audience.
Maluwag kong tinatanggap kung may mali ako, and again hindi problem sa akin yun.
Pero ang itama nila ako ng isang mali yun ang di ko matatanggap.


Offline mybabyowen

  • Veteran Member
  • ****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #6 on: August 12, 2011, 02:39:31 PM »
tama ginawa mo bro na nag quit kana, nakahanap ba kaagad ng drummer yung inalisan mo?

Offline glennaui

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #7 on: August 12, 2011, 03:18:22 PM »
tama lang yan... magfree lance ka muna.. then maki Jam sa ibang musikero...

Kung yung mga nakakajam mo comfortable ka, bakit di mo sila tanungin kung pwede ka kunin... :-D

Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #8 on: August 12, 2011, 04:45:09 PM »
tama ginawa mo bro na nag quit kana, nakahanap ba kaagad ng drummer yung inalisan mo?

Wala pa akong balita bro kung may new drummer na sila. 1 week palang akong wala sa banda nila eh.

tama lang yan... magfree lance ka muna.. then maki Jam sa ibang musikero...

Kung yung mga nakakajam mo comfortable ka, bakit di mo sila tanungin kung pwede ka kunin... :-D

Nasa dubai na kasi yung dalawang kabanda ko. Pursue nila yung dream na maging engineer kasi. Kami lang ng vocalist naiwan.

Offline NATSBRATS

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #9 on: August 12, 2011, 06:08:25 PM »
Wala pa akong balita bro kung may new drummer na sila. 1 week palang akong wala sa banda nila eh.

Nasa dubai na kasi yung dalawang kabanda ko. Pursue nila yung dream na maging engineer kasi. Kami lang ng vocalist naiwan.


Socialize. Go out. Meet new people. When you meet new people you'll meet potential band mates. :)

Offline sakurano

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #10 on: August 12, 2011, 06:41:12 PM »
Para saken tol wla kang ginawang mali  :-D
i think di ka naman aabot sa pagiisp na mag quit kung hindi talaga malala yang mga kabanda mo eh. :lol:
ngyayari saken yan. lalo na ung music director nmen. sobrang perfectionist,
minsan nga tinuro nya last week, tapos ngaun week iibahin nya ung tinuro nya. sino may male? db siya?
ang ginagawa ko naman dito, kinig lng ako sakanya. tapos kung ano gusto nya susundin ko. kasi alam ko nmn sa sarili ko na
tama ako at sya mali eh. hayaan ko nlng siya ung makaramdam nung pagkakamali nya. at ayon, nagsosori sya samen pag
ganun ung ngyari. hehehe!  :-D
ayos lng yan bro. maraming banda jan na makaka salamuha mo n ganyan din ang ugali. pakielamero.
dpat sinabi mo sila nlng mag drums?  :-D hahaha! joke! wag mong gawin un syempre . bad un eh!  :-D

makakakita ka din ng band na magkakasundo kayo. keep up the good work bro!  :-D
♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #11 on: August 12, 2011, 11:06:54 PM »
bro naintindihan kita... solid..
i think tama ka,...
as drummer masarap kasi sa pakiramdam at sa mismong tugtugan pag yung mga kabandmates mo gusto yung palo mo as in yung IKAW, TANGGAP KA NILA KUNG SINO KA hindi yung tuturuan ka nila indirectly na GAYAHIN MO SYA, DAPAT KAGAYA KA NYA though hindi nila sinasabi na ganun pero its proportional sa ganung sense

ang hirap kasi sa mga taong ganun eh, iintindihin natin pag nag tuturo sila, pero konting decline lang kasi mali nga naman talaga, GALIT na kaagad nag mumura pa.. hays.... panget rin sa band ung may ganung atmosphere,... it kills the happy air...
« Last Edit: August 12, 2011, 11:45:03 PM by zachki »

Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #12 on: August 12, 2011, 11:52:05 PM »
Salamat mga bro.
Pahinga na lang muna siguro ako ngayon sa banda.

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #13 on: August 12, 2011, 11:57:42 PM »
ikaw bro.. pero opinion ko wag ka magpahinga unless mahanap mo yung certain people na magiging ka band mo at tatanggapin ka kung sino ka... ako honestly wala parin ako mahanap... im getting tired pero ill never give up =D

Offline archraven_012

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #14 on: August 13, 2011, 03:02:19 AM »
tama yan... kung puna lang ng puna wala development mangyayari baka mag low esteem ka pa nyan.... kung may areglo sa tugtugan ok yan pero kung wala at puna lang ang lage nangyayare malaking isyu yun....


marami pa dyan enjoy lang yun ang dapat...

Offline pualux

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #15 on: August 13, 2011, 08:15:55 AM »
bro this reminds me of a thread I once made, medyo same sich pero in that band gitarista nga lang ako

http://www.philmusic.com/main/component/option,com_smf/Itemid,30/topic,216897.0/wap2

look for better band mates hehe,

leaving my previous band was the best thing that ever happened to me lol

Offline sakurano

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #16 on: August 13, 2011, 11:46:36 AM »
Hoy. :-D wag kayong mag pahinga! langya, hahaha!
Masarap tumugtog mga dre. dont magnify negative things. isipin nyo lagi ung music,
ung tipong banda kayo tapos nakaupo ka sa drums? sarap kaya ng feeling nun.
tapos through music masasabi nyo ung mga nasa loob nyo.  :-D

ewan ko lang ha. para saken d ko kaya ng walang music sa katawan. hahaha!  :-D
♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Offline psyknarph

  • Regular Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #17 on: August 13, 2011, 12:08:20 PM »
playing music is having fun!

playing music = fun

music pa rin ba ang nararamdaman mo pag tumutugtog ka ng may bigat sa puso mo?

kung mahirap na talagang pakisamahan ang ka banda then good choice! marami pang nagkalat na musicians dyan na tumutugtog for the sake of having fun playing songs...

Offline junkfazz

  • Veteran Member
  • ****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #18 on: August 13, 2011, 12:58:32 PM »
Hindi kayo MP3 player, kayo ay isang banda.

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #19 on: August 13, 2011, 01:53:02 PM »
Hindi kayo MP3 player, kayo ay isang banda.

simple.. pero ma bigat, naalala ko sabi ng isang tao na nakajam ko dati
"pre hanggat makakatugtug ka habang bata ka pa, tumugtog ka wag ka tumigil, dahil pag nagkaasawa ka na, mahirap na malalaban na yang dalawa, kahit mahilig sa music yang asawa mo, iba na yan pag magasawa na kayo, kaya hanggat pwede,.. tumugtog ka..."

Offline ushuaia

  • Senior Member
  • ***
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #20 on: August 13, 2011, 02:22:35 PM »
tama lang yun,iba ang session sa banda. sa session sideman ka binabayaran ka para gawin ang gusto ng artist/md. sa banda lahat kayo pantay lang,kaya nga banda eh. 

Offline pedaldeaf3

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #21 on: August 13, 2011, 03:40:56 PM »
Hindi kayo MP3 player, kayo ay isang banda.

+9999
« Last Edit: August 13, 2011, 03:43:11 PM by pedaldeaf3 »
God is the mighty "RAK" of my salvation "EN" he want's me to "ROL" forward & follow him...

Offline gracev15

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #22 on: August 13, 2011, 03:51:32 PM »
Naka encounter na ba kayo ng mga bandmates na laging pinapaki-alaman ang pag drums mo?

Ganito po kasi yun...

Every saturday nagpapractice kami. 3-5 songs lang naman every practice.
Syempre before ako pumunta ng practice, I make sure na pinagaralan ko na sa bahay yung mga songs.
Alam ko sa sarili ko yung part ko kasi maigi ko talagang pinagaaralan yung mga songs.

Then kapag hands on na kami sa banda, lagi nila akong pinupuna lalo na sa mga pasok ko.
There was a time na nagdala talaga ako ng mp3 at pinarinig ko sa kanila na tama ang pasok ko at sila ang mali. Madalas ganito ang nangyayari at kung tutuusin sila pa nga yung hindi nag aral ng pyesa nila.
Masyadong unfair naman sa akin un.

Alam ko hindi ako perfect, pag sinabi nilang mali ako at pinakinggan ko ang mp3 at mali nga, maluwag kong tinatanggap yun. Pero yung sabihin na mali ako pero tama naman ako sa mp3, parang yun ang mali.

Kapag sila naman ang mali wala silang naririnig sa akin. Hays! :(

Ayun, nag quit na lang ako.  :cry:


move on with  a new band. mukha namang magaling ka so beat it..lol.

Offline bleckbarry

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #23 on: August 13, 2011, 06:48:10 PM »
bro this reminds me of a thread I once made, medyo same sich pero in that band gitarista nga lang ako

http://www.philmusic.com/main/component/option,com_smf/Itemid,30/topic,216897.0/wap2

look for better band mates hehe,

leaving my previous band was the best thing that ever happened to me lol

Exactly bro.

Offline miggi20

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Nag quit ako sa banda :(
« Reply #24 on: August 13, 2011, 11:34:19 PM »
parehas tayo ng sitwasyon sir, iniwan ko rin mga kabanda ko dati na halos apat na taon din kaming nagsama, iniwan ko sila hindi dahil sa pinapakialaman nila pagpalo ko, iniwan ko sila dahil masyado na kasing malala yung mga awayan ng bawat members ng banda, kampihan, lahat laban sa isa ganun. sa una mahirap at masakit talaga, lalo na nung nalaman kong may pumalit na pala sa position ko at tuloy pa rin sila sa mga gigs :cry:, mahirap talaga kasi hahanap hanapin talaga ng katawan mo ang tugtugan, pero hindi ako nawalan ng pag-asa, patuloy parin ako sa pagpapractice ng mag-isa, inuubos ko ang oras ko sa pagpractice ng rudiments, angtagal ko rin naghintay, hanggang sa nakatagpo narin ako sa wakas ng kasama, eto patuloy parin ang tugtugan hanggang ngaun. relax lang sir! makakahanap ka rin ng mga bagong kapatid sa musika!  :-D