hulika

Author Topic: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D  (Read 3916 times)

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
mga bro share natin ang mga dina-ramdam natin as a drummer,
baka matulongan tayo ng kapwa drummer..

Rock on :evil:

share ko sakin

umaga 5am nag jogging ako to 6am which is i dont usually do..
then 6am onwards nag rest ako sumakit yung joint ng tuhod ko pag nilalakad ko
pero may band practice ng hapon so ininda ko buong araw and kahit malayo yung byahe ininda ko parin,
pagtapos ko mag drums nawala yung pain pag naglalakad,.. pero after ko magpahinga bumalik na sya ulit
baka may naka ranas na sa inyo neto mga bro :-D



Offline bulok

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #1 on: August 20, 2011, 10:27:31 PM »
ang masakit lang talaga sa akin lalo na nung nagumpisa ako nahilig sa drums.... BULSA! :|
hirap magipon ng pera! :-D

joke lang.. pero totoo yung sinabi ko.. masakit sa bulsa :-D kamay at braso, 6hours ako nagdrums kanina hehe kahit na proper grip parin talagang sasakit at ma-stress ang muscles, nagreresearch nga ako ngayon para makaiwas sa carpal tunnel syndrome e mahirap na

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #2 on: August 20, 2011, 10:46:13 PM »
ano yung carpal tunnel syndrome bro? nakakatakot ahhhhhh :-o

Offline glennaui

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #3 on: August 21, 2011, 06:45:37 AM »
wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...

Offline dreddurius

  • Veteran Member
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #4 on: August 21, 2011, 11:16:25 AM »
Yung space sa gitna ng ring finger tsaka middle finger. Pag naka traditional grip masakit sa balat lalo na pag wala pang kalyo >.<
Hi.


Offline bulok

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #5 on: August 21, 2011, 12:47:58 PM »
ano yung carpal tunnel syndrome bro? nakakatakot ahhhhhh :-o
basahin mo na lang dito sir: http://en.wikipedia.org/wiki/Carpal_tunnel_syndrome
ganyan kasi nangyari sa nanay ko pero hindi pa naman malala..
advice din ng doctor maganda daw na uminom ng mga vit B complex para sa blood circulation ng dugo para maiwasan ang pagka-paga ng ugat may mga exercises din para makatulong para ma-relax ung muscles at nerves e.. hindi ko pa lang alam

Offline miggi20

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #6 on: August 21, 2011, 06:24:46 PM »
sumasakit yung right shoulder ko hanggang sa likod, madalas itong mangyari lalo na kapag mahaba-habang tugtugan :x

Offline lizsa12

  • Veteran Member
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #7 on: August 21, 2011, 07:16:18 PM »
wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...

Same happened to me. I guess I'll try switching to 5a's again.  :-)

Offline glennaui

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #8 on: August 21, 2011, 07:32:19 PM »
Same happened to me. I guess I'll try switching to 5a's again.  :-)

oo nga maam... kaya talagang im sticking with 5a... kung mas mataba or mas mapayat na drumstick gamitin ko... nagkakabedsore ako...

Di bale, very comfortable naman talaga ako sa mga 5A... :-D

Offline pmack

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #9 on: August 21, 2011, 10:06:24 PM »
sa akin, my @ss literally hurts after 2-3 hours of jamming.
kung praktis mag-isa, okay lang kasi pwede tumigil.
eh kaso madalas tumatagal ng ganung length of time ang jaming namin nung isa kong banda.
aray.
:-D

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #10 on: August 22, 2011, 01:30:46 PM »
sa akin, my @ss literally hurts after 2-3 hours of jamming.
kung praktis mag-isa, okay lang kasi pwede tumigil.
eh kaso madalas tumatagal ng ganung length of time ang jaming namin nung isa kong banda.
aray.
:-D

bro pmack buti ikaw pwet lang, sakin ung buong likod ko... abnormal ata ako e DX

Offline nhoel

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #11 on: August 22, 2011, 06:18:24 PM »
Bro sign yan na nabanat ang muscle mo.. yan yung mga tulog na muscle's na napuwersa, ang dabest na gawin yan sundan lang, jogging ka lang ulit para lalong madevelope ang muscle's mo... kailangan din kasi talaga natin edevelope ang muscle natin sa lower part natin....



mga bro share natin ang mga dina-ramdam natin as a drummer,
baka matulongan tayo ng kapwa drummer..

Rock on :evil:

share ko sakin

umaga 5am nag jogging ako to 6am which is i dont usually do..
then 6am onwards nag rest ako sumakit yung joint ng tuhod ko pag nilalakad ko
pero may band practice ng hapon so ininda ko buong araw and kahit malayo yung byahe ininda ko parin,
pagtapos ko mag drums nawala yung pain pag naglalakad,.. pero after ko magpahinga bumalik na sya ulit
baka may naka ranas na sa inyo neto mga bro :-D
T

Offline pmack

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #12 on: August 22, 2011, 07:57:53 PM »
bro pmack buti ikaw pwet lang, sakin ung buong likod ko... abnormal ata ako e DX

ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)
« Last Edit: August 22, 2011, 07:59:42 PM by pmack »

Offline jckazs

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #13 on: August 22, 2011, 10:14:36 PM »
ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)

good advice
Importante talaga throne, parang mas importante pa to kesa sa magandang pedal. Iwas injury, komportable kaya masmatagal makaka praktis. Makakatulong din sa technique dahil ok balance pag solid yung upuan

Offline rapmeister05

  • Netizen Level
  • **
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #14 on: August 22, 2011, 11:59:26 PM »
sa akin sa lower part ng left palm ko, yung parang sa laman ng thumb sa palm... di ko alam baka mali lang akong ng grip pero feelin ko tama naman  :? match grip ako. sa right hand ko naman ala prob...

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #15 on: August 23, 2011, 09:09:52 AM »
ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)
sounds like buying a good drum throne is a good investment for practicing at home, since sa home lang naman matagal mag practice eh,... thanks sir pmack really helpful.. canvass time na! :evil: baka may masugest ka na maganda bro ehehe

wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...
bro ako i use 5b and 7a and 5a sticks, i switch sticks depends on my comfortability sa song and sa mood, so far kalyo lang natatamo ko,.. hindi kaya nakaka carpal syndrome yung ginagawa ko bro?

sa akin sa lower part ng left palm ko, yung parang sa laman ng thumb sa palm... di ko alam baka mali lang akong ng grip pero feelin ko tama naman  :? match grip ako. sa right hand ko naman ala prob...
nako bro ingat lang baka carpal symdrome na yan eh parang sikat ata yun na kaaway natin mga tambolero eh!



salamat bro as soon as ok na yung joint ko jogging na ulit ako...
« Last Edit: August 23, 2011, 09:14:05 AM by zachki »

Offline rapmeister05

  • Netizen Level
  • **
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #16 on: August 23, 2011, 07:28:25 PM »
nako bro ingat lang baka carpal symdrome na yan eh parang sikat ata yun na kaaway natin mga tambolero eh!

hala ganun? maresearch nga yan...  :? madami bang tambulero nagkakaganyan?

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #17 on: August 23, 2011, 10:20:55 PM »
hala ganun? maresearch nga yan...  :? madami bang tambulero nagkakaganyan?

uu ata bro... matinding kaaway ng mga tambulero "daw"  yan

Offline rapmeister05

  • Netizen Level
  • **
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #18 on: August 24, 2011, 03:33:05 AM »
awts... ge bro thanks for the info  :-D hopefully di pa naman ganun tong nararamdaman ko heheh... sana  :|

Offline ken minneman

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #19 on: August 24, 2011, 05:37:10 AM »
...nagreresearch nga ako ngayon para makaiwas sa carpal tunnel syndrome e mahirap na

dito rin ako natatakot bro.. pero since di ako masyadong napalo ngayon.. oks lang.. :))
keenevillanueva.wordpress.com

Offline jaycol

  • Netizen Level
  • **
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #20 on: August 24, 2011, 09:11:14 AM »
Ako naman, sumasakit yung pollicis muscle ko. Yung kalagitnaan ng thumb at palm mismo, pag masyadong malakas ang palo. Pero pag nasanay na, ok naman. Pag tumigil naman, sumasakit din pag minamasahe. Ayun.
My balls, Your Chin!!!

Offline mybabyowen

  • Veteran Member
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #21 on: August 24, 2011, 10:07:56 AM »
drum throne is a good investment,sa church wood stool lang kaya kapag madalas mangawit thigh part yung sa baba ng pwet at minsan namumulikat kaya advisable ba kumain ng saging before magdrums or palitan ang drum stool,hehe... :?

Offline zachki

  • Senior Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #22 on: August 24, 2011, 11:31:44 AM »
baka may masusuggest kayo na experienced nyo nang gamitin sa drum throne na sa tingin sobrang panalo at helpful :mrgreen:

Offline edisonmooch

  • Regular Member
  • ***
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #23 on: August 24, 2011, 05:08:55 PM »
may tendonitis ako sa right shoulder ko. :(

Offline otepandrew

  • Veteran Member
  • ****
Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
« Reply #24 on: August 26, 2011, 02:25:09 AM »
ako ung right leg ko naka single peds kasi ako eh syempre sa dalas na ginagamit un sa bass drum pedal ang bilis pa ng paa sa pag sipa sa pedal nakakangawit din kaya pag ngawit na pa isa isa na lang ung bass haha
biginner drummer