Good thread

I have to share my experience here.
2008 ng ma dengue ako. Wala itong pinipiling edad, o kalusugan, mataba o payat, healthy o hinde.
Eto sintomas... na naranasan ko
1. Masakit ang ulo/Nahihilo
2. Walang ganang kumain
3. Pabalik balik na lagnat
Ayokong umaabsent sa trabaho ko noon, pero nung unang araw masama pakiramdam ko
dinala ko lang sa vitamins, pagkain kahit napipilitan lang. at maayos na tulog
ayun akala ko ok na kinaumagahan, kaya tuloy tuloy lang ako ng pasok sa opicina, tapos kinabukasan balik ulit ang lagnat
eh di kain ako ng marami at take ng medicine tulad ng biogesic, alaxan, etc at ok na ulit
pasok parin ako tuloy tuloy, pero nung isang araw nahilo na talaga ako dahil dito ay nag-paalam na ako ng halfday
at tumawag ng taxi papuntang pasig sa tiyahin kong magaling mag hilot, wala na akong malay na nakatulog at ginising na lang ako ng nasa simbahan na ako sa pasig, at ng ako ay hinilot na napag tanto ng tiyahin ko na hindi na madadala sa hilot lang ang nararamdaman ko kaya advice sa akin mag pahospital at ganun nga ginawa ko..
Sa pag stay ko sa HOSPITAL dalawang araw pa lumipas bago pa nila na trace na DENGUE pala ang kaso ko. Grabe nakakainis man pero late na sila mag detect..
Kaya ganito mag tali kayo ng mahigpit na RUBBER sa braso ninyo and for about 3 to 5 minutes pag may mga pantal
ay confirmado sa dengue.
If mag stage 3 na ay ang palatandaan ay dudugo ang ilong mo, at malapit ng maubos white platelets sa dugo mo.
Im glad hindi na bumaba duon ang dugo ko at nakarecover ako 6 days mula ng ma hospital ako sa sakit na yan
at im very glad na hindi ako nasalinan, dahil base sa karanasan iba ang pakiramdam ng nasalinan ng ibang dugo kahit pa same blood type isalin sayo.
So this is the sad part, the good part is wala akong binayaran kahit piso dahil may PHILHEALTH ako
