Hi mga sir,
Share ko lang sa inyo to. This story might be helpful to us bass players and musicians in general.
I had a gig around last month na dapat 8 songs yung set namin pero naging dalawa lang because I passed out right after the second song. The problem is that the venue, which was along CCP Complex, did not have free tap water at mahal ang bottled water nila kaya di ako bumili. Instead, binigyan kami ng beer lang at pagkain. Yes, masarap ang beer at hindi tamang magpakalasing tuwing may gig lalo na't di pa tayo nakakasalang. I didn't drink 2 hours before the set pero nung pagkatapos ng second song namin, tumumba na lang ako bigla. When I woke up, nasa taxi na ko pauwi. Di ako lasing nung time na yun kasi dadalawang bote lang ang nainom ko. Sabi ng mga tinugtugan ko nung kinabukasan dehydration daw. Paano kaya maiiwasan etong mga ganitong instances na bigla kang manghihina sa stage at mauubusan ng lakas? Partida, hindi ako malikot sa stage.